read the printed word! Proudly Pinoy!

Dear Charo

1

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Biyernes, Agosto 19, 2011


Dear Charo,

Hindi na ako magpapaliguy-liguy pa Charo. Sisimulan ko na ang pagkukwento…

Bagamat hindi ito gaya ng mga kadalasang paksa na ipinapalabas ninyo sa inyong programa, nagbabakasakali parin ako na mapaglalaanan ninyo ng panahong basahin itong kwento ko. Wala po kasi dito ang mala “you-and-me-against-the-world” na eksena na pang-araw ng mga puso. Lalong hindi rin ito kwentong kababalaghan na pwede ninyong ipalabas tuwing Halloween.

Bakit nga ba ako sumulat sa inyo? Hindi ko rin alam. Ewan ko ba. Gusto ko lang magkwento. Nagpi-feeling kwentista na naman po kasi ako.

Ganito po kasi yun…

Balikan natin ang taong 2008… Nag-aaral pa lang ako nun… Mainit… Sobrang init!... Natandaan ko pa nga na saglit kong sinumpa ang katagang Global Warming  noong araw na iyon. Pawisan na ako nang mahanap ko ang silid kung saan kami magkaklase. Wala pang tao doon bukod sa akin. Kasalanan ko, kung bakit kasi ang aga kong pumasok?

Dahil  organisado akong tao at masipag akong estudyante (blog ko ‘to!) Charo, buong puso kong inayos ang noo’y gulo-gulong posisyon ng mga upuan, binura ko narin ang mga kung anu-anong kashitan ng ibang estudyante na nakasulat sa chalkboard. Naisip ko kasi, maganda na iyung pagdating ni prof tuloy-tuloy na ang sulat nya sa board. Siguro mga labinlimang minuteoko ring ginawa ang mga iyun Charo.

Pagkatapos nun, agad akong pumili ng pwesto para maupo. Pinili ko iyung malapit sa pinto para kahit mahangin kahit papaano. Kumuha ako ng kapirasong scratch paper sa bag ko para ipunas sa upuang halatang balot pa ng alikabok. Nang masigurong pwede na syang upuan binuksan ko ang ang isa sa apat ng ceiling fan na naroon. Syempre yung binuksan ko lang ay yung sa may tapat ko kasi matipid ako sa kuryente (blog ko nga kasi to). Hindi pa nakaka-isang minuto may dumaang guard Charo. Nagkatinginan kami. Nginitian ko pa nga sya. Pero iba pala ang ibig sabihin ng pagngiti nya sakin nun.

“May klase kayo dito? ” tanong nung guard sa tonong pang-guard.

“Meron po,” sabi ko. Nakangiti parin ako. Sa isip ko wala naman akong nilabag eh.

“Anong oras?” tanong nya ulit.

“Maya-maya po. One-thirty,” kaswal na ang sagot ko. Ayoko nang ngumiti.

Tumingin sa akin yung guard. Tapos tumingin sa relo nya sabay sabing “Wala pang one-thirty. Patayin mo muna yang electric fan.”

Sa pagkakatanda ko mabilis na kumulo ang dugo ko noong panahon na iyun Charo pero hindi ako nagsalita. Tumayo nalang ako para patayin… yung electric fan po, hindi yung guard. Pero binuhay ko din po sya pagkatalikod nung guard. Sa halip na mainis inilipat ko nalang ang atensyon ko sa mga tao sa labas. Ayokong isipin ang kashitan ni manong guard kaya inaliw ko ang sarili sa panonood ng mga estudyanteng maya-maya tumatawid gitna ng init sa quadrangle… sa mga nagpa-praktis ng sayaw sa stage… sa mga nagkukwentuhan sa lilim ng puno ng mangga… sa lalaking mag-isang naka-upo habang sarap na sarap sa kinakaing burger…

Huwag nyo pong isipin na may hinanakit parin po ako sa guard na iyun matapos ang halos tatlong taon. Ang totoo wala po akong hinanakit sa kahit kanino na nakilala ko sa mismong araw na iyun. Nagkataon lang na naalala ko ang eksenang iyun nang makita ko sa friend suggestions ko sa FB ang isang taong naging kaklase ko para sa pasukang iyon--- si kuya na nakita kong sarap na sarap sa kinakaing burger.

Nagtaka lang po kasi ako Charo kung bakit nasa friend suggestions ko si kuyang kumain noon ng burger gayung wala naman kaming common friend…

At dito po nagtatapos ang kwentong shits ko Charo… nawa’y pamagatan ninyo itong “Electric Fan”, “Burger”, o dili man ay “FB”.



Lubos na Gumagalang,


REKLAMADOR






Daredevil Dairyel

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Biyernes, Agosto 12, 2011



Noong isang araw ko pa gustong magsulat pero wala akong masabi hanggang sa naka-kwentuhan ko kanina ang isang bagung kaibigan. Tawagin natin sya sa pangalang Daredevil Dairyel. Sa ganoong pangalan daw kasi nya ipinakilala ang sarili nya sa buong klase nung sinabi ng Accounting Prof nila na magpakilala gamit ang isang adjective. (Risk-taker daw kasi sya!)

Hindi ko rin alam kung paano kami naging magkaibigan o kung kailan nagsimula ang pagkakaibigan namin. Basta isang araw bigla nalang syang pumasok sa tambayan ko ng walang Sali-salita, sabay higa sa sulok ng higaan ko, saka mabilis na isinubsob ang mukha sa unan ko na hindi ko pa napapalitan ang cover.

“Oi girl, wag yan. Hindi ko pa nalalabhan yan!” sabi ko. Syempre nahiya naman ako.

Noon ko lang napansin na umiiyak na pala sya. Break na daw kasi sila ng boypren nya. Naiiyak sya dahil sa galit, hindi sa lungkot. Tahimik lang akong nakikinig sa kwento nya. Inosente naman kasi ako pagdating sa mga ganoong paksa. 

Mula noon napadalas na ang tambay niya sa tambayan ko kasama ang dalawa pa naming ka-boardmates. Noong una hindi ko inakalang magkakasya kami sa maliit na espasyo sa loob ng lungga ko. Nagkasya kami dun, masikip nga lang kaya nagpasya kaming dalhin ang kwentuhan sa labas. (Ano ba naman kasing ginawa ng Padis Point?) doon ko nadiskubre na marunong naman pala akong sumayaw! (iisang step nga lang)

Talon. Talon. Talon…

Nasundan pa ng ilang gimik at jammings ang tagpong iyun… hanggang kanina…

Nagyaya na naman silang tatlo na gumimik, pero umiral na naman ang katamaran ko. Isa kasi akong malaking panatiko ng katahimikan (kahit hindi halata sa mga metal na tugtugin na naka-save sa playlist ko) kaya mabilis akong nagsawa sa ingay sa gimikan.biglang na-miss kong maglakbay sa pamamagitan ng pagbabasa at dumaldal gamit ang pagsusulat..

Hindi nila ako napilit na sumama pero nakapag-kwentuhan muna kami ni Daredevil Dairyel bago nya ako iniwan sa munti kong lungga. Naipabasa pa nya sa akin ang journal nya na limang taon na ang tanda. Gusto ko din sanang i-share sa kanya ang dati kong journal pero inunahan ako ng hiya. Ano naman kasi ang makukuha nya pag nabasa nya doon kung paano ko namura sina Hellboy at Elektra?
 
Balik tayo sa journal nya… 

Heto ang iilang pirasong napulot ko mula sa pagbabasa dun:

“Madalas gusto ng tao na maging espesyal--- isang antas ng pagiging espesyal na isang espesyal na tao lang ang makapagbibigay.”

“Everyone is a Daredevil, (risk taker)…  others just don’t know it yet.”

Hindi ko tuloy napigilang maalala ang isang status ng kaibigan ko nun sa FB…

“Take the risk and say at least I tried. Or do nothing and spend your whole life wondering what could have been the outcome if you took the risk…”

Isang Pahina Para Kay Miss Corazon

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Miyerkules, Agosto 3, 2011

Si Miss Corazon?
Hindi ko sya nakasama ng ganoon katagal.

Kilala ko lang sya sa pangalan noong bata ako. Madalas ko kasing marinig ang pangalan nya lalo na tuwing may dumadating na package sa bahay galing Amerika.

High school na ako nung una ko syang makita ng personal. Halos kasing-height ko lang pala ang taong taong tinitingala ng marami naming kamag-anak at kakilala doon. Kapatid pala sya ng lola ko na higit siyam na taon nang nanirahan sa ibang bansa. Bago iyun ilang taon din muna syang nanirahan at nagtrabaho sa Maynila. Kaya pala noon ko lang sya nakita.

Librarian si miss Corazon bago sya nag-abroad. Ni hindi ko nga alam na siya pala ang may-ari nung sangkatutak na libro sa bahay ng lola ko na kinatutuwaan ko namang basahinmula noong elementary. Hanggang ngayon nandoon parin sa iisang aparador ang mga libro niya--- naghihintay basahin ng kung sino.

Nasa dugo ni Miss Corazon ang pagiging guro kaya kahit retirado na, madalas nyang tipunin sa bahay ang mga pinsan ko para turuan ng kung anu-anong kantang pambata. Minsan pa nga pinilit pa nya akong sumali sa kantahan nila kaya mula nun nagpapanggap na akong busy tuwing may kausap na syang bata.

Baa Baa Black Sheep
Have you any wool?
Yes sir, Yes sir, three bags full…

Isa yan sa mga paborito nyang ituro sa bunso kung kapatid… with matching actions pa yan!

“Don’t do for tomorrow what you can do for today.”

Yan naman ang paborito nyang sabihin sa akin--- tipong four times a week. Ewan ko ba. Likas yata kasi ang takteng katamaran sa katawan ko. 

Ilang buwan ko ring nakasama sa iisang bahay si Miss Corazon. Sa ilang buwan na yun, marami akong narinig na kwento tungkol sa samu’t saring karanasan nya sa buhay. Marami rin akong nakuhang sermon at pangangaral. (Syempre, pwede ba namang wala?) Pagkatapos nun, matagal kaming hindi nagkita pero tanda ko pa na pilit pa nya akong tinutulungan nung mga unang taon ko sa kolehiyo.

Kahit may edad na, malakas at mahilig paring bumiyahe si Miss Corazon. Kaya nga laking gulat ko nung makita ko sya noong isang taon. Kagagaling lang nya sa sakit nung dinalaw ko sya. Nakakagulat ang biglaang pagbagsak ng katawan niya… pati alaala nya bagsak din. Hindi na kasi nya kami nakikilalang bigla pagkatapos nyang ma-stroke. Bakas sa mukha nya ang panghihina pero hindi parin nawala yung ngiti sa labi nya na madalas kung makita noon tuwing nagtuturo sya.
Nilapitan ko sya, kinamayan, sabay tanong kung kilala pa nya ako. Ngumiti lang sya, pinisil ang kamay ko, ngumiti ulit, hindi nya maalala kung sino ako kaya hinalikan na lang nya ako sa pisngi sabay tanong ng “Kumusta sa inyo?”

Ngayong araw lang natanggap ko ang balita na tuluyan nang namaalam si Miss Corazon--- isa sa mga taong pinagkautangan ko ng loob at humubog narin sa katauhan ko. Maiksi man ang pinagsamahan namin, hindi na mabubura ang mga bakas ng alaala na iniwan nya…

Maraming salamat…

Isang espesyal na pahina at maraming patak ng luha para kay Tiya Coring… 



Kathang (Malikot Na) Isip

4

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Lunes, Hulyo 4, 2011



kathang-isip lang ba?


kathang-isip nga lang yata...


iyung araw na nakita at nakilala ka

iyung mga oras na kausap at kakwentuhan ka

pati matatamis mong ngiti at malakas na tawa...

kathang-isip nga lang kaya?

kathang-isip lang ba?

ang bawat nguya habang kasabay kang kumain sa iisang mesa...

ang boses mong kay sarap sa pandinig...

ang bawat minutong sa akin ka lang nakatitig...

kathang-isip nga lang ba na tayo'y pinagtagpo ng tadhana...

ang bawat salita habang alay mo ay isang awitin...

eh iyung mga katagang "mahal kita?"

kathang-isip lang din ba?

ang mga oras na hawak mo ang aking kamay...

yung mga gabing naglakad tayo ng sabay...

yung pagmamahal an iyung ipinadama...

yung pagsagot ko sayo ng "oo" powtek ka!

kathang-isip lang din kaya?

Oo... Hindi... Sa pula... Sa puti...

naging kathang-isip ang lahat nang bigla kang nawala...

ang bawat patak ng luha...

ang bawat lungkot at pangungulila...

so, kathang-isip lang ba?

kathang-isip lang di ba?

kathang-isip nga lang yata...

kathang-isip lang pala!

mabuti nalang at kathang-isip ka lang ngang talaga!


(ume-emote lang Lunes kasi!) ^_^

Mabuhay!!!








"Ikwento Mo Kay Blogger" Mode

2

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Linggo, Hulyo 3, 2011


May kwento ako. Malungkot.
Hindi ko alam kung saan sisimulan ang pagkukwento kasi hindi ko alam kung saan nagsimulang maging malungkot yung kwento...

Uumpisahan ko nalang sa cellphone ko na napapadalas ang pagpalpak nitong mga nakaraang araw...

Biyernes pa nang ma-lowbat itong limang taon kong cellphone. Ayaw nyang mag-charge! Nagre-rebelde? Parang naririnig ko na nga ang sinisigaw nitong "Palitan mo na ako, parang awa mo na!"

Pero dahil wala pa akong pambili sa nakatakdang kapalit ko sa kanya, pinagtiyagaan ko muna siyang piliting mag-charge... (alam ko ok yung charger eh..)... Muntik na nga akong sumuko at muntik ko na syang patingnan sa isang eksperto nang mangyari ang hindi ko inasahang mangyari...

Nag-charge sya!

Yeabah nag-charge sya!

Atat na akong magbasa ng mensahe kaya agad ko syang binuhay. Labindalawang message ang tumambad sakin...

Isang nag-a-update ng pinapapasa nyang resume...

Isang nagyayayang umakyat ng Mt. Batulaw...

Isang mapang-asar na text mula sa mapang-asar kong kapatid...

Dalawang updates mula kay pareng Sun...

At pito mula sa isang kaibigan na anim na taon bago natutong mag-gitara, isang taon bago natutong kumanta, at kahit hindi natutong mag-bisikleta, nangangarap paring magka-ducati... ^^

Sunod-sunod ang ngiti ko sa mga naunang text. Pero nalungkot ako dun sa huli...

Tama na naman si Papa Jack! (oo nakikinig ako minsan kay Papa Jack!)

Hindi lahat ng tao na dadating sa buhay mo ay nariyan para mag-stay. Ang iba mapapadaan lang para turuan ka ng leksyon...

Saka ko nalang siguro ite-text ulit si kaibigang nangangarap magka-ducati... pag ayos na si pareng CP... sa ngayon lowbat na naman sya! Takte!!!

Kaya nananawagan po ako kay kaibigang nangangarap magka-ducati... may gitara ka pa sakin boy... yung apat lang yung string na galing pang Subic... yay!







Watashi No Yuujin Sayoonara

5

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Miyerkules, Hunyo 29, 2011



Mahirap kalimutan ang bawat araw na pinagsamahan natin...

Ang bawat laban na magkasama nating naipanalo at naipatalo...

ang bawat kwento na sabay nating tinandaan...

ang mga hindi mababayarang pagod at pawis...

ang mga walang katumbas na kaligayahan at minsan kalungkutan na magkasama nating pinagdaanan...

ang mga hindi natatapos na kwento ng pag-ibig na sabay nating ikinuwento sa iba...

ang mga gabing sinamahan mo ako sa aking pagpupuyat...
nanatili kang gising para sa akin habang tulog na ang lahat...

ang mga di mabilang na pagkakataon na sabay tayong nagtampisaw sa dagat ng mga alaala...

ang bawat pagsusulit na sabay nating sinagutan...

ang ilang liham ng pag-ibig na sabay nating ginawa...

ang mga maiiksing tula na sabay nating sinulat at ilang beses pa ngang binura at pinalitan ng linya...

ang iilang kalokohan na hindi ko maipapalaganap kung hindi dahil sa tulong mo...

sabi nila ikaw daw ang sunod-sunuran kong sundalo...
at ako naman ang makakalimutin mong amo...

pero para sa akin hindi ka lang isang mabuting kaibigan...

ikaw ay isang karamay...

kabahagi ng aking bawat karanasan

at sa mga oras na ito, ikaw ay isang inspirasyon...

mapa-galit, galak, tuwa, takot, saya, naroon ka kasama ko...

isa kang magaling na taga-kwento

naipaparating mo sa iba ang hindi nasasabi ng bibig ko...

Astig ka! Isa kang ekstensyon ng utak ko...

madalas napapabayaan kita...

kaya kung minsan pinagtataguan mo ako... tinatakasan... iniiwan...

at ngayon iiwan mo na naman ako...
hindi dahil napabayaan na naman kita kundi dahil kailangan mo nang mamaalam talaga...

alam ko, nararamdaman ko, nakikita ko...

ito na ang huling kwentong pagsasaluhan nating dalawa...

hanggang sa huli mong lakas hindi mo ako iniwan kaya malaki ang aking pasasalamat kaibigan...

naghihingalo ka na... Paubos na ang iyong tinta...

Paalam tapat kong bolpen...

Hanggang sa susunod na pagsusulat ng mga halos walang kwentang katha ^^


Mabuhay!!!








Nang Magsalita Si Kamatayan

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Linggo, Abril 10, 2011


Oh creatures under the sun 
Today, for you I've come
to wash away the suffering 
and take the life of not just one
 

It's now time to leave my chosen ones
 
leave behind your golds
to Earth they belong 
to Earth they shall return
 

leave behind your richness and your wealth
it is now for others to keep
take off the priced robe now
it'll just be a waste that you'll no longer need 

forget about your fame
forget about your shame
for everybody who comes with me,
comes with me with nothing

now is your turn to forget about anything and everything
take off that crystal shoes 
turn your back from your sorrows and woes
 
death has picked you,
come and don't resist

don't mind the short wave of pain
it'll be the last of your sufferings

I am the inevitable,
 
I am imminent
 
I am not the one you must dread
 
don't fear me, just accept me instead!
 

I am a part of every living
 
want it or not 
I am their end!




Will You Dance With Me On Thursday?

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , | Posted on Lunes, Pebrero 28, 2011

Harken! Harken!

As the laughter comes with the breeze

Come with us, laugh with us,

jump with us, and dance with us they say

forget all your sorrows and woes

put on your dancing shoes!

We will dance the night away

Mirthfully, wonderfully, magically!

Silver dusts will glow as they float in the air

The fairies will put them there

The little dwarfs in their colorful hats will dance as well

First in pairs, then in circles and in squares.

The lions, the wolves and tigers will be tamed

As the mice play a melody that will fill the earth

And our hearts will be filled with joy

And the universe will dance to rejoice.

Our weirdest wishes will happen

Our hate forgotten

the dreaded things will all be gone

and what will be left is the time to have fun…

So, honey

will you dance with me on Thursday?

Picture: Passion for Dance by artmyass on DeviantArt


White Monday

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , ,

Nandito ako… sa kulay puting penthouse

Nakaharap sa kulay puting pisara…

Nakaupo sa kulay puting silya…

Nagsusulat sa notebook ko na nakapatong sa kulay puting mesa…

Walang aircon... ayos lang… mahangin naman…

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko,

8:05, maaga pa!

Napangiti ako. Mula noong nagsimula ang training namin, hindi pa ako na-late kahit minsan.

Ayos!

Tumayo ako at nagtimpla ng kape sa kulay puting plastic cup

Habang naghihintay sa trainer namin, naisipan kong mag-soundtrip

Mabuti nalang at dala ko si Philips GoGear at fully charged sya!

Isinuot ko sa magkabilang tainga ang kulay puti kong headset na nakakabit sa kulay pula kong MP3 na nakasilid naman sa kulay brown kong bag na nakapatong sa kulay puting mesa na nasa loob ng kulay puting penthouse.

Nagsimula na namang mag-ingay si Taylor Swift.

Ewan ko ba! Lahat na yata ng kanta nya nasa MP3 ko na…

Mukhang nahawa na yata ako sa pagiging TSwift die hard ng pinsan ko.

Hindi ko rin alam kung paano at kailan ko nagustuhan si TSwift… (rakista kaya ako dati!)

Balik tayo sa penthouse…

Di ko namalayan, 10:17 na pala! Kaya naman pala nababagot na ako! Dapat kasi 8:30 ang simula ng training.

Nag-kape ulit ako---pantanggal antok…

Sa kawalan ng magawa, naisipan kong pagmasdan na lang ang nagtataasang building sa paligid namin.

Gusto ko silang bilangin lahat… pero tinamad ako!

Pinagmasdan ko naman ang langit. Puro clouds!... Kulay puti!

Nagpasya na lang akong gumawa ng tula…

Naka-dalawang tula ako!--- Astiiig!

Pero wala parin yung trainer--- yun ang hindi astig!

LUNCHBREAK!

Busog na ako at kasalukuyang inaantok dahil sa hangin na ibinubuga ng kulay puting electric fan na may pink na elesi.

Nakatulog ako… at nagising…

Wala parin ang hinihintay naming trainer kaya pinag-tripan ko namang bilangin ang mga switch at saksakan sa penthouse.

May isang switch sa tabi ng elevator. Tatlo sa may hagdanan. Isa sa CR. Dalawa sa gilid ng bintana. Isa sa likuran ko.

Walong switch!Walo rin ang saksakan.

End of trip.

Dahil nababagot ulit ako, hindi ko namamalayang yung eroplano naman pala ang napagdidiskitahan ko.

Simula kanina pagkakain, nakapagbilang na ako ng dalawampu’t isang eroplano sa langit…

Hanggang sa nagsawa rin ako sa kakabilang…

End of trip.

Pinagmasdan ko nalang ang mga kapwa ko trainee.

May mga nagkukwentuhan, pero di ko naririnig ang pinagkukwentuhan nila dahil nag-iingay parin si Taylor Swift sa tainga ko.

Tahimik lang akong nagmamasid hanggang sa napangiti ako dahil kay kuya na nagkasya na lang sa paggawa ng paper planes at paper duck dahil sa kabagutan!

Mas astig pala yung trip nya.

Yumuko nalang ako para itago ang ngiti ko… baka kasi mahalata ni kuya…

Soundtrip ulit. Ngayon nanaig na ang pagiging rakista ko… Motorhead na ang tumutugtog--- rock n’ roll!

Ipinikit ko na ang mga mata ko at sabay nag-isip

Na sana wala nalang ma-eliminate sa amin pagkatapos ng training!

Mabuhay! ^_^

Picture: Colors Dreaming by Mayoofka on Deviantart


Halina't Magsaya! Horaa...

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , ,

Halina’t magsaya mga ka-Teritoryo

Halina’t magsaya katapusan na ng Pebrero


Horaa! Horaa!


Samahan ninyo akong magsaya!


Kunin mo ang gitara, patunugin ang trumpeta


Buksan ang pinto’t bintana at sumigaw…


Horaa! Horaa!


Ang unang sahod ay nasa akin na!



Sa Tuwing Ikaw ay Napapapikit

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , , , , | Posted on Huwebes, Pebrero 3, 2011

sa mga oras


na ika'y napapapikit,

ikaw ba ay

nag-iisip?

nagmumuni-muni?

nagpapahinga?

nagpaplano?

nagdedesisyon?

nagbibilang ng problema?

naghahanap ng solusyon?

nakikinig?

nakikiramdam?

nagsusuri ng sarili?

nagdadasal?

nagpapasalamat?

nagsisisi?

umiidlip?

o natutulog?


ano man ang iyong kasagutan,
sana ay panatag na ang iyong loob
sa pagmulat ng iyong mga mata.


Mabuhay! ^_^




Tonight, Tonight, Tonight

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , ,

ngayong gabi habang ako'y nakapikit

ako'y malayang naglalakbay sa loob ng aking isip

kung saan dalandan ang kulay ng langit

kung saan walang maganda at walang pangit

walang mabait at walang masungit

ngayong gabi habang ako ay nagtitiis sa sikip

teritoryo ko naman ay walang hanggan sa loob ng aking isipan

palasyo ang aking tahanan

soccer field ang aking bakuran

hardin ko lang ang buong ka-Maynilaan

ngayong gabi habang sa buwan ay nakatingala

sa isipan ako'y lumilipad sakay ng aking saranggola

pataas ng pataas ng pataas...

hanggang sa ang buwan ay narating ko

at doon pinagmasdan ang banayad na pag-ikot ng mundo

ngayong gabi habang ako ay nangangarap

habang ako ay nakapikit...

habang ako ay nagtitiis sa sikip...

ako'y nagdarasal...

sana'y makatulog na! sana'y makatulog na!




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...