read the printed word! Proudly Pinoy!

My Landlord's Proposals

0

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Biyernes, Agosto 2, 2013

Gusto kong maging writer. Hindi ko alam kung bakit. Bakit? Bakit hindi? Malikot naman ang imahinasyon ko. Marami akong gustong i-kwento. Higit sa lahat, alam ko kung paano gumawa ng kwento. Ha!

Nagsimula ang lahat noong highschool. Ito yung mga panahong nagpapalitan ng romantic pocketbooks ang mga kadalagahan. Kung babae ka at wala kang pocketbook sa bag mo, isa lang ang posibleng dahilan --- nerd ka. 


At dahil nga umabot na sa puntong nabasa ko na lahat ng mga pinagpapasa-pasahang nobela na umiikot at nagdaan na sa kamay ng bawat romantikong nilalang sa klase, naisipan kong gumawa ng sariling bersyon ng sweet-and-sour-na-chilli-hot-salted na kwentong pag-ibig. Hand written sa pinagdikit-dikit na piraso ng bond paper na ka-size ng totoong pocketbook. Isipin mo kung gaano ako kasipag noong araw! Siyeeet.

At dahil hitsura palang alam nang home made ang pocketbook ko kumuha ito ng maraming atensyon. Instant celebrity! Nangabilang section pa! Mabuti nalang ginandahan ko ng sulat. Nakakatuwang isipin na pagkabasa palang nila ng unang chapter nagtatanong na agad sila,

"Kanino 'to? Pahiram naman."

At kapag nalaman nilang ako ang may-ari.

"Sya nagsulat nito???"  kasunod ang napakaraming question marks na halos visible na sa ekspresyon ng mukha nila. 

Dahil maraming natuwa noon, naisipan kong seryosohin ang pag-gawa ng kwento. Bakit hindi? At ito na nga ang naging bunga. Ayeeee.


"Gumulo ang buhay ni Alyanna nang dumating ang anak ng kanyang landlady at nagbigay ng proposal. Hindi na siya nito sisingilin sa dalawang buwang utang niya sa renta at may libre pa siyang one month kung papayag siyang pansamantala silang magsama sa ilalim ng iisang bubong. Kung practicality ang paiiralin, hindi na masama ang offer nito. Wala rin siyang choice dahil wala siyang sapat na pera para pambayad ng house rent. Tinanggap na lamang niya ang alok nito
Pero sadya yatang business-minded si Drake, nasundan pa ang proposal nitong iyon. Mula sa pagiging tagaluto ng almusal ng binata, naging date siya nito sa dinaluhan nitong pagtitipon. laking gulat niya nang ipakilala siya nitong nobya sa pamilya nito.
Hindi iyon kasama sa proposal na tinanggap niya!" 

Mabibili po sa leading bookstores nationwide. ^_^





  
                                                                    

Gumuhit Ako Ng Araw

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Huwebes, Agosto 9, 2012



“Gumuhit ako ng araw, nagpakita ang araw. Totoo pala yung kalokohan namin noong bata pa ako.”

Maulang umaga sa lahat ng magugulo, nakikigulo at makikigulo pa.

Wala talaga akong balak mag-blog ngayon. Wala. Hindi ko lang napigilang matuwa sa facebook status ng kaopisina ko. Kung alam ko lang na ganun lang pala kadali palabasin si haring araw baka noong isang linggo pa ako nagsimulang gumuhit ng maraming-maraming araw. Yung tipong, sa sobrang dami, mapipilitan na siyang lumabas mula sa pagkakatago sa likod ng madidilim na ulap sa kalangitan. Yay.

Sa halos tatlong linggong buhos ng malakas na ulan, hindi na kataka-taka na maraming parte ng Luzon ang lubog sa baha. Marami ang nawalan, naghirap, at umiyak. Marami ang nagdasal. Marami ang natutong mag-sun dance (isang uri ng sayaw na pinauso ni Sarah G.) Paminsan-minsan sumisilip ang araw, pero agad ding nagtatago kapag napansin na ng marami (nakuha pang maging sensitive).

Nakakalungkot lang isipin na sa gitna ng matinding kalamidad, may mga tao pang nakakapagbigay ng mga hindi kaaya-ayang komento. Tulad nalang nitong nasa baba. Kinailangan ko pang takpan ang mukha ng anime character sa profile pic nya para mapangalagaan ang imahe nito... lels


Hmmp porke't hindi ka inabot ng baha te? At dahil dyan tinatanggalan na kita ng karapatang sumali sa Miss Earth!

Ano-anu b a ang ayaw ko sa komentong ito? Una, isa itong sampal sa buwan ng wika! Pangalawa, hindi na importante kung malaman man natin kung sino ang may kasalanan sa pagbaha. Hindi na rin importante kung ano ang naging dahilan ng pagbaha. Ang pinakamahalaga ngayon ay kung anu-ano ang gagawin natin pagkatapos ng lahat ng ito.

Pwede rin kasing magtulungan tayo Pilipino... ^_^


Photo by Pilipino Ako


  
                                                                    

Forever Starts Today

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Miyerkules, Agosto 8, 2012

He is my freedom, my prison
He is my strength, my tears
He is my happiness, my torture
He is my wound, my medicine

He is my thoughts, my oblivion
He is my mirth, my melancholy
He is my past, my future
He is my friend, my lover

He is my venom, my Romeo
He is my voice, my melody
He is my life, my death
He is my anger, my calmness

He is my protector, my fear
He is my courage, my knight
He is my black and my white
He is mine for I am his

He will be my Mister and I his Miss
Forever we’ll have each other
Forever we’ll stay this way
Forever starts today





  
                                                                    

Thank You Mister

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Martes, Agosto 7, 2012

Thank you for the love my sweet Mister
Thank you for the time we spent together
Thank you for the words that made me feel better
Thank you for the embrace that made me feel safer

Thank you for the gifts that always came in surprise
Thank you for not telling lies
Thank you for the flowers that made me smile
Thank you for the cards last Valentines

Thank you for the trips you took for me
Thank you for the tears you shared with me
Thank you for the smiles that made my day
Thank you for the memories, both serious and insane

Thank you for the shoulders to lean on
Thank you for the inspiration
Thank you for the fights you bravely endured
Thank you for being my cure

Thank you for not giving up on me when the world was cold
Thank you for the hand I can always hold
Thank you for the adventures we took
Thank you for the poems and songs you wrote

Thank you for the mountains we climbed
Thank you for being this kind
Thank you for the good memories to remember everyday
Thank you for loving me






  
                                                                    

Ang Tanging Hiling

0

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Lunes, Agosto 6, 2012


Matulog sa gabi
Gumising sa umaga
Pumasok sa trabaho
Sumahod ng tama
Makinig ng musika
Magsulat ng nobela
Magbasa ng libro
Matutong mag-gitara
Tumakbo
Mamundok
Tumulong sa kapwa
Magpakabasa sa ulan
Makipagkaibigan
Humiga sa damuhan
Titigan ang bwan
Managinip
Mangarap
Ngumiti at tumawa
Maglakbay
Magmahal
Magsaya

Ito ang buhay na gusto ko bago kita makilala
Ngayon ang tanging hiling ko lamang ay magpatulog ka TAENA!




  
                                                                    

I Will

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Martes, Enero 3, 2012


I love you
Like the stars love the universe
I need you
Like the trees need its flowers

I will care for you
Like the painter cared for his canvas
I will hold on to you
Like the strongest roots holds on to the ground

I will listen to you
Like the sailor listens to the wind
I will fight for you
The way a man fights for his life

I will hold your hand
Like a loving wife to her husband
I will share all your sorrows and woes
The way the moon shared the howling of the wolves

I will be right beside you
Just like the best of friends do
I will wipe your tears away
Even after my hair turns gray



                                                                       
                                                                    

Welcome 2012

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Linggo, Enero 1, 2012


Bagong taon na!

Bagong taon bagong trip, yay! Pero bago ang lahat, pasasalamatan ko muna ang masaya, maingay, maswerte, minsan malungkot, madalas nakakatuwa na taon ng 2011...

Salamat sa mga bagong kaibigan, katsismisan, ka-hobby,  karamay, kaaway, kabati, hindi kabati, higit sa lahat sa mga bagong magugulo kong kateretoryo. 

Mabuhay!!!

Sa dami ng nangyari sa buhay ko noong nakaraang taon hindi ko na alam kung alin-alin ang uunahing ikwento at ibahagi kaya naman naisipan kong gamitin ulit ang ninja technique na natutunan ko lang late last year --- ang “Random Technique”… lels… Syempre pinapasalamatan ko ang lahat ng naging bahagi ng kwento ng buhay ko noong nakaraang taon pati noong mga taon bago ang nakaraang taon.


Pinagpapasalamat ko lahat ng magaganda, hindi magaganda, malulungkot at masasayang alaala noong nakaraang taon tulad ng mga ito:

January: Isang tawag mula sa HR. Pumasa daw ako sa unang interview. Binigyan ako ng schedule para sa susunod na interview (yung matindihan daw). Sa buwan din na ‘to  ako nagsimulang manirahan sa boarding houses. Syempre kailangan hindi ma-late.

February: Pumasa sa matindihang interview. Start na ng cadetship. Ito yung phase kung saan hindi ka pa regular at hindi rin probationary. Masaya. First job… yatta!

March: Unang sahod ,mula sa unang first job. Syempre Masaya ulit. Idagdag pa natin ang mga bagong friends sa FB… lels

April: Natupad ang pangarap ko noong college. Ang makaakyat ng astigin na bundok at mag-ala-mountaineer. Dati na akong umaakyat ng bundok sa probinsya pero mababang bundok lang kaya sobra ang excitement ko noong naakyat ko ang Mt. Pico de Loro kasama sina B1 at dalawa pang kasamahan. Bukod doon, naranasan kong manalo sa isang palaro (for the first time since birth… lels). Nanalo kami sa pa-pinoy-henyo noong anibersaryo ng kompanyang pinapasukan ko. Yung napanalunan, ipinanood namin ng sine (Thor).

May: Nagtuloy-tuloy ang excitement kaya umakyat ulit kami ni B1 ng bundok. Mt. Gulugod Baboy sa Mabini Batangas. Mga bagong kaibigan ang kasama. Kahit muntik na kaming abutin ng dilim habang naliligaw, masaya parin.

June: Promoted. Probationary position. Sabi ng free dictionary sa internet ang probationary stage dawis a process or period in which a person’s fitness, as for work or membership in a social group, is tested”… Hmmm.

July: Ito ang simula ng pag-ganti... sa kabutihan ng aking mga magulang.

August: Tuloy ang akyat sa Mt. Maculot. Bumabagyo pa nung time na yun. Rock ‘n Roll padin  dahil determinado gumala yung mga kasama ko. Tatlo lang kaming umakyat nun at wala pang ni isa sa amin ang may alam ng trail. Apat beses muntik maligaw. Isa noong paakyat ng campsite at yung iba pa noong pababa na mula sa summit (doon sa parteng matalahib). Dahil nga sa bagyo kaunti lang ang umakyat nung araw na yun, lima lang kaming nasa campsite. Nabali pa ang pole ng tent namin pero masaya padin.

September: Whang turned 24. Whew, salamat sa buhay. Salamat sa mga bumati at hindi bumati.

October: Heto na. Binigyan ako ng Panginoon ng boypren.

November: May promo ang Air Philippines. Mura lang ang pamasahe pauwi ng probinsya. Syempre bumili ako ng ticket para makauwi sa Pasko at Bagong Taon.

December: Regular Employee na ako. Yey! Pero sabi ng nakakataas hindi daw ako pwedeng umuwi ng probinsya kahit wala naman akong ginagawa na sa opisina kundi maglaro ng Ninja Saga. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pwedeng umuwi. Yun kasing “nakatataas” na nagbawal sa akin ay malaya namang lumipad pauwi sa probinsya nya. Hmmm… power trip? Nakakalungkot. Mabuti nalang may Binggo at perya gabi-gabi sa munisipyo ng Mandaluyong, kahit papano naibsan ng foodtrip ang lungkot. Para naman dun sa “nakakataas” sana masaya ka. Hinding-hindi kita makakalimutan, maraming salamat. Napalampas ko na po ang kababawan  ninyo...lol. Sa kabila ng lahat masaya parin ang Pasko, yay!

Salubungin natin ang bagong taon na may ngiti sa labi folks^^


MALIGAYANG BAGONG TAON SA LAHAT  NG DRAGON... AT SA MGA HINDI DRAGON ^^






Sana

8

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Huwebes, Setyembre 22, 2011


Sana’y naging manghuhula ka nalang
nang madali mong matukoy
aking nararamdaman.

Sana’y naging lapis ka nalang
nang madaling mabura
mga iniwan mong alaala.

Sana’y naging lobo ka nalang
na madaling palitan
sa oras na mabitawan.

Sana’y naging politiko ka nalang
nang sa ganu’y mas madaling isipin
na ang sinasabi mo sa akin ay
pawang kasinungalingan.

Sana’y naging ulap ka nalang
na kahit malayo’y
nakikita ko parin naman.

Oo’t mas maganda
kung sana’y ganun nalang…

Subalit ikaw ay isang bituin.
Simbolo ng pangarap
na kay hirap abutin.


Hey Simon

6

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Martes, Setyembre 20, 2011


Do you still remember
Last   December,
We were sitting on a bench with your guitar

You were laughing
Half teasing
While I try to write a song in my mind

There we stayed
Till late night
Watching for meteors in the sky

Do you remember
Those Tuesday mornings
When you fetch me up with your old bike to see the sun

You were smiling
Half serious
While I try to find love in your eyes

Then we go
Till we knew
We could never forget each other

Do you remember
That summer
You were on the pew while I walked on the aisle

You were smiling
Half crying
I don’t want to look straight into your eyes

Hoped you said
“I love you”
Because boy, I loved you too

Now it’s too late
I said “I do”
Wishing the man beside me was you


Elektra: Part 2 (Finale)

4

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Lunes, Setyembre 19, 2011


Pak! Pak! Blag! Pak!

Nagising ang diwa ko sa malakas na kalansing ng pinggan sa di kalayuan. Inaantok pa ako. Gusto ko tuloy mainis. Pero naiwaksi ko rin kaagad ang pagkainis sa aking isip nang maalala ko ang huling sinabi ni Utoy sa akin kagabi. Ano nga ulit yun? Ni-raid ang lugar na pinag-inuman namin dahil maraming menor de edad ang pinapayagang uminon doon?

Mabilis akong napabangon sa naalala. Umiikot parin ng bahagya ang paligid ko. Sinubukan kaagad kilalanin ang paligid pero bago iyun sa akin. Hindi pa ako napunta roon ni minsan. Kung gaanong bilis ng pagbangon ko kanina ganoon din kabilis ang kabog ng dibdib ko ngayon.

Shit men, nasa presento na ba ako? Ganito ba ang feeling ng isang bilanggo?

Tatayo na sana ako at handa nang magmakaawa sa kung sino mang pulis na makikita nang biglang narinig ko ang boses ni Utoy. Ibig sabihin dalawa kaming nahuli?

“Hindi naman araw-araw. Kagabi lang. Birthday kasi ng isang kong katropa,” paliwanag ni Utoy. Saka ko lang naisip nab aka nasa bahay ako nina Utoy.

“Pagkagising ng nyang kasama mo pauwiin mo na agad, baka hinahanap na yan sa kanila,” anang isang boses babae. Ma-otoridad ang boses nito. Matapang. Yung tono ng pananalita nya walang bahid ng hospitality. Pero mahinahon syang nagsasalita. Sya na yata si Elektra na tinutukoy ni Utoy kagabi. Ang tiyahin niyang may kasungitan pero mabait naman tuwing nasa paligid si Hellboy (yun daw manliligaw ni Elektra).

At iyun ang unang pagkakataon na nakaharap at nakausap ko si tiya Elektra. Matangkad sya, morena, medyo chinita, lampas balikat ang buhok, at kahit pilitin nyang paamuhin ang mukha halata parin sa aura nya ang pagiging strikta at mahigpit. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin (buti na lang!) dahil sa tono nya gusto na nya akong pauwiin talaga. Nahihiya lang sigurong sabihin sakin ng deretsahan. Naki-inom nalang ako ng malamig na tubig saka nakigamit ng banyo bago ako umalis.

Habang nasa banyo naisip ko si pareng Utoy. Mahirap sigurong maging pamangkin ng isang babaeng perpeksyunista. Sa wari ko kasi singhal agad ang aabutin mo kay Elektra pag may nagawa kang mali sa mata nya. Pero kita mo naman si Utoy, ang tataas ng grades, walang bagsak. Mukang mas may alam pa kaysa sa propesor. Walang bisyo. Libre pa sa matrikula dahil iskolar. Sikat sa mga girls kasi matalino. Maraming kaibigan kasi madaling lapitan.

Para sa kagaya kong lamang ang katamaran kaysa sa kasipagan, mahirap marating ang buhay na kagaya ng kay Utoy. Kaya yung pangarap namin nina Efren at Ruel na maging kagaya nya, itinae ko nalang gaya ng ginagawa ko ngayon.

Ala siyete sa orasan nina Utoy noon nang umalis ako sa bahay nila. Ayoko ring napapalapit masyado sa tiya Elektra niya. Mahirap na, baka pati katamaran at iba ko pang kashitan sa katawan mapuna pa nya. Mapayapa akong naglakad papunta sa sinasabi ni Utoy na sakayan ng tricycle sa may labasan ng subdibisyong tinitirhan nila. Naisip ko ang saya siguro pag dito ka nakatira. Ang tahimik, wala kang madadaanang tambay sa gilid-gilid ng dadaanan mo. Maraming puno kaya hindi mainit. At yung mga bahay kanya-kanyang matataas na bakod… parang kanya-kanyang buhay lang…

“Special na boy?” tanong nung tricycle driver nang makasakay ako.

“Magkano ho ba pag special hanggang sakayan ng jeep?” kako.

“Bente kwatro lang boy…” tugon nya.

Buti nalang naisipan ko munang kapain ang pitaka ko bago lumarga. Anak ng… naiwan ko pa yata kila Utoy yung wallet ko. O mas masaklap baka kagabi ko pa iyun naiwala habang bangenge ako sa alak. Bumaba muna ako ng tricycle. Naglakad ulit pabalik kila Utoy at Tiya Elektra. Kapag wala doon ang wallet ko kakapalan ko na ang mukha ko na mangutang ng pamasahe pauwi. Pero hindi paman ako nakakatok sa pintuan nila natigilan ako. Narinig ko kasi si Tiya Elektra na nagsalita…

“Bobo!” narinig kong turan nya. “Nakakahiya ka! Ano nalang ang sasabihin sa atin ng mga tao dito kung nagkataong nahuli ka ni Mang Dencio doon sa kung saan man kayo nag-inuman? Hindi mo talaga niniisip ang kapakanan ko no? Ano nalang ang magiging tingin ng pamilya ni Hellboy sakin pag nalaman nilang minsang nakulong ang magaling kong pamangkin? Alam mo, sawa na rin akong bayaran ang mga propesor mo para lang tumaas yang mga grades mo ha. Pag hindi ka pa tumino ibabalik talaga kita sa pinanggalingan mo!”

Hindi ko narinig na nagdahilan si Utoy. Ako naman nahiya nang kumatok. Tahimik na lang akong umalis doon, maglalakad nalang siguro papuntang sakayan ng jeep tapos susubukang mag-one-two-three hanggang makarating sa bahay. Maiintindihan naman siguro ako ng langit sa pagkakataong ito.

Habang naglalakad paulit-ulit na bumabalik sakin yung mga narinig k okay Tiya Elektra. Parang hindi naman ako naniniwala doon. Ako mismo ay isang buhay na patunay sa talinong taglay ni Utoy, bakit kailangan pa ni Elektra’ng magbayad sa propesor? Napapailing na lang ako. Tama ang hinala ko. Mahirap maging pamangkin ng isang Tiya Elektra!

Hindi nagtagal nasa sakayan na kaagad ako ng jeep. Halos tatlumpong minuto rin akong naglakad. Tapos sakay ng jeep. Sinubukan ko ulit yung bulsa ko. Para bagang hulog ng langit, may nakapa pa akong limang piso. Ayus hindi na kailangan ang one-two-three! Doon ako pumuwesto sa dulo para may sandalan habang natutulog. Sakto wala pang tatlong minuto tulog ako.

Nagising na lamang ako sa sunod-sunod na vibrate ng telepono ko. Si Ruel. Nakailang missed call na siya tapos hindi ko pa nasagot yung huli. Bakit kaya? Tinext ko sya, “Brad bakit?” habang naka-kunot noo.

 Sa awa ng malakas na signal ng network provider ko mabilis kong natanggap ang reply nya. “Tol, si Utoy… Dedo na!"


... WAKAS...


Elektra: Part 1

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Huwebes, Setyembre 1, 2011

Ako si Darius at alamkong magulo ang mundo. Siguro kasi magugulo rin mag-isip ang mga taong nakatira rito... kagaya nalang nitong si Elektra.


Hindi ko alam kung ilang taon na kaming magkakilala... Siguro mga tatlo o apat na taon na.  Mabait sya. Matulungin. Matalino. Madiskarte. Wala na yata syang kapintasan bukod sa hindi sya masyadong maka-bayan.

“Bakit mo naman po-problemahin ang isang problemang mas matanda pa kaysa sayo?” natantandaan kong dahilan niya.  Hindi nalang ako nagsalita. Mahirap kasi makipag-tagisan ng talino kay Elektra. Kahit  yung lasing ay mahihirapang talunin sya sa diskusyunan.

At narito narin lang tayo sa usapang lasing, ibabahagi ko narin sa inyo ang kwento ng kaibigan kong si Utoy na pamangkin ni Elektra. Siguro magsa-sampung taon ko na tong kaibigan si Utoy. Matalino rin, mabait, tahimik na tao na parang bang hindi pa nakakagawa ng kasalanan. Parang lalaking bersyon lang ni Elektra.

Hindi ko na matandaan kung paano kami naging mabuting magkaibigan. Basta ang natatandaan ko, sya yung pinakauna kong nakausap sa pinapasukan kong unibersidad. Bago palang ako sa Maynila noon at naiilang pang mag-tagalog kaya nung narinig ko syang nagsalita sa lengwaheng alam ko habang may kausap sa sya telepono, sinunggaban ko na ang pagkakataon para magtanung sa kanya ng hindi nagtatagalog. At yun, instant, may barkada na si Darius.

Sa tagal naming magkabarkada nalaman kong hindi umiinom itong si Utoy. Kaya nga laking gulat ko nung tinanggap nya ang basong may lamang vodka na ibinigay sa kanya ni Ruel. Birthday iyun ng isa pa naming kabarkada kaya nagkayayaang mag-inuman. Sisig, nachos, chese roll… dinamihan talaga ni Ruel ang order ng pulutan kasi alam nito na yung iba sa amin mamumulutan lang.

“Uy teka, teka. Umiinom na si Utoy!” sigaw ni Ruel sa gitna ng malakas na disco music na pumapailanlang.

“Kuu, baka may pinagdadaanan,” hula ko sa tonong pabiro.

“Wala tol. Paminsan-minsan kailangan kasi nating makisama,” sabi nya matapos lagukin ang natitirang alak sa baso.

“Baka nakipag-break na sa kanya yung girlfriend nya mga tol. Yung lagi nyang nakakausap sa telepono? Siguro sinasadya talaga nitong si Utoy na mag-nihonggo pag kausap nya ang girlfriend nya para di natin maintindihan,” kantyaw ni Efren, yung may birthday.

“Gago, tiyahin ko yun!” si Utoy. Tawanan ang barkada. Umikot ulit ang baso. Si Ruel parin ang tanggero. Napunta ulit sakin ang baso, pagkatapos kay Utoy naman. Lumalalim na ang gabi. Hindi namin namamalayan dahil sa sarap ng kwentuhan at siguro dahil narin sa nakaka-indak na tugtugan doon.

Alas-tres ng madaling araw, ubos na ang panlibre ni Efren. At kahit may panlibre pa sya hindi narin pwede dahil bagsak na si Ruel tanggero. Naghihilik na sa upuan nya si mokong. Problema pa kung paano namin pauuwiin. Kakalipat lang daw kasi nito ng tirahan. Wala sa amin ang nakakaalam kung saan ito nakalipat. Mabuti’t nag-presenta si Efren. Sa kanila nalang daw muna si Ruel.

“Eh kayo, ayos pa ba kayo? Pwede namang matulog sa bus station kung hindi nyo na kayang bumiyahe,” pabirong turan ni Efren sa aming dalawa ni Utoy.

Nasusuka ako. Ayokong sumagot.

“Pasig lang naman kami. Kaya na namin yun.” Sagot ni Utoy. “Darius tol, sabay nalang tayo pauwi. Parehas naman way natin,” sabi nya. Tumango lang ako. Bahagya pa akong nagtaka kung bakit tila konti lang ang tama ni Utoy gayong first time nitong uminom. Naalala ko bigla yung ni-lecture ng sir namin sa physics noong highschool. May mga tao daw talaga na malakas ang tolerance sa alak. Pero pakialam ko ba sa tolerance na yan? Gusto ko lang makauwi!

Sumunod naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko sabay pag-ikot ng sikmura ko…

Hindi ko na kaya… Kailangan nang umuwak…

“Tol bilisan mo! Alis na tayo dito, niri-raid yung lugar!” bigla’y narinig kong sigaw ni Utoy.


ITUTULOY…



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...