read the printed word! Proudly Pinoy!

Dear Charo

1

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Biyernes, Agosto 19, 2011


Dear Charo,

Hindi na ako magpapaliguy-liguy pa Charo. Sisimulan ko na ang pagkukwento…

Bagamat hindi ito gaya ng mga kadalasang paksa na ipinapalabas ninyo sa inyong programa, nagbabakasakali parin ako na mapaglalaanan ninyo ng panahong basahin itong kwento ko. Wala po kasi dito ang mala “you-and-me-against-the-world” na eksena na pang-araw ng mga puso. Lalong hindi rin ito kwentong kababalaghan na pwede ninyong ipalabas tuwing Halloween.

Bakit nga ba ako sumulat sa inyo? Hindi ko rin alam. Ewan ko ba. Gusto ko lang magkwento. Nagpi-feeling kwentista na naman po kasi ako.

Ganito po kasi yun…

Balikan natin ang taong 2008… Nag-aaral pa lang ako nun… Mainit… Sobrang init!... Natandaan ko pa nga na saglit kong sinumpa ang katagang Global Warming  noong araw na iyon. Pawisan na ako nang mahanap ko ang silid kung saan kami magkaklase. Wala pang tao doon bukod sa akin. Kasalanan ko, kung bakit kasi ang aga kong pumasok?

Dahil  organisado akong tao at masipag akong estudyante (blog ko ‘to!) Charo, buong puso kong inayos ang noo’y gulo-gulong posisyon ng mga upuan, binura ko narin ang mga kung anu-anong kashitan ng ibang estudyante na nakasulat sa chalkboard. Naisip ko kasi, maganda na iyung pagdating ni prof tuloy-tuloy na ang sulat nya sa board. Siguro mga labinlimang minuteoko ring ginawa ang mga iyun Charo.

Pagkatapos nun, agad akong pumili ng pwesto para maupo. Pinili ko iyung malapit sa pinto para kahit mahangin kahit papaano. Kumuha ako ng kapirasong scratch paper sa bag ko para ipunas sa upuang halatang balot pa ng alikabok. Nang masigurong pwede na syang upuan binuksan ko ang ang isa sa apat ng ceiling fan na naroon. Syempre yung binuksan ko lang ay yung sa may tapat ko kasi matipid ako sa kuryente (blog ko nga kasi to). Hindi pa nakaka-isang minuto may dumaang guard Charo. Nagkatinginan kami. Nginitian ko pa nga sya. Pero iba pala ang ibig sabihin ng pagngiti nya sakin nun.

“May klase kayo dito? ” tanong nung guard sa tonong pang-guard.

“Meron po,” sabi ko. Nakangiti parin ako. Sa isip ko wala naman akong nilabag eh.

“Anong oras?” tanong nya ulit.

“Maya-maya po. One-thirty,” kaswal na ang sagot ko. Ayoko nang ngumiti.

Tumingin sa akin yung guard. Tapos tumingin sa relo nya sabay sabing “Wala pang one-thirty. Patayin mo muna yang electric fan.”

Sa pagkakatanda ko mabilis na kumulo ang dugo ko noong panahon na iyun Charo pero hindi ako nagsalita. Tumayo nalang ako para patayin… yung electric fan po, hindi yung guard. Pero binuhay ko din po sya pagkatalikod nung guard. Sa halip na mainis inilipat ko nalang ang atensyon ko sa mga tao sa labas. Ayokong isipin ang kashitan ni manong guard kaya inaliw ko ang sarili sa panonood ng mga estudyanteng maya-maya tumatawid gitna ng init sa quadrangle… sa mga nagpa-praktis ng sayaw sa stage… sa mga nagkukwentuhan sa lilim ng puno ng mangga… sa lalaking mag-isang naka-upo habang sarap na sarap sa kinakaing burger…

Huwag nyo pong isipin na may hinanakit parin po ako sa guard na iyun matapos ang halos tatlong taon. Ang totoo wala po akong hinanakit sa kahit kanino na nakilala ko sa mismong araw na iyun. Nagkataon lang na naalala ko ang eksenang iyun nang makita ko sa friend suggestions ko sa FB ang isang taong naging kaklase ko para sa pasukang iyon--- si kuya na nakita kong sarap na sarap sa kinakaing burger.

Nagtaka lang po kasi ako Charo kung bakit nasa friend suggestions ko si kuyang kumain noon ng burger gayung wala naman kaming common friend…

At dito po nagtatapos ang kwentong shits ko Charo… nawa’y pamagatan ninyo itong “Electric Fan”, “Burger”, o dili man ay “FB”.



Lubos na Gumagalang,


REKLAMADOR






Isang Pahina Para Kay Miss Corazon

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Miyerkules, Agosto 3, 2011

Si Miss Corazon?
Hindi ko sya nakasama ng ganoon katagal.

Kilala ko lang sya sa pangalan noong bata ako. Madalas ko kasing marinig ang pangalan nya lalo na tuwing may dumadating na package sa bahay galing Amerika.

High school na ako nung una ko syang makita ng personal. Halos kasing-height ko lang pala ang taong taong tinitingala ng marami naming kamag-anak at kakilala doon. Kapatid pala sya ng lola ko na higit siyam na taon nang nanirahan sa ibang bansa. Bago iyun ilang taon din muna syang nanirahan at nagtrabaho sa Maynila. Kaya pala noon ko lang sya nakita.

Librarian si miss Corazon bago sya nag-abroad. Ni hindi ko nga alam na siya pala ang may-ari nung sangkatutak na libro sa bahay ng lola ko na kinatutuwaan ko namang basahinmula noong elementary. Hanggang ngayon nandoon parin sa iisang aparador ang mga libro niya--- naghihintay basahin ng kung sino.

Nasa dugo ni Miss Corazon ang pagiging guro kaya kahit retirado na, madalas nyang tipunin sa bahay ang mga pinsan ko para turuan ng kung anu-anong kantang pambata. Minsan pa nga pinilit pa nya akong sumali sa kantahan nila kaya mula nun nagpapanggap na akong busy tuwing may kausap na syang bata.

Baa Baa Black Sheep
Have you any wool?
Yes sir, Yes sir, three bags full…

Isa yan sa mga paborito nyang ituro sa bunso kung kapatid… with matching actions pa yan!

“Don’t do for tomorrow what you can do for today.”

Yan naman ang paborito nyang sabihin sa akin--- tipong four times a week. Ewan ko ba. Likas yata kasi ang takteng katamaran sa katawan ko. 

Ilang buwan ko ring nakasama sa iisang bahay si Miss Corazon. Sa ilang buwan na yun, marami akong narinig na kwento tungkol sa samu’t saring karanasan nya sa buhay. Marami rin akong nakuhang sermon at pangangaral. (Syempre, pwede ba namang wala?) Pagkatapos nun, matagal kaming hindi nagkita pero tanda ko pa na pilit pa nya akong tinutulungan nung mga unang taon ko sa kolehiyo.

Kahit may edad na, malakas at mahilig paring bumiyahe si Miss Corazon. Kaya nga laking gulat ko nung makita ko sya noong isang taon. Kagagaling lang nya sa sakit nung dinalaw ko sya. Nakakagulat ang biglaang pagbagsak ng katawan niya… pati alaala nya bagsak din. Hindi na kasi nya kami nakikilalang bigla pagkatapos nyang ma-stroke. Bakas sa mukha nya ang panghihina pero hindi parin nawala yung ngiti sa labi nya na madalas kung makita noon tuwing nagtuturo sya.
Nilapitan ko sya, kinamayan, sabay tanong kung kilala pa nya ako. Ngumiti lang sya, pinisil ang kamay ko, ngumiti ulit, hindi nya maalala kung sino ako kaya hinalikan na lang nya ako sa pisngi sabay tanong ng “Kumusta sa inyo?”

Ngayong araw lang natanggap ko ang balita na tuluyan nang namaalam si Miss Corazon--- isa sa mga taong pinagkautangan ko ng loob at humubog narin sa katauhan ko. Maiksi man ang pinagsamahan namin, hindi na mabubura ang mga bakas ng alaala na iniwan nya…

Maraming salamat…

Isang espesyal na pahina at maraming patak ng luha para kay Tiya Coring… 



You've Got Mail

2

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Biyernes, Hulyo 8, 2011

Noong nakaraang bwan lang nagbago ang tingin ko sa National Bookstore. Dati kasi pag binanggit mo sakin ang katagang “National Bookstore” ang pumapasok sa isip ko ay libro na may price. Hindi ko inasahan na pwede rin pala itong magsilbing post office kapag trip mong magparating ng liham sa isang tao…

Paano gawin?

Ganito ang ginawa ng kaibigan kong henyo noong minsang wala syang magawa…

Step 1 : syempre gumawa ka muna ng liham

Step 2 : Pumasok sa bookstore at maghanap ng shelf na bihirang puntahan ng tao.

Step 3 : Pumili ng librong bihirang basahin ng tao. (Yung pinili ng kaibigan ko ay isang makapal na kulay pulang Law Book… lol)

Step 4 : kung isiniksik mo ang sulat mo sa libro, tandaan mo ang pahina. Tandaan mo narin ang branch ng bookstore na pinuntahan mo.

Step 5 : I-text agad yung taong pinadalhan mo nung sulat. Ibigay ang exact location kung saan nakatago yung sulat mo para makuha na nya bago pa sya maunahan ng iba.

Alam ko medyo popcorn pero na-enjoy ko kasi ang trip na to… lol. Tuwing nakakakita ako gn bookstore naaalala ko ‘to.

Tanong : nakuha ko ba ang sulat na pinadala sakin gamit ang trip na ‘to?

Hmm... Wink... Pabitin effect !^0^





Kathang (Malikot Na) Isip

4

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Lunes, Hulyo 4, 2011



kathang-isip lang ba?


kathang-isip nga lang yata...


iyung araw na nakita at nakilala ka

iyung mga oras na kausap at kakwentuhan ka

pati matatamis mong ngiti at malakas na tawa...

kathang-isip nga lang kaya?

kathang-isip lang ba?

ang bawat nguya habang kasabay kang kumain sa iisang mesa...

ang boses mong kay sarap sa pandinig...

ang bawat minutong sa akin ka lang nakatitig...

kathang-isip nga lang ba na tayo'y pinagtagpo ng tadhana...

ang bawat salita habang alay mo ay isang awitin...

eh iyung mga katagang "mahal kita?"

kathang-isip lang din ba?

ang mga oras na hawak mo ang aking kamay...

yung mga gabing naglakad tayo ng sabay...

yung pagmamahal an iyung ipinadama...

yung pagsagot ko sayo ng "oo" powtek ka!

kathang-isip lang din kaya?

Oo... Hindi... Sa pula... Sa puti...

naging kathang-isip ang lahat nang bigla kang nawala...

ang bawat patak ng luha...

ang bawat lungkot at pangungulila...

so, kathang-isip lang ba?

kathang-isip lang di ba?

kathang-isip nga lang yata...

kathang-isip lang pala!

mabuti nalang at kathang-isip ka lang ngang talaga!


(ume-emote lang Lunes kasi!) ^_^

Mabuhay!!!








"Ikwento Mo Kay Blogger" Mode

2

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Linggo, Hulyo 3, 2011


May kwento ako. Malungkot.
Hindi ko alam kung saan sisimulan ang pagkukwento kasi hindi ko alam kung saan nagsimulang maging malungkot yung kwento...

Uumpisahan ko nalang sa cellphone ko na napapadalas ang pagpalpak nitong mga nakaraang araw...

Biyernes pa nang ma-lowbat itong limang taon kong cellphone. Ayaw nyang mag-charge! Nagre-rebelde? Parang naririnig ko na nga ang sinisigaw nitong "Palitan mo na ako, parang awa mo na!"

Pero dahil wala pa akong pambili sa nakatakdang kapalit ko sa kanya, pinagtiyagaan ko muna siyang piliting mag-charge... (alam ko ok yung charger eh..)... Muntik na nga akong sumuko at muntik ko na syang patingnan sa isang eksperto nang mangyari ang hindi ko inasahang mangyari...

Nag-charge sya!

Yeabah nag-charge sya!

Atat na akong magbasa ng mensahe kaya agad ko syang binuhay. Labindalawang message ang tumambad sakin...

Isang nag-a-update ng pinapapasa nyang resume...

Isang nagyayayang umakyat ng Mt. Batulaw...

Isang mapang-asar na text mula sa mapang-asar kong kapatid...

Dalawang updates mula kay pareng Sun...

At pito mula sa isang kaibigan na anim na taon bago natutong mag-gitara, isang taon bago natutong kumanta, at kahit hindi natutong mag-bisikleta, nangangarap paring magka-ducati... ^^

Sunod-sunod ang ngiti ko sa mga naunang text. Pero nalungkot ako dun sa huli...

Tama na naman si Papa Jack! (oo nakikinig ako minsan kay Papa Jack!)

Hindi lahat ng tao na dadating sa buhay mo ay nariyan para mag-stay. Ang iba mapapadaan lang para turuan ka ng leksyon...

Saka ko nalang siguro ite-text ulit si kaibigang nangangarap magka-ducati... pag ayos na si pareng CP... sa ngayon lowbat na naman sya! Takte!!!

Kaya nananawagan po ako kay kaibigang nangangarap magka-ducati... may gitara ka pa sakin boy... yung apat lang yung string na galing pang Subic... yay!







Happy Father's Day Otousan

2

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Lunes, Hunyo 20, 2011



hindi lang ako anak ng nanay ko, anak din ako ng tatay ko...

alam ko na ang sasabihin ng tatay ko pag nabasa nya to... "Whang late ka na naman!"... lels!
Kung bakit kasi ilang beses hinarang ng "no internet connection" ang post na 'to...

Eh gusto ko lang naman sabihin sa Papa ko na...

Pa, kahit pa madalas hindi mo ako pinapayagang maligo ng dagat kasama ang mga ka-klase ko dati...

Kahit madalas naiinis kami noon tuwing inuutusan mo kaming tumulong magtanim ng palay, ng kalabasa, ng pakwan, ng monggo, ng mais at ng kung anu-ano pa sa bukid...

Kahit madalas tayong magtalo noon, kasi gusto ko Power Rangers, pero nililipat mo ang channel sa PBA. (Muntikan ko na ngang kamuhian sina Paras, Jawo, at Balingit nun!)...

Kahit pa palagi kang nagre-request ng action movies pero kapag naka-play na tinutulugan mo naman...

Kahit pa madalas kang nagyayayang manood ng UFC pero tinutulugan mo kami na niyayaya mo...

Kahit pa madalas mong binabagsak ang pangalan ko tuwing sinusuway kita...

Nais ko paring magpasalamat dahil naranasan ko ang hindi naranasan ng marami. (ang magtanim ng palay, ng kalabasa, ng pakwan, ng monggo, ng mais at ng kung anu-ano pa sa bukid...) Nakaka-miss rin kaya yun! Yung nagha-harvest kami ng pakwan habang bumabagyo, yung nagpaparamihan kami ng kapatid ko ng rows na nataniman ng mais. Tapos mauuwi sa payabangan ang paramihan, tapos sa asaran, hanggang sa batuhan ng kung anu-ano. Ending, pareho kaming may sermon... ^.^

Nagpapasalamat ako, kahit hindi ka natutong manood ng Power Rangers (natuto talaga?...lol) kasama naman kita sa bawat nood ko noon ng "Lupin III"... Yatta!!!

Nagpapasalamat ako dahil natuto akong manood ng basketball... lels (sabi sayo magcha-champion ang Dallas ngayong season na to eh!!)

Nagpapasalamat ako sa bawat patak ng pawis (choooos), sa bawat salita na nagsilbing gabay (oo, pati na yung pabagsak na pagtawag ng buo kong pangalan!)...

Salamat sa pagsama sakin umakyat ng bundok mapagbigyan lang ang trip ko... lels

At sorry dahil kahit madalas mo ako hindi pinayagan, lagi parin akong nakakasama sa mga outing kasama ang mga ka-klase ko ^.^

Thanks for being the best.... Proud to be your daughter....

HAPPY FATHER'S DAY PAPA!!!

Mabuhay!!! ^^





E.L.A

2

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Linggo, Mayo 8, 2011


There was not a day that you left me
There was not a moment that you turned your back on me
There was not a time that you haven't checked on me
There was not a minute that you weren't beside me

Your gentle voice is there to guide me
Your warm embrace to comfort me
Your torch to light my way
Your smiles to strengthen me

If I thought your rules were once annoying,
I'm sorry
If I had made efforts planning how to break them,
I'm sorry
For all the worries I've caused you
I'm sorry

I might have told you "I love you"
still those words can't convey...
Thank you Mom,
Thanks for being the reason why I'm me

HAPPY MOTHER'S DAY MOM!!! ^0^
I LOVE YOU



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...