read the printed word! Proudly Pinoy!

E.L.A

2

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Linggo, Mayo 8, 2011


There was not a day that you left me
There was not a moment that you turned your back on me
There was not a time that you haven't checked on me
There was not a minute that you weren't beside me

Your gentle voice is there to guide me
Your warm embrace to comfort me
Your torch to light my way
Your smiles to strengthen me

If I thought your rules were once annoying,
I'm sorry
If I had made efforts planning how to break them,
I'm sorry
For all the worries I've caused you
I'm sorry

I might have told you "I love you"
still those words can't convey...
Thank you Mom,
Thanks for being the reason why I'm me

HAPPY MOTHER'S DAY MOM!!! ^0^
I LOVE YOU



Umaga na Kaibigan!

0

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Linggo, Abril 10, 2011



Umaga na kaibigan 
halina't salubungin ang bagong araw
halina't tahakin ang bagong daan
halina't baguhin ang maling pamamaraan 

araw ay sisikat
hayaang ikaw ay Kanyang makita 
pagkat dala Niya'y bagong umaga
at sa iyo'y bagong pag-asa

tumayo ka kaibigan!
ikaw ay magkusa
sa ganun ay masuklian mo
ang gandang hatid ng umaga

sumulong ka at kalimutan
pangbibintang nila at pang-aakusa
harapin mo ang hamon ng iba
kung saan ika'y mapapabuti
hindi mapapasama

kalimutan mo! O kalimutan mo na!
mga masasakit nilang salita
naisin mong sa isip ay mawaglit
dalamhati, paghihiganti mo at galit

kaibigan, para sayo
ang araway muling pinasikat Niya
nawa'y ang kabutihan Niya ay hindi maaksaya

ngayong umaga magtanim ng kabaitan sa kapwa
nang kabaitan rin ang syang maibubunga




Halina't Magsaya! Horaa...

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , | Posted on Lunes, Pebrero 28, 2011

Halina’t magsaya mga ka-Teritoryo

Halina’t magsaya katapusan na ng Pebrero


Horaa! Horaa!


Samahan ninyo akong magsaya!


Kunin mo ang gitara, patunugin ang trumpeta


Buksan ang pinto’t bintana at sumigaw…


Horaa! Horaa!


Ang unang sahod ay nasa akin na!



Sa Tuwing Ikaw ay Napapapikit

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , , , , | Posted on Huwebes, Pebrero 3, 2011

sa mga oras


na ika'y napapapikit,

ikaw ba ay

nag-iisip?

nagmumuni-muni?

nagpapahinga?

nagpaplano?

nagdedesisyon?

nagbibilang ng problema?

naghahanap ng solusyon?

nakikinig?

nakikiramdam?

nagsusuri ng sarili?

nagdadasal?

nagpapasalamat?

nagsisisi?

umiidlip?

o natutulog?


ano man ang iyong kasagutan,
sana ay panatag na ang iyong loob
sa pagmulat ng iyong mga mata.


Mabuhay! ^_^




Utopian Dream

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , , , , | Posted on Martes, Enero 18, 2011

come to me

man wearing the sandals with silver wings

save this damsel from boredom

come fly me to your land

rescue me

before i drown

save me from what smothers me

take this poison out of my veins

breathe into me

revive this devoured soul

send these tears to the depth of the earth

let new hopes come to life

heal the wounded heart

or replace it with a new one

a heart that never hates

a heart that never breaks

take this lost and empty ship

take it away from the eye of the storm

find it a nice place to land

guard it with your life 'til the perils are gone

let me be your strength in return

let me care for you, let me offer you a home

let me give you a name

let me take away your pain

but be gone before i come to love you young man

because you're just someone

from the tip of my pen

a product of just another

Utopian dream...


image courtesy of 10.Steps.sg

Sketchpad

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , , , , | Posted on Sabado, Enero 15, 2011

Ang kwentong pag-ibig daw ng isang tao ay umiikot sa tatlong bahagi...


Una, ang pagtanggap sa isang tao bilang parte ng buhay mo.
Pangalawa, ang pagbuo ng mga alaala kasama ang taong yun.
At pangatlo, ang pamamaalam kung kailangan nang magpaalam.

Ako si Jana...

hindi ko alam kung bakit ang lungkot ng intro ko...

Takte!!!

hindi pa kasi ako nagka-boyfriend...

dahil kay Vince.

highschool pa lang kami, mahal ko na sya.

pareho kasi kami ng hobby---ang magpinta. Pero mas magaling sya.

Kaya siguro hindi nya ako napapansin.

laking tuwa ko na nga noong minsang nginitian nya ako. Ako kasi ang nakakita at nagsauli ng nawala nyang sketchpad.

inilibre pa nya ako ng tanghalian.

"Salamat ha," sabi nya na nakangiti pa sakin.

bumilis ang tibok ng puso ko. Para kasi kaming nagdi-date.

"Pwede ko bang tingnan yung mga sketch mo?" sabi ko sabay pa-cute. inabot nya sakin ang sketchpad.

Ang ganda ng mga sketch nya! Lalo ko syang hinangaan.

Ang ganda...

Ang ganda ng babaeng iginuhit nya... Hanggang sa huling pahina ng sketchpad ni Vince, iisang mukha lang ng babae ang iginuhit nito.

"Yan si Lea, girlfriend ko," sabi nya.

Gusto kong sabihing 'paano ako? mahal din kita!matagal na!' Pero inunahan na ako ng hiya.

bakit ganun?
yung lalaking mahal ko, may mahal namang iba...
kung sino pa yung hindi ko pansin, yun pa ang humahanga sakin...

ganoon ba talaga dapat?

"Hindi," sagot ni Robert---kaibigan ko. "Paano ka naman liligawan ni Vince, tingnan mo nga yang sarili mo pre... may tinga ka pa sa ngipin oh!"

Ha? Weh? Talaga? Di nga? nakakahiyaaaa!!!

di bale, babawi nalang ako next chapter...

APAT NA TAON ANG LUMIPAS...

college na ako. Ganun din si Vince. Pareha kami ng pinapasukang unibersidad. Yehey!

apat na taon narin akong nagwi-wish s falling star gabi-gabi. Plagi kong wini-wish na sana, kami ni Vince ang magkatuluyan.

may mga gabing walang bituin, pero ayos lang. Nagwi-wish padin ako...

"Naku Jana, hindi kaya nagsawa ma sa kakapakinig sa mga wish mo ang langit?" biro ni Robert.

Hay...
kung nagsawa man ang langit, di sana dati pa! Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan wala nang girlfriend si Vince!

KINABUKASAN...

Lunes...

excited ako. Birthday kasi ni Vince. Sosorpresahin ko sana sya, pero ako ang nasorpresa.

Si Vince... sinagot na pala ng nililigawan nya!
Parang biglang gumuho ang mundo ko. Ang tagal ko syang hinintay, tapos ang bilis nawala ng chance na maging kami.

Maghihintay na naman ba ako? Eh, ano pa nga ba? Mahal ko sya eh!

TATLONG TAON ANG LUMIPAS...

walang nagyari... tama nga yata si Robert... nagsawa na ang langit sa kakapakinig sa mga wish ko. Kung hindi, eh di sana kami na ni Vince ngayon!

Dalawang taon pa ang lumipas...

Graduation day ko ngayon. Sabay kong ga-graduate sina Vince at Robert. Plano ko nang lapitan si Vince para batiin pero sya ang naunang lumapit sakin.

"Happy graduatio day Jana," sabi nya.

May iniabot syang regalo sakin.
Ang saya-saya ko! Isipin mo, binigyan ako ng regalo ng mahal ko!

"Salamat," sabi ko na abot tainga ang ngiti. Kahit nakabalot pa, alam ko na ang regalo ni Vince sakin---Sketchpad!

"Highschool pa lang tayo, paborito na kitang iguhit Jana, kaya naisip kong i-regalo sayo lahat ng naiguhit ko."

Sasabog na yata ang puso ko sa tuwa! Napapansin din pala ako ni Vince noon pa!

Ito na...
Ito na yun...
Magsisimula na ang love story namin! Yehey!!!

Magpapakipot pa ba ako o hindi na? Basta! Bahala na!

"Ayoko pa sanag ibigay sayo ngayon yan Jana. Pero baka kasi hindi na ako makahanap ng pagkakataon. Aalis na kasi kami pa-America bukas. Doon na kami maninirahan."

Mali pala ako. Hindi na nga yata magsisimula ang love story namin ni Vince.

Kung alam ko lang na iyon pala ang sasabihin nya, sana hindi ko nalang sya pinagsalita...
sana nag- 'THE END' nalang kanina ang storya...

nawala na naman ang chance namin ni Vince...
maghihintay na naman ba ako? Parang nakakasawa na...

pero ano bang magagawa ko? Ayaw ng mga reader ng sad ending eh...^^

TATLONG TAON ULIT ANG LUMIPAS...

heto at ikakasal na ako. Syempre engrande!
Si Vince agad ang nakita ko sa bungad ng simbahan.

"Napakaganda mo parin Jana, gusto na naman kitang i-sketch," sabi nya habang inalalayan ako.

"At ikaw, hindi ka parin nagbabago," sabi ko.

ilang sandali pa, nagsimula na ang seremonya ng kasal. Si Vince ang naghatid sakin sa paanan ng altar....
kung saan naroon at naghihintay ang aking pinakamamahal....
ang lalaking aking pakakasalan...

si Robert.

ang pusong nagmamahal ay kayang maghintay... pero may hangganan ang paghihintay dahil napapagod din ang puso.

mabuti na lang at wala pa sa hangganan ang paghihintay ni Robert sakin.

salamat sa sketchpad na regalo ni Vince sakin dati...
kung saan nakaguhit ang mga di ko malilimutang alaala ng highschool at college...
yung JSProm na kasayaw ko si Robert...
yung umiiyak ako habang pinapatahan ni Robert...
yung nas library at sabay kaming nag-aaral ni Robert...
yung sa school canteen na kasabay kong kumakain si Robert...
hanggang sa graduation ball na kasama ko parin si Robert.

slamat kay Vince... nakita ko ang taong matagal nang naghihintay sa akin--- si Robert!

Excited na ako para sa susunod na sketch na gagawin ni Vince...

ang kasal namin ni Robert.




Pasasalamat Para sa QuickSmash ni Boss

0

Posted by Whang | Posted in | Posted on Huwebes, Nobyembre 6, 2008

You have a security problem.

Your computer is at risk.

A virus is detected in your computer. Do you want to scan now?
(yes) (no)

Multiple threats detected.
(protect your PC now) (stay unprotected)

You have a security problem.

You have a security problem.


Kung iyan ang lalabas sa computer screen mo ng halos minu-minuto, ano ang gagawin mo? Ano ang mararamdaman mo?

Malamang mayayamot ka sa paulit-ulit na pag-close sa mga alert na iyan. At malamang ay sisimulan mo ring i-scan ang PC mo gaya ng ginawa ko. Pagkatapos ay susubukan mong i-heal ang virus na na-detect sa pamamagitan ng anti-virus na naka-install sa PC mo.

Nalaman ko'ng False Alert ang tawag sa virus na iyan.

Paano kung hindi iyan kayang i-heal ng anti-virus mo?

Lagot na!

Mabuti nalang at may Ampaw Smasher na... (*wink)

Salamat (ng naaapakalaki) sa Ampaw Smasher, gayon din sa utak na nasa likod nito.
Arigato Marco-sama...

Para sa karagdagang impormasyon, magpunta lamang DITO.



Sa Iyo Kaibigan

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , , , | Posted on Sabado, Setyembre 20, 2008


Naalala mo ba yung dating samahan? Sabay-sabay tayong lahat lumalabas sa gate ng unibersidad. Walang nauuna. Walang naiiwan. Sabay - sabay tayong lahat tuwing kakain ng lugaw sa lugawang pag-aari ng matandang intsik sa tapat ng KAF. Sabay-sabay tayong kumakain ng chese corn, o di kaya'y kwek-kwek, o di rin kaya'y fishball sa kanto malapit sa Bebe's Balloons. Naalala mo ba yung mga panahong dinadayo natin ang siomai house sa labas ng Topway, o ang Takuyaki sa Mega? Naalala mo ba yung mga masasayang kwentuhan habang may foodtrip sa mesa? Ako naaalala ko. Siguro dahil gutom na ako. O siguro dahil sa liham mo.

Masaya akong nakikipag-kwentuhan sa kanila nang mapansin kita sa bandang dulo ng silid na kinaroroonan. Magdadalawang buwan na rin pala tayong hindi nakakapag-usap kaibigan. Magdadalawang buwan. Eksaktong limampu't anim na araw. Hindi ko napansin, matagal na pala. Marahil dahil pinilit kong huwag pansinin ang oras. Marahil dahil pareho tayong abala sa skwela. Marahil dahil pareho naman tayong naging masaya kahit wala ang isa't isa. O maari ring sa simpleng kadahilanan na pareho tayong walang pinagsisisihan.

Gayun pa man, sa ating pagkakalayo'y may ilang bagay akong natutunan (na sana'y natutunan mo rin!)

Una, huwag mong pagsisihan ang mga bagay na ginawa o nagawa mo dahil sa isang banda iyan ay ginusto mo din.
Pangalawa, malaki ang pagkaka-iba ng tao sa tao (kahit pa pareho silang tao).
Ito ang aking tugon sa iyong liham kaibigan. Inaamin kong hindi ko inaasahang sa ganung paraan mo ako kakausapin. Gayun pa man, nagpapasalamat ako sa pagkakaroon mo ng oras na sulatan ako.

Hanggang sa muli kaibigan ko...







Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...