Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, insane thoughts, pasasalamat, pera, tadhana't kapalaran, teritoryo, tiratira kaya natin 'yan, trip | Posted on Lunes, Pebrero 28, 2011
Posted by Whang
| Posted in
buhay pinoy,
friendship,
insane thoughts,
luho,
pera,
teritoryo,
trip
| Posted on Lunes, Marso 22, 2010
ako'y may kaibigan
hindi ko na papangalanan
ang hilig nyang magpa-rebond
ngayo'y limos ang kailangan!
"Palimos! Palimos!
para nyo nang awa
gusto ko nang umuwi
pabalik sa mahal kong asawa!"
ako'y shock sa kanyang mga sinabi
ito ba ay totoo?
ito ba ay tunay na nangyayari?
kaibigan kong maraming pangpa-rebond
ngayo'y nagsusumamo para mapagbigyan.
"Palimos! Palimos!
palimos ng syete pesos!
ipamamasahe ko sa tricycle
kung pagbibigyan mo'y ikaliligaya kong lubos."
nakakainis, nakakairita
hindi ko napigilang pagsabihan sya
"kaibigan huwag kang mag-alala
syete pesos na kulang ay pupunuan ko na
subalit sana sa susunod na ikaw ay may luho
isipin mo muna ang iyong bulsa.'
kilay nya'y tumaas!
sya ay nameywang at sumigaw " HOY WHANG!"
"kasalanan ko ba
kung sa wallet ko'y walang baryang nakakapa?
kung sa wallet ko'y pawang malulutong na isang libo lamang
ang iyong makikita?"

Posted by Whang
| Posted in
buhay pinoy,
huelgistang ipis,
ilusyon,
insane thoughts,
luho,
pera,
tadhana't kapalaran,
teritoryo,
tiratira kaya natin 'yan,
trip
| Posted on Miyerkules, Setyembre 10, 2008
Ako'y kumuha
ng barya sa'king bulsa
Otso - singkwenta...
_
Bulsa'y gumaan
Ipon ay nabawasan
Ngunit ayos lang...
_
Dyip ay tumakbo
sa kahabaan ng Shaw
kahit di puno...
_
Naupo ako
ng dalawang minuto
Isip nasa'yo
_
Dyip ay huminto
sa gusaling tinuro
di kalayuan...
_
Nakakabigla
Sobrang lapit lang pala
Kung alam ko lang...
_
Ako'y nagsisi
Wala na ang eyt - pipti
Naglakad nalang sana....


