read the printed word! Proudly Pinoy!

Binong Is Da Man

5

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Martes, Mayo 31, 2011



Iba talaga ang moment na hatid ng ulan. Habang bumubuhos kasi ang malakas na ulan, nanunumbalik ang samu't saring alaala na ilang taon na ring tahimik na nahimlay sa memorya ni Whang... (haist, emo talaga!... ^^)

Kusang nagbalik ang isipan nya sa pinapasukang unibersidad pitong taon ang nakaraan.

Mag-isa syang napangiti. Naalala nya kasi sina Binong, Beheng, Tao, at Mami --- mga ka-tropa nya noong college. Naalala nya yung mga panahong hindi pa sila mga enhinyero at hindi pa Whang si Whang.

Nagpaparamihan pa sila ng INC at 4.00 noon. Yung singko pilit at palagi nilang iniiwasan pero may mga pagkakataon talaga na hindi sila nakaka-ilag...

Si Binong lang ang laging pasado. Palibhasa ipinanganak nang may calculator at T-square sa magkabilang kamay... lol. Sya yung tipong kahit saan mo ilagay, nangunguna. Mapa-advanced math, engineering drawing, PLC programming, memorazation ng dates at events sa history, maging sa inuman!... lahat na!

Noong minsan hindi alam ni Whang kung bumilib sya o nainggit lang kay Binong. Yun kasing equation na buong gabi nyang sinubukang sagutan, na-solve kaagad nito ng wala pang tatlumpong minuto. Bangis!

Kaya hindi nya naiwasang mangarap na sana (kahit konti lang...) maging kasing-utak naman sya ni Binong para magkaroon naman ng saysay yung pagputol sa puno na ginawang papel na pinag-print-an ng grades nya! Whew!

Mabuti nalang hindi mayabang si Binong sa kabila ng katalinuhan. Higit sa lahat, mabuti nalang at hindi sya madamot. Nagpapa-kopya kasi sya. Pero hindi sya basta nagpapa-kopya dahil pinapaintindi nya sa kumukopya yung kino-kopya nila. Minsan nga mas natututo pa sina Whang sa kanya kaysa sa mismong guro... Peace! ^^

Napabuntong-hininga si Whang. Pansamantalang naputol ang pag-e-emote nya. Hindi sinasadyang napasilip sya sa bintana. Ambon na lang ang kanina'y malakas na ulan. Malalim narin pala ang gabi. Kaya pala nakakaramdam na sya ng antok. Sumunod ay natagpuan na lamang nya ang sarili na dinadala ng sariling paa papunta sa kwarto nya.

Oo nga pala, may isang linya si Binong noon na tuluyan nang nanirahan sa utak ni Whang hanggang sa naka-graduate sila...

"Wag kayong magmadali. Pag nagmadali kayo, mabilis nyo lang din makakalimutan yung natutunan nyo. Ang labas parang wala ka naring natutunan."

O di ba wagas? ^0^



P.S. Hindi po ito tribute para kay Binong. Buhay pa po si Binong at kasalukuyang umuunlad... lol






A Moment

2

Posted by Whang | Posted in , , , , , , | Posted on Biyernes, Mayo 6, 2011



A walk by the trail,

A sit by the lake,

A stare at the sun,

A moment with the one


Mabuhay!! ^^

  

So

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Sabado, Abril 30, 2011



So you're my angel,
with sparks of blue at the tip of your silver wings
And so you've watched over me
when you think no one else had seen

So you're my guardian
who never failed to offer a hand
And so you led the way
brushing the harm away from me

So you're the warrior
thinking there's so still so much you need to conquer
And so in silence, through time
you knew how defenseless I really am

So you're my writer
your thoughts and dreams written in your piece of paper
And so you wrote me a poem or two
and what I've got is a song for you

So you think I'm sweet
as we walked together on that crowded street
And so I let out a sigh and a gentle smile
waiting to hear more of your little rhymes

So you think you're weak and lame
you think you don't have much fame
And so I made a promise,
hope you'd take it to heaven with your wings
Still I'd hold you despite your shame



Larawan mula kay Google

三月の雨

3

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Linggo, Marso 13, 2011


it's a Monday night, the rain is pouring

we know each other but we're not speaking

I closed my eyes

and wished you'd say my name

I saw you flash a smile,

what were you thinking?

I know that it's not me

but I hoped that I'm wrong

'coz the thought of you and me

is playing in my mind...


so let all the rain fall down tonight

blurring all the dancing city lights

I looked your way and meet your eyes...


to me it was magic when you held my hand

and my heart skipped a bit when we started to run...


so let all the magic sprinkle on us tonight

capture that moment when you're by my side

I wanna tell you to keep laughing

it warms my heart...


stand under the rain in the middle of the night

clear away my doubts...

wash away the pain...

whisper my name...



Lunes

0

Posted by Whang | Posted in , , , ,


Lunes...
nang tayo'y lumabas...
nagtawanan...
nagkwentuhan...
at nag-unahan sa pagtakbo sa ilalim ng ulan...

Lunes...
nung tayo'y naging magkakaibigan...
magka-kontsaba sa exams...
kumain sa labas...
at nagpakabasa sa ulan...

Lunes...
nung tayo'y parehong nakatayo sa labas ng pasyalan...
tahimik na pinatitila ang ulan...
napangiti ako ng dahan-dahan...
sana'y magtagal itong ating pagkakaibigan...

Lunes...
nang ikaw ay tinitigan...

Lunes...
nang ako'y nangarap...
na sana huwag nang tumila ang ulan!


HAPPY BIRTHDAY!!!
... sa isa ko pang bagong kaibigan!


Hindi Ito Love Story

3

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Linggo, Marso 6, 2011


Hindi ito love story...
malamang hindi ka rin maniniwala...
lalo na kapag sinabi ko na in-love ako ngayon!

Oo in-love ako...
sa isang dalagang taglay ang ganda ng isang dyosang bumaba sa lupa...
sa taong nagmamay-ari ng pinaka-matamis na ngiti na nakita ko...
sa babaeng nagtatago sa pangalang--- Elle

sabi ng Nanay ko, exaggerated lang daw ako...
hindi naman daw ganoon kaganda si Elle!

sabi pa nya, baka natuwa lang daw ako kay Elle dahil first time kong magkaroon ng Engliserang kaklase...

Hay, si Nanay talaga, minsan ang babaw...

transferee kasi sa school namin si Elle. Indonesian sya at kaunti pa lang ang alam nyang Tagalog kaya madalas nag-e-englis sya...

mahaba at tuwid ang buhok nyang hanggang beywang...
katamtaman lang ang tangos ng ilong, hindi singkit pero cute parin ang mata
hindi nagkakalayo ang kulay ng balat namin...

masayahin syang tao...
tuwing nakikita ko sya lagi syang nakangiti...

kaya hindi na ako nagtaka nang mabilis nyang nakapalagayan ng loob ang mga tao sa paligid nya...
hindi na ako nagtaka nang mahulog ang loob ko sa kanya...

nasabi ko na ba na mala-anghel din ang boses nya?
kaya nga sya kaagad ang nakuhang bokalista sa bagong banda ng school namin eh...

mapa-ballad o rock, kaya nyang kantahin--- nalaman ko nang minsang sumama sya sa amin mag-videoke...

tuwing naririnig ko ang boses nya para bang narerelax ako...
lalo na kapag tinatawag na nya ako sa pangalan ko...

"Noel!"

parang ngayon!

Takte nasa likuran ko pala si Elle! napaisip tuloy ako kung gaano na ako katagal na nakatunganga...

nakangiti na naman sya habang iniaabot sa akin ang test papers nya na kanina pa pala pinapapasa ni Maam Sungit sa harapan!

nilingon ko si Elle para kunin yung test papers pero hindi ko sya matingnan sa mata...

Nahihiya ako!

Syeeet! May hiya pala ko! dati kasi tuwing pinapagalitan ako ni Tatay sinasabi nya sa akin na walangya daw ako...

ngayon ko napatunayang mali si Tatay!

pagkapasa ng test papers, tumunog na ang bell para sa luchbreak... nagmadali akong tumayo.

nagtatrabaho kasi si Nanay sa school canteen at tuwing tanghali tinutulungan ko siya. Minsan tagahugas ako ng pinggan, minsan naman, ako ang nagliligpit ng pinagkainan ng ibang estudyante...

nakalabas na ako ng classroom nang tawagin ulit ako ni Elle! Ang swerte ko naman yata ngayong araw!

"Noel you can play guitar, right?" tanong nya habang nakangiti sa akin. Lumabas ang dimples nya sa magkabilang pisngi.

tumango lang ako... Mahirap na... Mahina kasi ako sa English... Baka pag nagsalita ako, lalo lang nya akong hindi maintindihan!

"Great! We need one more guitar player for the band. Gusto mo samahan kita kay Mr. Awit para mag-audition? " masaya nyang turan.

kahit minsan hindi pumasok sa isip ko na sumali sa kahit anong banda. Tama na sakin yung nakakapagtugtog ako ng gitara kung kailan ko lang gusto...

pero iba 'to ngayon... si Elle na ang nagsasabing sumali ako sa banda nila!

Hindi ko napigilang maging masaya. Hindi ko nga alam kung paano ko sya sinagot. Basta ang alam ko umoo ako sa paanyaya nya...

natapos ang araw na hindi nawala sa isip ko si Elle... Ganito pala pag in-love!

Buong gabi rin akong hindi nakatulog... minsan nararamdaman ko nalang na napapangiti na pala ako habang nakahiga sa kama ko...

napatingin ako sa gitara na nasa tabi ko... parang gusto ko yung halikan!

gagalingan ko bukas!--- para kay Elle...

At kapag natanggap na ako sa banda, palagi na akong tutugtog sa school... Tapos makikilala narin ako... Magkakaroon na ng saysay ang paggigitara ko... at... hmmm, baka titilian na rin ako nung mga babaeng nang-busted sa akin dati...

na-excite ako! Hindi ako nakatulog kaya naman ang aga kong dumating sa school kinabukasan.

si Elle kaagad ang nahanap ng mata ko. Nakita ko syang naka-upo sa bench malapit sa puno ng mangga--- ang paborito nyang tambayan...

nakangiti sya habang lumapit sakin...

haaaay, ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mong nakangiti sayo ang babaeng pinapangarap mo...

masaya na sana ang araw ko kung hindi lang dahil sa takteng music professor namin na si Awit...
sabihin ba naman sa akin na hindi daw ako pwede sa banda dahil kailangan daw nila ng may hitsura--- sa ibang salita, yung gwapo... yung pogi...

para narin nyang sinabing ang pangit ko... para narin nyang sinabing sinungaling ang Nanay ko (palagi kasing sinasabi ni Nanay na ang gwapo ko raw)

mabuti nalang at nakumbinsi ni Elle si Awit na magaling daw ako maggitara... Ang ending--- natanggap ako...

Hmm, mali!... Napilitan silang tanggapin ako... Takte!

Ayos lang.. ang importante lagi ko nang makakasama si Elle... yun lang naman dapat ang importante, di ba?

Yun lang dapat!

Pero bakit ganoon? bakit hindi ako masaya? bakit parang hindi na sapat na nandoon at kasama ko si Elle? sa halip na sumaya, bakit ako naging malungkot mula noong napasali ako sa banda nila?

ngayon, kilala na ako sa buong school, tinitilian ng ibang estudyante... pero hindi ako masaya!
kahit pa palagi ko nang kakwentuhan si Elle...
kahit pa nagagawa ko nang ligawan si Elle...
kahit pa nararamdaman ko nang mahal nadin ako ni Elle...

hindi ako masaya dahil hindi ako tanggap ng mga kabanda ko...
dahil hindi ko nararamdaman na kabilang ako sa grupo...
dahil palagi nalang ako ang taya...
dahil kapag mga kabanda ko nalang ang kasama ko, ako na ang utusang si Noel...

kagaya ngayon...
katatapos lang naming tumugtog sa isang school event
heto at ako na naman ang naisipan nilang pagtripan
sampal dito... sampal doon... tadyak... tadyak...

kung bakit pa kasi ako pumayag na sumama sa kanila na mag-inuman sa bahay ng isa naming kabanda...
oo nga pala... pinilit nila akong sumama--- dahil wala silang mapagkakatuwaan kong hindi ako kasama!
heto tuloy at kinakaawaan ko na naman ang sarili ko dahil sa kalupitan nila sa akin.

mabuti na lang at wala dito si Elle. Hindi nya makikita ang kaduwagan ko

nakakainis! bakit hindi ko magawang lumaban?

pero huli na to... hindi na nila ako mahahawakan pa... hindi na nila ako masasaktan pa... hindi na nila ako maipapahiya...

dahil tinapos ko na ang lahat!

napatingin ako sa langit habang pinupunasan ang namumuong pawis sa noo ko.

napapikit ako habang nakatingala sa buwan at mga bituin --- ang mga saksi ng ginawa ko ngayong gabi...

napabuntong-hininga ako matapos kong tingnan ang isang kabanda kong si Tisoy na duguang nakahandusay sa semento...

"Noel, pare, alam kong nasaktan ka namin pero patawarin mo na kami..." iyon ang mga huling kataga nya. Nagmamakaawa sya sa akin!

katabi ni Tisoy ang duguan ding sina Toy at si Boy Mura at si Tikboy...
Lahat sila duguan...
lahat sila wala nang malay...
lahat sila wala nang buhay!!!

Pinatay ko sila!

at ang tanging saksi ay ang mga tala sa langit!

at......

si Elle!
nagulat ako nang makita ko ang nahihintakutan at namumutlang si Elle!
nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin, pagkatapos ay sa mga duguang katawan ng mga kaibigan nya sa semento...

mabilis na namuo ang luha sa mga mata nya at automatikong tinakpan ng mga kamay nya ang kanyang bibig...

walang salitang nagmamadali syang tumakbo palayo sa akin...

hindi maaari!

ayokong kamuhian ng babaeng pinakamamahal ko... Ayoko!

mahal ko si Elle.... mahal ko sya...

pero ayoko ng testigo sa ginawa ko...

Ano ang gagawin ko?

saglit kong ipikit ang aking mga mata at nag-isip...

pagkatapos ay napatingin ako sa direksyon kung saan papunta si Elle...

DISCLAIMER:

ang lahat ng ito ay pawang bunga lamang ng malikot na isipan ng may-akda... ^^
sabi ko na hindi ito love story di ba?

Will You Dance With Me On Thursday?

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , | Posted on Lunes, Pebrero 28, 2011

Harken! Harken!

As the laughter comes with the breeze

Come with us, laugh with us,

jump with us, and dance with us they say

forget all your sorrows and woes

put on your dancing shoes!

We will dance the night away

Mirthfully, wonderfully, magically!

Silver dusts will glow as they float in the air

The fairies will put them there

The little dwarfs in their colorful hats will dance as well

First in pairs, then in circles and in squares.

The lions, the wolves and tigers will be tamed

As the mice play a melody that will fill the earth

And our hearts will be filled with joy

And the universe will dance to rejoice.

Our weirdest wishes will happen

Our hate forgotten

the dreaded things will all be gone

and what will be left is the time to have fun…

So, honey

will you dance with me on Thursday?

Picture: Passion for Dance by artmyass on DeviantArt


Sa Tuwing Ikaw ay Napapapikit

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , , , , | Posted on Huwebes, Pebrero 3, 2011

sa mga oras


na ika'y napapapikit,

ikaw ba ay

nag-iisip?

nagmumuni-muni?

nagpapahinga?

nagpaplano?

nagdedesisyon?

nagbibilang ng problema?

naghahanap ng solusyon?

nakikinig?

nakikiramdam?

nagsusuri ng sarili?

nagdadasal?

nagpapasalamat?

nagsisisi?

umiidlip?

o natutulog?


ano man ang iyong kasagutan,
sana ay panatag na ang iyong loob
sa pagmulat ng iyong mga mata.


Mabuhay! ^_^




Utopian Dream

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , , , , | Posted on Martes, Enero 18, 2011

come to me

man wearing the sandals with silver wings

save this damsel from boredom

come fly me to your land

rescue me

before i drown

save me from what smothers me

take this poison out of my veins

breathe into me

revive this devoured soul

send these tears to the depth of the earth

let new hopes come to life

heal the wounded heart

or replace it with a new one

a heart that never hates

a heart that never breaks

take this lost and empty ship

take it away from the eye of the storm

find it a nice place to land

guard it with your life 'til the perils are gone

let me be your strength in return

let me care for you, let me offer you a home

let me give you a name

let me take away your pain

but be gone before i come to love you young man

because you're just someone

from the tip of my pen

a product of just another

Utopian dream...


image courtesy of 10.Steps.sg

Sketchpad

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , , , , | Posted on Sabado, Enero 15, 2011

Ang kwentong pag-ibig daw ng isang tao ay umiikot sa tatlong bahagi...


Una, ang pagtanggap sa isang tao bilang parte ng buhay mo.
Pangalawa, ang pagbuo ng mga alaala kasama ang taong yun.
At pangatlo, ang pamamaalam kung kailangan nang magpaalam.

Ako si Jana...

hindi ko alam kung bakit ang lungkot ng intro ko...

Takte!!!

hindi pa kasi ako nagka-boyfriend...

dahil kay Vince.

highschool pa lang kami, mahal ko na sya.

pareho kasi kami ng hobby---ang magpinta. Pero mas magaling sya.

Kaya siguro hindi nya ako napapansin.

laking tuwa ko na nga noong minsang nginitian nya ako. Ako kasi ang nakakita at nagsauli ng nawala nyang sketchpad.

inilibre pa nya ako ng tanghalian.

"Salamat ha," sabi nya na nakangiti pa sakin.

bumilis ang tibok ng puso ko. Para kasi kaming nagdi-date.

"Pwede ko bang tingnan yung mga sketch mo?" sabi ko sabay pa-cute. inabot nya sakin ang sketchpad.

Ang ganda ng mga sketch nya! Lalo ko syang hinangaan.

Ang ganda...

Ang ganda ng babaeng iginuhit nya... Hanggang sa huling pahina ng sketchpad ni Vince, iisang mukha lang ng babae ang iginuhit nito.

"Yan si Lea, girlfriend ko," sabi nya.

Gusto kong sabihing 'paano ako? mahal din kita!matagal na!' Pero inunahan na ako ng hiya.

bakit ganun?
yung lalaking mahal ko, may mahal namang iba...
kung sino pa yung hindi ko pansin, yun pa ang humahanga sakin...

ganoon ba talaga dapat?

"Hindi," sagot ni Robert---kaibigan ko. "Paano ka naman liligawan ni Vince, tingnan mo nga yang sarili mo pre... may tinga ka pa sa ngipin oh!"

Ha? Weh? Talaga? Di nga? nakakahiyaaaa!!!

di bale, babawi nalang ako next chapter...

APAT NA TAON ANG LUMIPAS...

college na ako. Ganun din si Vince. Pareha kami ng pinapasukang unibersidad. Yehey!

apat na taon narin akong nagwi-wish s falling star gabi-gabi. Plagi kong wini-wish na sana, kami ni Vince ang magkatuluyan.

may mga gabing walang bituin, pero ayos lang. Nagwi-wish padin ako...

"Naku Jana, hindi kaya nagsawa ma sa kakapakinig sa mga wish mo ang langit?" biro ni Robert.

Hay...
kung nagsawa man ang langit, di sana dati pa! Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan wala nang girlfriend si Vince!

KINABUKASAN...

Lunes...

excited ako. Birthday kasi ni Vince. Sosorpresahin ko sana sya, pero ako ang nasorpresa.

Si Vince... sinagot na pala ng nililigawan nya!
Parang biglang gumuho ang mundo ko. Ang tagal ko syang hinintay, tapos ang bilis nawala ng chance na maging kami.

Maghihintay na naman ba ako? Eh, ano pa nga ba? Mahal ko sya eh!

TATLONG TAON ANG LUMIPAS...

walang nagyari... tama nga yata si Robert... nagsawa na ang langit sa kakapakinig sa mga wish ko. Kung hindi, eh di sana kami na ni Vince ngayon!

Dalawang taon pa ang lumipas...

Graduation day ko ngayon. Sabay kong ga-graduate sina Vince at Robert. Plano ko nang lapitan si Vince para batiin pero sya ang naunang lumapit sakin.

"Happy graduatio day Jana," sabi nya.

May iniabot syang regalo sakin.
Ang saya-saya ko! Isipin mo, binigyan ako ng regalo ng mahal ko!

"Salamat," sabi ko na abot tainga ang ngiti. Kahit nakabalot pa, alam ko na ang regalo ni Vince sakin---Sketchpad!

"Highschool pa lang tayo, paborito na kitang iguhit Jana, kaya naisip kong i-regalo sayo lahat ng naiguhit ko."

Sasabog na yata ang puso ko sa tuwa! Napapansin din pala ako ni Vince noon pa!

Ito na...
Ito na yun...
Magsisimula na ang love story namin! Yehey!!!

Magpapakipot pa ba ako o hindi na? Basta! Bahala na!

"Ayoko pa sanag ibigay sayo ngayon yan Jana. Pero baka kasi hindi na ako makahanap ng pagkakataon. Aalis na kasi kami pa-America bukas. Doon na kami maninirahan."

Mali pala ako. Hindi na nga yata magsisimula ang love story namin ni Vince.

Kung alam ko lang na iyon pala ang sasabihin nya, sana hindi ko nalang sya pinagsalita...
sana nag- 'THE END' nalang kanina ang storya...

nawala na naman ang chance namin ni Vince...
maghihintay na naman ba ako? Parang nakakasawa na...

pero ano bang magagawa ko? Ayaw ng mga reader ng sad ending eh...^^

TATLONG TAON ULIT ANG LUMIPAS...

heto at ikakasal na ako. Syempre engrande!
Si Vince agad ang nakita ko sa bungad ng simbahan.

"Napakaganda mo parin Jana, gusto na naman kitang i-sketch," sabi nya habang inalalayan ako.

"At ikaw, hindi ka parin nagbabago," sabi ko.

ilang sandali pa, nagsimula na ang seremonya ng kasal. Si Vince ang naghatid sakin sa paanan ng altar....
kung saan naroon at naghihintay ang aking pinakamamahal....
ang lalaking aking pakakasalan...

si Robert.

ang pusong nagmamahal ay kayang maghintay... pero may hangganan ang paghihintay dahil napapagod din ang puso.

mabuti na lang at wala pa sa hangganan ang paghihintay ni Robert sakin.

salamat sa sketchpad na regalo ni Vince sakin dati...
kung saan nakaguhit ang mga di ko malilimutang alaala ng highschool at college...
yung JSProm na kasayaw ko si Robert...
yung umiiyak ako habang pinapatahan ni Robert...
yung nas library at sabay kaming nag-aaral ni Robert...
yung sa school canteen na kasabay kong kumakain si Robert...
hanggang sa graduation ball na kasama ko parin si Robert.

slamat kay Vince... nakita ko ang taong matagal nang naghihintay sa akin--- si Robert!

Excited na ako para sa susunod na sketch na gagawin ni Vince...

ang kasal namin ni Robert.




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...