read the printed word! Proudly Pinoy!

Welcome 2012

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Linggo, Enero 1, 2012


Bagong taon na!

Bagong taon bagong trip, yay! Pero bago ang lahat, pasasalamatan ko muna ang masaya, maingay, maswerte, minsan malungkot, madalas nakakatuwa na taon ng 2011...

Salamat sa mga bagong kaibigan, katsismisan, ka-hobby,  karamay, kaaway, kabati, hindi kabati, higit sa lahat sa mga bagong magugulo kong kateretoryo. 

Mabuhay!!!

Sa dami ng nangyari sa buhay ko noong nakaraang taon hindi ko na alam kung alin-alin ang uunahing ikwento at ibahagi kaya naman naisipan kong gamitin ulit ang ninja technique na natutunan ko lang late last year --- ang “Random Technique”… lels… Syempre pinapasalamatan ko ang lahat ng naging bahagi ng kwento ng buhay ko noong nakaraang taon pati noong mga taon bago ang nakaraang taon.


Pinagpapasalamat ko lahat ng magaganda, hindi magaganda, malulungkot at masasayang alaala noong nakaraang taon tulad ng mga ito:

January: Isang tawag mula sa HR. Pumasa daw ako sa unang interview. Binigyan ako ng schedule para sa susunod na interview (yung matindihan daw). Sa buwan din na ‘to  ako nagsimulang manirahan sa boarding houses. Syempre kailangan hindi ma-late.

February: Pumasa sa matindihang interview. Start na ng cadetship. Ito yung phase kung saan hindi ka pa regular at hindi rin probationary. Masaya. First job… yatta!

March: Unang sahod ,mula sa unang first job. Syempre Masaya ulit. Idagdag pa natin ang mga bagong friends sa FB… lels

April: Natupad ang pangarap ko noong college. Ang makaakyat ng astigin na bundok at mag-ala-mountaineer. Dati na akong umaakyat ng bundok sa probinsya pero mababang bundok lang kaya sobra ang excitement ko noong naakyat ko ang Mt. Pico de Loro kasama sina B1 at dalawa pang kasamahan. Bukod doon, naranasan kong manalo sa isang palaro (for the first time since birth… lels). Nanalo kami sa pa-pinoy-henyo noong anibersaryo ng kompanyang pinapasukan ko. Yung napanalunan, ipinanood namin ng sine (Thor).

May: Nagtuloy-tuloy ang excitement kaya umakyat ulit kami ni B1 ng bundok. Mt. Gulugod Baboy sa Mabini Batangas. Mga bagong kaibigan ang kasama. Kahit muntik na kaming abutin ng dilim habang naliligaw, masaya parin.

June: Promoted. Probationary position. Sabi ng free dictionary sa internet ang probationary stage dawis a process or period in which a person’s fitness, as for work or membership in a social group, is tested”… Hmmm.

July: Ito ang simula ng pag-ganti... sa kabutihan ng aking mga magulang.

August: Tuloy ang akyat sa Mt. Maculot. Bumabagyo pa nung time na yun. Rock ‘n Roll padin  dahil determinado gumala yung mga kasama ko. Tatlo lang kaming umakyat nun at wala pang ni isa sa amin ang may alam ng trail. Apat beses muntik maligaw. Isa noong paakyat ng campsite at yung iba pa noong pababa na mula sa summit (doon sa parteng matalahib). Dahil nga sa bagyo kaunti lang ang umakyat nung araw na yun, lima lang kaming nasa campsite. Nabali pa ang pole ng tent namin pero masaya padin.

September: Whang turned 24. Whew, salamat sa buhay. Salamat sa mga bumati at hindi bumati.

October: Heto na. Binigyan ako ng Panginoon ng boypren.

November: May promo ang Air Philippines. Mura lang ang pamasahe pauwi ng probinsya. Syempre bumili ako ng ticket para makauwi sa Pasko at Bagong Taon.

December: Regular Employee na ako. Yey! Pero sabi ng nakakataas hindi daw ako pwedeng umuwi ng probinsya kahit wala naman akong ginagawa na sa opisina kundi maglaro ng Ninja Saga. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pwedeng umuwi. Yun kasing “nakatataas” na nagbawal sa akin ay malaya namang lumipad pauwi sa probinsya nya. Hmmm… power trip? Nakakalungkot. Mabuti nalang may Binggo at perya gabi-gabi sa munisipyo ng Mandaluyong, kahit papano naibsan ng foodtrip ang lungkot. Para naman dun sa “nakakataas” sana masaya ka. Hinding-hindi kita makakalimutan, maraming salamat. Napalampas ko na po ang kababawan  ninyo...lol. Sa kabila ng lahat masaya parin ang Pasko, yay!

Salubungin natin ang bagong taon na may ngiti sa labi folks^^


MALIGAYANG BAGONG TAON SA LAHAT  NG DRAGON... AT SA MGA HINDI DRAGON ^^






Sana

8

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Huwebes, Setyembre 22, 2011


Sana’y naging manghuhula ka nalang
nang madali mong matukoy
aking nararamdaman.

Sana’y naging lapis ka nalang
nang madaling mabura
mga iniwan mong alaala.

Sana’y naging lobo ka nalang
na madaling palitan
sa oras na mabitawan.

Sana’y naging politiko ka nalang
nang sa ganu’y mas madaling isipin
na ang sinasabi mo sa akin ay
pawang kasinungalingan.

Sana’y naging ulap ka nalang
na kahit malayo’y
nakikita ko parin naman.

Oo’t mas maganda
kung sana’y ganun nalang…

Subalit ikaw ay isang bituin.
Simbolo ng pangarap
na kay hirap abutin.


Hey Simon

6

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Martes, Setyembre 20, 2011


Do you still remember
Last   December,
We were sitting on a bench with your guitar

You were laughing
Half teasing
While I try to write a song in my mind

There we stayed
Till late night
Watching for meteors in the sky

Do you remember
Those Tuesday mornings
When you fetch me up with your old bike to see the sun

You were smiling
Half serious
While I try to find love in your eyes

Then we go
Till we knew
We could never forget each other

Do you remember
That summer
You were on the pew while I walked on the aisle

You were smiling
Half crying
I don’t want to look straight into your eyes

Hoped you said
“I love you”
Because boy, I loved you too

Now it’s too late
I said “I do”
Wishing the man beside me was you


Elektra: Part 2 (Finale)

4

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Lunes, Setyembre 19, 2011


Pak! Pak! Blag! Pak!

Nagising ang diwa ko sa malakas na kalansing ng pinggan sa di kalayuan. Inaantok pa ako. Gusto ko tuloy mainis. Pero naiwaksi ko rin kaagad ang pagkainis sa aking isip nang maalala ko ang huling sinabi ni Utoy sa akin kagabi. Ano nga ulit yun? Ni-raid ang lugar na pinag-inuman namin dahil maraming menor de edad ang pinapayagang uminon doon?

Mabilis akong napabangon sa naalala. Umiikot parin ng bahagya ang paligid ko. Sinubukan kaagad kilalanin ang paligid pero bago iyun sa akin. Hindi pa ako napunta roon ni minsan. Kung gaanong bilis ng pagbangon ko kanina ganoon din kabilis ang kabog ng dibdib ko ngayon.

Shit men, nasa presento na ba ako? Ganito ba ang feeling ng isang bilanggo?

Tatayo na sana ako at handa nang magmakaawa sa kung sino mang pulis na makikita nang biglang narinig ko ang boses ni Utoy. Ibig sabihin dalawa kaming nahuli?

“Hindi naman araw-araw. Kagabi lang. Birthday kasi ng isang kong katropa,” paliwanag ni Utoy. Saka ko lang naisip nab aka nasa bahay ako nina Utoy.

“Pagkagising ng nyang kasama mo pauwiin mo na agad, baka hinahanap na yan sa kanila,” anang isang boses babae. Ma-otoridad ang boses nito. Matapang. Yung tono ng pananalita nya walang bahid ng hospitality. Pero mahinahon syang nagsasalita. Sya na yata si Elektra na tinutukoy ni Utoy kagabi. Ang tiyahin niyang may kasungitan pero mabait naman tuwing nasa paligid si Hellboy (yun daw manliligaw ni Elektra).

At iyun ang unang pagkakataon na nakaharap at nakausap ko si tiya Elektra. Matangkad sya, morena, medyo chinita, lampas balikat ang buhok, at kahit pilitin nyang paamuhin ang mukha halata parin sa aura nya ang pagiging strikta at mahigpit. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin (buti na lang!) dahil sa tono nya gusto na nya akong pauwiin talaga. Nahihiya lang sigurong sabihin sakin ng deretsahan. Naki-inom nalang ako ng malamig na tubig saka nakigamit ng banyo bago ako umalis.

Habang nasa banyo naisip ko si pareng Utoy. Mahirap sigurong maging pamangkin ng isang babaeng perpeksyunista. Sa wari ko kasi singhal agad ang aabutin mo kay Elektra pag may nagawa kang mali sa mata nya. Pero kita mo naman si Utoy, ang tataas ng grades, walang bagsak. Mukang mas may alam pa kaysa sa propesor. Walang bisyo. Libre pa sa matrikula dahil iskolar. Sikat sa mga girls kasi matalino. Maraming kaibigan kasi madaling lapitan.

Para sa kagaya kong lamang ang katamaran kaysa sa kasipagan, mahirap marating ang buhay na kagaya ng kay Utoy. Kaya yung pangarap namin nina Efren at Ruel na maging kagaya nya, itinae ko nalang gaya ng ginagawa ko ngayon.

Ala siyete sa orasan nina Utoy noon nang umalis ako sa bahay nila. Ayoko ring napapalapit masyado sa tiya Elektra niya. Mahirap na, baka pati katamaran at iba ko pang kashitan sa katawan mapuna pa nya. Mapayapa akong naglakad papunta sa sinasabi ni Utoy na sakayan ng tricycle sa may labasan ng subdibisyong tinitirhan nila. Naisip ko ang saya siguro pag dito ka nakatira. Ang tahimik, wala kang madadaanang tambay sa gilid-gilid ng dadaanan mo. Maraming puno kaya hindi mainit. At yung mga bahay kanya-kanyang matataas na bakod… parang kanya-kanyang buhay lang…

“Special na boy?” tanong nung tricycle driver nang makasakay ako.

“Magkano ho ba pag special hanggang sakayan ng jeep?” kako.

“Bente kwatro lang boy…” tugon nya.

Buti nalang naisipan ko munang kapain ang pitaka ko bago lumarga. Anak ng… naiwan ko pa yata kila Utoy yung wallet ko. O mas masaklap baka kagabi ko pa iyun naiwala habang bangenge ako sa alak. Bumaba muna ako ng tricycle. Naglakad ulit pabalik kila Utoy at Tiya Elektra. Kapag wala doon ang wallet ko kakapalan ko na ang mukha ko na mangutang ng pamasahe pauwi. Pero hindi paman ako nakakatok sa pintuan nila natigilan ako. Narinig ko kasi si Tiya Elektra na nagsalita…

“Bobo!” narinig kong turan nya. “Nakakahiya ka! Ano nalang ang sasabihin sa atin ng mga tao dito kung nagkataong nahuli ka ni Mang Dencio doon sa kung saan man kayo nag-inuman? Hindi mo talaga niniisip ang kapakanan ko no? Ano nalang ang magiging tingin ng pamilya ni Hellboy sakin pag nalaman nilang minsang nakulong ang magaling kong pamangkin? Alam mo, sawa na rin akong bayaran ang mga propesor mo para lang tumaas yang mga grades mo ha. Pag hindi ka pa tumino ibabalik talaga kita sa pinanggalingan mo!”

Hindi ko narinig na nagdahilan si Utoy. Ako naman nahiya nang kumatok. Tahimik na lang akong umalis doon, maglalakad nalang siguro papuntang sakayan ng jeep tapos susubukang mag-one-two-three hanggang makarating sa bahay. Maiintindihan naman siguro ako ng langit sa pagkakataong ito.

Habang naglalakad paulit-ulit na bumabalik sakin yung mga narinig k okay Tiya Elektra. Parang hindi naman ako naniniwala doon. Ako mismo ay isang buhay na patunay sa talinong taglay ni Utoy, bakit kailangan pa ni Elektra’ng magbayad sa propesor? Napapailing na lang ako. Tama ang hinala ko. Mahirap maging pamangkin ng isang Tiya Elektra!

Hindi nagtagal nasa sakayan na kaagad ako ng jeep. Halos tatlumpong minuto rin akong naglakad. Tapos sakay ng jeep. Sinubukan ko ulit yung bulsa ko. Para bagang hulog ng langit, may nakapa pa akong limang piso. Ayus hindi na kailangan ang one-two-three! Doon ako pumuwesto sa dulo para may sandalan habang natutulog. Sakto wala pang tatlong minuto tulog ako.

Nagising na lamang ako sa sunod-sunod na vibrate ng telepono ko. Si Ruel. Nakailang missed call na siya tapos hindi ko pa nasagot yung huli. Bakit kaya? Tinext ko sya, “Brad bakit?” habang naka-kunot noo.

 Sa awa ng malakas na signal ng network provider ko mabilis kong natanggap ang reply nya. “Tol, si Utoy… Dedo na!"


... WAKAS...


Hurry Up 5:30

3

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Martes, Agosto 23, 2011


Define Monday…

Sabi nga ng isang kaibigan ko “Monday is the first day of slavery.”… madalas tama, minsan hindi.

Pero walang kinalaman ang post na ito sa slavery. Mahilig lang talaga ako umepal sa unahan ng posts. Ang nangyari kasi, wala na akong ginagawa. Sa medaling sabi, hinihintay ko nalang ang 5:30 para maka-uwi.

At dahil nakaka-inip maghintay ng uwian at nauso narin lamang ang pa-epalan sa post na ito, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang ginagawa ko tuwing wala na akong ginagawa.

4:54 Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ko ang trip na ito. Madalas ko itong gawin noon tuwing naghihintay ako ng oras.

4:55 Sinusulat ko sa Japanese hiragana ang trip na ito dati. Mayroon kasi akong isang makulit na ka-opisina na basta nalang binabasa ang mga notes ko.

4:56 Matapos kong isulat sa Hiragana ang notes ko, minsan ako rin ang nahihirapang magbasa nito. Para akong grade  one tuwing tina-translate ko na yung sinulat ko kaya tinigilan ko narin ang pagsusulat sa Hiragana.

4:57 Kulay green ang interior ng opisinang pinapasukan ko.

4:58 Kulaygreen din ang patong-patong na folders sa table ko.

4:59 Ngayon ko lang napagtanto na madalas pala akong bumi-blend sa kulay ng opisina kasi karamihan ng damit ko ay kulay green. Takte yan!

5:00 Kung bakit green ang kulay ng loob ng opisina? Hindi ko alam. Ewan ko ba sa may pasimuno nito, masyadong green minded!... lels

5:01 Walang nakalagay na kahit anong matamis sa ibabaw man o sa ilalim ng table ko. Kaya nagtataka ako kung bakit  ang daming lumalabas na langgam mula sa kung saan. Takte!

5:02  July 22, 2011 sinabihan ako ng boss ko ng “good job”. Masarap pala talaga syang pakinggan lalo na pag di mo inaasahan.

5:03 Mahalaga sa akin ang paghihintay. Madalas kasi mas naa-appreciate ko ang isang bagay na matagal kong hinintay. (Yung mga matagal ko nang hinihintay magbigay ng birthday gift, Christmas gift at kung anu-anong gift… hindi pa po huli ang lahat… lels)

5:04 Hindi po ako naniniwala sa love at first sight. Dahil kung totoo yun eh di sana matagal nang na-inlove sakin si John Lloyd!

5:05 Nakakita na po ako ng totoong comet. Yung parang malaking star na akala mo may walis sa dulo (ganun po ang pagkaka-describe ko sa comet noong bata ako)

5:06 Noong bata ako gusto ko maging scientist. Akala ko kasi scientist ang tawag dun sa pumupunta sa outer space.

5:07 Grade 4 yata ako nun nang malaman ko na Astronaut ang tawag sa mga pumupuntang outer space.

5:08 Grade 6 naman ako nang malaman kong ang pinagtatrabahuan ng mga pumupuntang outer space ay madalas sa NASA.

5:09 Highschool na ako nang mapagtanto ko na hindi ako pwedeng magtrabaho sa NASA kasi may height requirement! Takte naman kasi.

5:10 Maniwala ka at sa hindi, marunong ako mag-sketch pero anime lang ang kaya kong i-drawing…

5:11 Isa ako nun sa mga naging panatiko ng Meteor Garden. Bago yun panatiko muna ako ng Dragon Ball at sampo pang kasanib ni Son Goku.

5:12 Madalas late akong pumasok ng school mula pa noong elementary kaya sanay akong dumaan sa bakod noon. Noon yun.

5:13 Wala akong bisyo. Kung may bagay man akong kina-adikan, iyun ay ang pagbabasa.

5:14 Yung librong Frankenstein ni Mary Shelley ang pinaka-hindi ko makakalimutan sa lahat ng binasa kong libro. Iyun lang kasi ang binasa ko ng tuloy-tuloy hanggang sa natapos (mula 6PM hanggang 7AM). Walang tulugan!

5:15 Noong bata ako, ewan ko ba, sinabi ko sa sarili ko na ayokong magkaroon ng boypren na politiko.

5:16 Ngayong malaki na ako ayoko ko paring magkaroon ng boypren na politiko. Ayoko din ng pulis, sundalo, marine o navy.

5:17 Mayroon akong gitara. Kulay pula. Noong nakaraang bwan ko lang sya nabili. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano ko sya gagamitin ng maayos.

5:18 Hindi ako mahilig sa emo na banda kaya nga hindi ko rin maipaliwanag kung bakit gustong-gusto ko ang kantang ‘Discovering the Waterfront’ ng Silverstein.

5:19 Tama na nga ang kashitan na ito. Malapit na ang uwian. Yay!

5:20 Sana basahin nyo parin ang mga susunod kung post pagkatapos nito. ^_^

5:21 P.S Baka maitanong ninyo kung anong koneksyon ng trip na ito sa larawan sa baba. Ang sagot po ay wala. Umepal lang din ang mga piglets na yan! ^^






Twinkle, Twinkle Little Star

6

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Lunes, Agosto 15, 2011


Twinkle, Twinkle, Little Star
Summon fairies from afar
Tiny faces, sparkling wings
Let them guide me to my prince

Twinkle, Twinkle, Little Star
Let your light be magical
Wake a genie from his sleep
Just one wish will do for me




Kathang (Malikot Na) Isip

4

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Lunes, Hulyo 4, 2011



kathang-isip lang ba?


kathang-isip nga lang yata...


iyung araw na nakita at nakilala ka

iyung mga oras na kausap at kakwentuhan ka

pati matatamis mong ngiti at malakas na tawa...

kathang-isip nga lang kaya?

kathang-isip lang ba?

ang bawat nguya habang kasabay kang kumain sa iisang mesa...

ang boses mong kay sarap sa pandinig...

ang bawat minutong sa akin ka lang nakatitig...

kathang-isip nga lang ba na tayo'y pinagtagpo ng tadhana...

ang bawat salita habang alay mo ay isang awitin...

eh iyung mga katagang "mahal kita?"

kathang-isip lang din ba?

ang mga oras na hawak mo ang aking kamay...

yung mga gabing naglakad tayo ng sabay...

yung pagmamahal an iyung ipinadama...

yung pagsagot ko sayo ng "oo" powtek ka!

kathang-isip lang din kaya?

Oo... Hindi... Sa pula... Sa puti...

naging kathang-isip ang lahat nang bigla kang nawala...

ang bawat patak ng luha...

ang bawat lungkot at pangungulila...

so, kathang-isip lang ba?

kathang-isip lang di ba?

kathang-isip nga lang yata...

kathang-isip lang pala!

mabuti nalang at kathang-isip ka lang ngang talaga!


(ume-emote lang Lunes kasi!) ^_^

Mabuhay!!!








"Ikwento Mo Kay Blogger" Mode

2

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Linggo, Hulyo 3, 2011


May kwento ako. Malungkot.
Hindi ko alam kung saan sisimulan ang pagkukwento kasi hindi ko alam kung saan nagsimulang maging malungkot yung kwento...

Uumpisahan ko nalang sa cellphone ko na napapadalas ang pagpalpak nitong mga nakaraang araw...

Biyernes pa nang ma-lowbat itong limang taon kong cellphone. Ayaw nyang mag-charge! Nagre-rebelde? Parang naririnig ko na nga ang sinisigaw nitong "Palitan mo na ako, parang awa mo na!"

Pero dahil wala pa akong pambili sa nakatakdang kapalit ko sa kanya, pinagtiyagaan ko muna siyang piliting mag-charge... (alam ko ok yung charger eh..)... Muntik na nga akong sumuko at muntik ko na syang patingnan sa isang eksperto nang mangyari ang hindi ko inasahang mangyari...

Nag-charge sya!

Yeabah nag-charge sya!

Atat na akong magbasa ng mensahe kaya agad ko syang binuhay. Labindalawang message ang tumambad sakin...

Isang nag-a-update ng pinapapasa nyang resume...

Isang nagyayayang umakyat ng Mt. Batulaw...

Isang mapang-asar na text mula sa mapang-asar kong kapatid...

Dalawang updates mula kay pareng Sun...

At pito mula sa isang kaibigan na anim na taon bago natutong mag-gitara, isang taon bago natutong kumanta, at kahit hindi natutong mag-bisikleta, nangangarap paring magka-ducati... ^^

Sunod-sunod ang ngiti ko sa mga naunang text. Pero nalungkot ako dun sa huli...

Tama na naman si Papa Jack! (oo nakikinig ako minsan kay Papa Jack!)

Hindi lahat ng tao na dadating sa buhay mo ay nariyan para mag-stay. Ang iba mapapadaan lang para turuan ka ng leksyon...

Saka ko nalang siguro ite-text ulit si kaibigang nangangarap magka-ducati... pag ayos na si pareng CP... sa ngayon lowbat na naman sya! Takte!!!

Kaya nananawagan po ako kay kaibigang nangangarap magka-ducati... may gitara ka pa sakin boy... yung apat lang yung string na galing pang Subic... yay!







Watashi No Yuujin Sayoonara

5

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Miyerkules, Hunyo 29, 2011



Mahirap kalimutan ang bawat araw na pinagsamahan natin...

Ang bawat laban na magkasama nating naipanalo at naipatalo...

ang bawat kwento na sabay nating tinandaan...

ang mga hindi mababayarang pagod at pawis...

ang mga walang katumbas na kaligayahan at minsan kalungkutan na magkasama nating pinagdaanan...

ang mga hindi natatapos na kwento ng pag-ibig na sabay nating ikinuwento sa iba...

ang mga gabing sinamahan mo ako sa aking pagpupuyat...
nanatili kang gising para sa akin habang tulog na ang lahat...

ang mga di mabilang na pagkakataon na sabay tayong nagtampisaw sa dagat ng mga alaala...

ang bawat pagsusulit na sabay nating sinagutan...

ang ilang liham ng pag-ibig na sabay nating ginawa...

ang mga maiiksing tula na sabay nating sinulat at ilang beses pa ngang binura at pinalitan ng linya...

ang iilang kalokohan na hindi ko maipapalaganap kung hindi dahil sa tulong mo...

sabi nila ikaw daw ang sunod-sunuran kong sundalo...
at ako naman ang makakalimutin mong amo...

pero para sa akin hindi ka lang isang mabuting kaibigan...

ikaw ay isang karamay...

kabahagi ng aking bawat karanasan

at sa mga oras na ito, ikaw ay isang inspirasyon...

mapa-galit, galak, tuwa, takot, saya, naroon ka kasama ko...

isa kang magaling na taga-kwento

naipaparating mo sa iba ang hindi nasasabi ng bibig ko...

Astig ka! Isa kang ekstensyon ng utak ko...

madalas napapabayaan kita...

kaya kung minsan pinagtataguan mo ako... tinatakasan... iniiwan...

at ngayon iiwan mo na naman ako...
hindi dahil napabayaan na naman kita kundi dahil kailangan mo nang mamaalam talaga...

alam ko, nararamdaman ko, nakikita ko...

ito na ang huling kwentong pagsasaluhan nating dalawa...

hanggang sa huli mong lakas hindi mo ako iniwan kaya malaki ang aking pasasalamat kaibigan...

naghihingalo ka na... Paubos na ang iyong tinta...

Paalam tapat kong bolpen...

Hanggang sa susunod na pagsusulat ng mga halos walang kwentang katha ^^


Mabuhay!!!








Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...