Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, idol, insane thoughts, teritoryo, tiratira kaya natin 'yan, yamapi | Posted on Miyerkules, Disyembre 8, 2010
Alas dos na ng madaling araw
matutulog na sana ako...
nang mag-update ng on-line diary ang idol ko...
may sakit daw siya...
malamig na daw kasi sa kanila...
Grabe!
nagkasipon lang siya alam na kaagad ng buong mundo!
inulan ng "get well soon" comments ang FB niya
parang lahat yata sila gustong alagaan si idol...
makiki-comment nga sana ako...
pero biglang nag-hung si laptop!
Takte!
napatunganga na lang ako...
naghihintay...
naghihintay...
naghihintay kung kailan magiging responsive ang "not responding" na window
nilalaro ang mouse habang naghihintay...
hanggang sa pati si mouse ayaw nang gumalaw!
Kuuu naman talaga!!!
napapikit na lang ako...
naalala ko tuloy noong bata ako...
tuwing nagkakasipon,
sangkatutak na kalamansi ang binibili ng mabait kong ina
tapos gagawin niya 'yung kalamansi juice
pero hindi ako ang umiinum,
'yung mga kapatid ko...
bibili ulit si ina ng maraming kalamansi,
gagawa ulit siya ng juice,
mga kapatid ko na naman ang uubos...
laging ganun...
pero gumagaling parin naman ako kahit lagi akong nauubusan ng kalamansi juice ^_^
napaisip tuloy ako...
may nagtitimpla din kaya ng kalamansi juice para kay idol? (tawa)
idinilat ko ang mga mata...
nandoon padin si "not responding"!!!
hanep!
nagliwaliw na't lahat ang isip ko,
nang bumalik ako sa kasalukuyan naka-hung parin si laptop...
Kuuu!
inantok tuloy ako,
tinamad nang mag-comment,
kaya dito ko nalang isinulat...
"Pi-chan, hayaku yokunatte kudasai... Odaijini!"
Pinindot ko ang power button
hanggang sa tuluyan nang nag-shutdown si laptop...
Comments (0)
Mag-post ng isang Komento