Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, insane thoughts, teritoryo, tiratira kaya natin 'yan, trip | Posted on Lunes, Disyembre 6, 2010
Heto na naman
katamarang hindi mapapantayan
sa mga sulok ng utak,
humahanap ng butas
upang malusutan
ang isang tungkulin na dapat nang gawin
kay sarap daw sa pakiramdam
kapag hindi ikaw ang napiling atasan
nitong tungkulin na kung tutuusin
ay napaka-simple lang namang gawin
kay saya kapag nakaligtas
kahit kung titingnan at susubukan
gawaing ito'y di naman kumakain ng maraming oras
bakit nga ba iniiwasan?
pinagpapasa-pasahan?
kinatatamaran?
bakit kadalasan nagiging ugat ng pagtatalo?
o ng pagsimangot ng kapatid mo?
bakit ba tila napakabigat,
napakahirap,
at kinaiinisang gawin,
gayo'ng kalinisan naman ang dulot nito satin?
Heto na naman,
ang lahat ay busog na.
may laman na ang mga tiyan
tapos na ang kainan!
Heto na't maghuhugas na ng pinggan
"When you're washing up, pray. Be thankful that there are plates to be washed; that means there was food, that you've feed someone, that you've lavished care on one or more people, that you cooked and laid the table..."---The Witch at Portobello by Paolo Coelho
Comments (0)
Mag-post ng isang Komento