Dear Kishimoto-san

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , | Posted on Miyerkules, Disyembre 15, 2010

Kishimoto-san alam nating hindi mo maiintindihan

malamang ikaw ay makukulitan lang

hindi bale kasi makulit ka rin naman

ako man ay naguguluhan

bakit pa ba nag-aaksaya ng tinta?

gayoong hindi mo rin naman mababasa...

Kishimoto-san buong araw akong babad sa internetan

'di magawang tumayo sa kinauupuan

paano naman kasi...

nakakabaliw...

nakakaaliw...

nakakatuwa...

nakakamangha...

nakaka-adik itong iyong komiks

si Sasuke ng mga Uchiha ang paborito kong bida

si Sakura, gusto kong maging kasing-lakas niya

dahil kay Kakashi gusto ko nang maging ninja

papakiusapan si Kiba...

na sana sa akin nalang ang aso niya

Hay, ano nga kaya

kung kagaya ni Neji,

puwedeng mag-byakugan ang aking mata?

kakaibiganin ang lahat

sina Ino at Shino...

sina Hinata at Gaara

minsan sa harap ng monitor ay biglang naiiyak

tapos na ang laban...

mga kontra-bidang ninja ay patay na

pero sa huli, mga kontra-bidang ninja ay mababait naman pala!

ubos na ang barya saking bulsa

ang tanging nasisisi ay ang takteng manga

gayunpaman ako ay natutuwa

dahil sa haba ng labanan, nanalo parin ang Konoha

Hay, ang paborito kong manga

sa internet binabasa kaya nakakalula

pero gusto ko siya

lalo na kapag sumisigaw na si Naruto ng...

"BAKA!!!"


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...