read the printed word! Proudly Pinoy!

Dear Charo

1

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Biyernes, Agosto 19, 2011


Dear Charo,

Hindi na ako magpapaliguy-liguy pa Charo. Sisimulan ko na ang pagkukwento…

Bagamat hindi ito gaya ng mga kadalasang paksa na ipinapalabas ninyo sa inyong programa, nagbabakasakali parin ako na mapaglalaanan ninyo ng panahong basahin itong kwento ko. Wala po kasi dito ang mala “you-and-me-against-the-world” na eksena na pang-araw ng mga puso. Lalong hindi rin ito kwentong kababalaghan na pwede ninyong ipalabas tuwing Halloween.

Bakit nga ba ako sumulat sa inyo? Hindi ko rin alam. Ewan ko ba. Gusto ko lang magkwento. Nagpi-feeling kwentista na naman po kasi ako.

Ganito po kasi yun…

Balikan natin ang taong 2008… Nag-aaral pa lang ako nun… Mainit… Sobrang init!... Natandaan ko pa nga na saglit kong sinumpa ang katagang Global Warming  noong araw na iyon. Pawisan na ako nang mahanap ko ang silid kung saan kami magkaklase. Wala pang tao doon bukod sa akin. Kasalanan ko, kung bakit kasi ang aga kong pumasok?

Dahil  organisado akong tao at masipag akong estudyante (blog ko ‘to!) Charo, buong puso kong inayos ang noo’y gulo-gulong posisyon ng mga upuan, binura ko narin ang mga kung anu-anong kashitan ng ibang estudyante na nakasulat sa chalkboard. Naisip ko kasi, maganda na iyung pagdating ni prof tuloy-tuloy na ang sulat nya sa board. Siguro mga labinlimang minuteoko ring ginawa ang mga iyun Charo.

Pagkatapos nun, agad akong pumili ng pwesto para maupo. Pinili ko iyung malapit sa pinto para kahit mahangin kahit papaano. Kumuha ako ng kapirasong scratch paper sa bag ko para ipunas sa upuang halatang balot pa ng alikabok. Nang masigurong pwede na syang upuan binuksan ko ang ang isa sa apat ng ceiling fan na naroon. Syempre yung binuksan ko lang ay yung sa may tapat ko kasi matipid ako sa kuryente (blog ko nga kasi to). Hindi pa nakaka-isang minuto may dumaang guard Charo. Nagkatinginan kami. Nginitian ko pa nga sya. Pero iba pala ang ibig sabihin ng pagngiti nya sakin nun.

“May klase kayo dito? ” tanong nung guard sa tonong pang-guard.

“Meron po,” sabi ko. Nakangiti parin ako. Sa isip ko wala naman akong nilabag eh.

“Anong oras?” tanong nya ulit.

“Maya-maya po. One-thirty,” kaswal na ang sagot ko. Ayoko nang ngumiti.

Tumingin sa akin yung guard. Tapos tumingin sa relo nya sabay sabing “Wala pang one-thirty. Patayin mo muna yang electric fan.”

Sa pagkakatanda ko mabilis na kumulo ang dugo ko noong panahon na iyun Charo pero hindi ako nagsalita. Tumayo nalang ako para patayin… yung electric fan po, hindi yung guard. Pero binuhay ko din po sya pagkatalikod nung guard. Sa halip na mainis inilipat ko nalang ang atensyon ko sa mga tao sa labas. Ayokong isipin ang kashitan ni manong guard kaya inaliw ko ang sarili sa panonood ng mga estudyanteng maya-maya tumatawid gitna ng init sa quadrangle… sa mga nagpa-praktis ng sayaw sa stage… sa mga nagkukwentuhan sa lilim ng puno ng mangga… sa lalaking mag-isang naka-upo habang sarap na sarap sa kinakaing burger…

Huwag nyo pong isipin na may hinanakit parin po ako sa guard na iyun matapos ang halos tatlong taon. Ang totoo wala po akong hinanakit sa kahit kanino na nakilala ko sa mismong araw na iyun. Nagkataon lang na naalala ko ang eksenang iyun nang makita ko sa friend suggestions ko sa FB ang isang taong naging kaklase ko para sa pasukang iyon--- si kuya na nakita kong sarap na sarap sa kinakaing burger.

Nagtaka lang po kasi ako Charo kung bakit nasa friend suggestions ko si kuyang kumain noon ng burger gayung wala naman kaming common friend…

At dito po nagtatapos ang kwentong shits ko Charo… nawa’y pamagatan ninyo itong “Electric Fan”, “Burger”, o dili man ay “FB”.



Lubos na Gumagalang,


REKLAMADOR






Comments (1)

  1. Agosto 23, 2011 nang 11:20 PM

    kilala ko to.. hehe..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...