Posted by Whang | Posted in ginulo ko, insane thoughts, trip | Posted on Martes, Agosto 23, 2011
Define Monday…
Sabi nga ng isang kaibigan ko “Monday is the first day of slavery.”… madalas tama, minsan hindi.
Pero walang kinalaman ang post na ito sa slavery. Mahilig lang talaga ako umepal sa unahan ng posts. Ang nangyari kasi, wala na akong ginagawa. Sa medaling sabi, hinihintay ko nalang ang 5:30 para maka-uwi.
At dahil nakaka-inip maghintay ng uwian at nauso narin lamang ang pa-epalan sa post na ito, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang ginagawa ko tuwing wala na akong ginagawa.
4:54 Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ko ang trip na ito. Madalas ko itong gawin noon tuwing naghihintay ako ng oras.
4:55 Sinusulat ko sa Japanese hiragana ang trip na ito dati. Mayroon kasi akong isang makulit na ka-opisina na basta nalang binabasa ang mga notes ko.
4:56 Matapos kong isulat sa Hiragana ang notes ko, minsan ako rin ang nahihirapang magbasa nito. Para akong grade one tuwing tina-translate ko na yung sinulat ko kaya tinigilan ko narin ang pagsusulat sa Hiragana.
4:57 Kulay green ang interior ng opisinang pinapasukan ko.
4:58 Kulaygreen din ang patong-patong na folders sa table ko.
4:59 Ngayon ko lang napagtanto na madalas pala akong bumi-blend sa kulay ng opisina kasi karamihan ng damit ko ay kulay green. Takte yan!
5:00 Kung bakit green ang kulay ng loob ng opisina? Hindi ko alam. Ewan ko ba sa may pasimuno nito, masyadong green minded!... lels
5:01 Walang nakalagay na kahit anong matamis sa ibabaw man o sa ilalim ng table ko. Kaya nagtataka ako kung bakit ang daming lumalabas na langgam mula sa kung saan. Takte!
5:02 July 22, 2011 sinabihan ako ng boss ko ng “good job”. Masarap pala talaga syang pakinggan lalo na pag di mo inaasahan.
5:03 Mahalaga sa akin ang paghihintay. Madalas kasi mas naa-appreciate ko ang isang bagay na matagal kong hinintay. (Yung mga matagal ko nang hinihintay magbigay ng birthday gift, Christmas gift at kung anu-anong gift… hindi pa po huli ang lahat… lels)
5:04 Hindi po ako naniniwala sa love at first sight. Dahil kung totoo yun eh di sana matagal nang na-inlove sakin si John Lloyd!
5:05 Nakakita na po ako ng totoong comet. Yung parang malaking star na akala mo may walis sa dulo (ganun po ang pagkaka-describe ko sa comet noong bata ako)
5:06 Noong bata ako gusto ko maging scientist. Akala ko kasi scientist ang tawag dun sa pumupunta sa outer space.
5:07 Grade 4 yata ako nun nang malaman ko na Astronaut ang tawag sa mga pumupuntang outer space.
5:08 Grade 6 naman ako nang malaman kong ang pinagtatrabahuan ng mga pumupuntang outer space ay madalas sa NASA.
5:09 Highschool na ako nang mapagtanto ko na hindi ako pwedeng magtrabaho sa NASA kasi may height requirement! Takte naman kasi.
5:10 Maniwala ka at sa hindi, marunong ako mag-sketch pero anime lang ang kaya kong i-drawing…
5:11 Isa ako nun sa mga naging panatiko ng Meteor Garden. Bago yun panatiko muna ako ng Dragon Ball at sampo pang kasanib ni Son Goku.
5:12 Madalas late akong pumasok ng school mula pa noong elementary kaya sanay akong dumaan sa bakod noon. Noon yun.
5:13 Wala akong bisyo. Kung may bagay man akong kina-adikan, iyun ay ang pagbabasa.
5:14 Yung librong Frankenstein ni Mary Shelley ang pinaka-hindi ko makakalimutan sa lahat ng binasa kong libro. Iyun lang kasi ang binasa ko ng tuloy-tuloy hanggang sa natapos (mula 6PM hanggang 7AM). Walang tulugan!
5:15 Noong bata ako, ewan ko ba, sinabi ko sa sarili ko na ayokong magkaroon ng boypren na politiko.
5:16 Ngayong malaki na ako ayoko ko paring magkaroon ng boypren na politiko. Ayoko din ng pulis, sundalo, marine o navy.
5:17 Mayroon akong gitara. Kulay pula. Noong nakaraang bwan ko lang sya nabili. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano ko sya gagamitin ng maayos.
5:18 Hindi ako mahilig sa emo na banda kaya nga hindi ko rin maipaliwanag kung bakit gustong-gusto ko ang kantang ‘Discovering the Waterfront’ ng Silverstein.
5:19 Tama na nga ang kashitan na ito. Malapit na ang uwian. Yay!
5:20 Sana basahin nyo parin ang mga susunod kung post pagkatapos nito. ^_^
5:21 P.S Baka maitanong ninyo kung anong koneksyon ng trip na ito sa larawan sa baba. Ang sagot po ay wala. Umepal lang din ang mga piglets na yan! ^^
uwi na....lol random.
ayoko din sa politiko..gusto ko sa romantiko! lels
eh panu kung romantiko yung politiko? hahaha lagot na!
salamat sa pagbisita iya ^^
Wow beats, magkano bili mo?