Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, ginulo ko, tadhana't kapalaran, teritoryo | Posted on Biyernes, Agosto 12, 2011
Noong isang araw ko pa gustong magsulat pero wala akong masabi hanggang sa naka-kwentuhan ko kanina ang isang bagung kaibigan. Tawagin natin sya sa pangalang Daredevil Dairyel. Sa ganoong pangalan daw kasi nya ipinakilala ang sarili nya sa buong klase nung sinabi ng Accounting Prof nila na magpakilala gamit ang isang adjective. (Risk-taker daw kasi sya!)
Hindi ko rin alam kung paano kami naging magkaibigan o kung kailan nagsimula ang pagkakaibigan namin. Basta isang araw bigla nalang syang pumasok sa tambayan ko ng walang Sali-salita, sabay higa sa sulok ng higaan ko, saka mabilis na isinubsob ang mukha sa unan ko na hindi ko pa napapalitan ang cover.
“Oi girl, wag yan. Hindi ko pa nalalabhan yan!” sabi ko. Syempre nahiya naman ako.
Noon ko lang napansin na umiiyak na pala sya. Break na daw kasi sila ng boypren nya. Naiiyak sya dahil sa galit, hindi sa lungkot. Tahimik lang akong nakikinig sa kwento nya. Inosente naman kasi ako pagdating sa mga ganoong paksa.
Mula noon napadalas na ang tambay niya sa tambayan ko kasama ang dalawa pa naming ka-boardmates. Noong una hindi ko inakalang magkakasya kami sa maliit na espasyo sa loob ng lungga ko. Nagkasya kami dun, masikip nga lang kaya nagpasya kaming dalhin ang kwentuhan sa labas. (Ano ba naman kasing ginawa ng Padis Point?) doon ko nadiskubre na marunong naman pala akong sumayaw! (iisang step nga lang)
Talon. Talon. Talon…
Nasundan pa ng ilang gimik at jammings ang tagpong iyun… hanggang kanina…
Nagyaya na naman silang tatlo na gumimik, pero umiral na naman ang katamaran ko. Isa kasi akong malaking panatiko ng katahimikan (kahit hindi halata sa mga metal na tugtugin na naka-save sa playlist ko) kaya mabilis akong nagsawa sa ingay sa gimikan.biglang na-miss kong maglakbay sa pamamagitan ng pagbabasa at dumaldal gamit ang pagsusulat..
Hindi nila ako napilit na sumama pero nakapag-kwentuhan muna kami ni Daredevil Dairyel bago nya ako iniwan sa munti kong lungga. Naipabasa pa nya sa akin ang journal nya na limang taon na ang tanda. Gusto ko din sanang i-share sa kanya ang dati kong journal pero inunahan ako ng hiya. Ano naman kasi ang makukuha nya pag nabasa nya doon kung paano ko namura sina Hellboy at Elektra?
Balik tayo sa journal nya…
Heto ang iilang pirasong napulot ko mula sa pagbabasa dun:
“Madalas gusto ng tao na maging espesyal--- isang antas ng pagiging espesyal na isang espesyal na tao lang ang makapagbibigay.”“Everyone is a Daredevil, (risk taker)… others just don’t know it yet.”
Hindi ko tuloy napigilang maalala ang isang status ng kaibigan ko nun sa FB…
“Take the risk and say at least I tried. Or do nothing and spend your whole life wondering what could have been the outcome if you took the risk…”
Comments (0)
Mag-post ng isang Komento