Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, insane thoughts, inspirational, pasasalamat, tadhana at kapalaran | Posted on Linggo, Abril 10, 2011
Umaga na kaibigan
halina't salubungin ang bagong araw
halina't salubungin ang bagong araw
halina't tahakin ang bagong daan
halina't baguhin ang maling pamamaraan
araw ay sisikat
araw ay sisikat
hayaang ikaw ay Kanyang makita
pagkat dala Niya'y bagong umaga
pagkat dala Niya'y bagong umaga
at sa iyo'y bagong pag-asa
tumayo ka kaibigan!
ikaw ay magkusa
sa ganun ay masuklian mo
ang gandang hatid ng umaga
sumulong ka at kalimutan
pangbibintang nila at pang-aakusa
harapin mo ang hamon ng iba
kung saan ika'y mapapabuti
hindi mapapasama
kalimutan mo! O kalimutan mo na!
mga masasakit nilang salita
naisin mong sa isip ay mawaglit
dalamhati, paghihiganti mo at galit
kaibigan, para sayo
ang araway muling pinasikat Niya
nawa'y ang kabutihan Niya ay hindi maaksaya
ngayong umaga magtanim ng kabaitan sa kapwa
nang kabaitan rin ang syang maibubunga
Comments (0)
Mag-post ng isang Komento