Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, ilusyon, insane thoughts, inspirational, maikling kwento, tadhana at kapalaran, teritoryo | Posted on Sabado, Abril 30, 2011
Biyernes iyon at
wala yata ako sa sarili habang nakaharap sa computer.
Iniisip ko kasi, "Shit, kakanta ako mamaya at mga big boss lang naman ang nandoon para manood." Saglit akong pumikit at humugot ng malalim na hininga para maisantabi ang kaba na kagabi ko pa kinaiinisan.
Wala namang nakatingin kaya tinagalan ko na ang pagkakapikit.
"Isa... Hinga... Dalawa... Hinga... Tatlo... Hinga......... Sampo....."
"Bakit po ba kayo kinakabahan ng ganyan? Eh kakanta lang naman kayo di ba?"
hindi ko alam kung anong naging reaksyon ko pero malamang kumunot ang noo ko nang makita ang isang batang lalaki na kampanteng naka-upo sa tabi ko.
payat sya, maputi at sa tantya ko nasa mga anim na taong gulang lang.
noong una akala ko hindi ako ang kausap nya. Pero wala naman kasing ibang tao doon. Isa pa, sa akin sya nakatingin.... Sa akin sya nakangiti...
napangiti narin ako.
"Kasi sentonado ako. Ayoko lang mapahiya," sabi ko.
"Eh sino po ba ang may sabi na sentonado kayo?"
Natigilan ako. Nag-isip.
Wala akong maisagot. Tiningnan ko na lang sa mata ang batang kausap.
Noon ko lang napansin na naka-puting T-shirt lang sya. Kupas na ang suot nyang asul na shorts. Manipis na rin ang suot nyang tsinelas.
Paano kaya sya nakapasok rito? naisip ko.
"Maniwala lang po kayo sa kakayahan ninyo. Ako nga, sa mura kong edad, binibigyan na ako ni Bro ng mabibigat na pagsubok. Pero nakakaya ko dahil iniisip ko na kaya ko."
Natawa ko. Para kasing ako pa ang bata sa aming dalawa.
Kakanta lang naman ako, hindi ako papatay ng tao! Bakit ko nga ba pino-problema yun?
"Bakit boy, narinig mo na ba akong kumanta?"
Nginitian nya ulit ako at diretsong nakatingin sa akin ang bilogan nyang mga mata. Nakaka-inggit talaga ang mga bata... napaka-inosente ng mga ngiti nila...
"Kaya mo yan, ate! Magtiwala ka lang sa sarili mo. At magtiwala ka kay Bro. Hindi ka mapapahiya kapag nagtiwala ka sa kanya. Tandaan nyo po na palagi syang nakikinig at palagi nyang binibigyan ng kasagutan ang mga hiling mo. Kung may mga pagkakataon man na hindi sya sumasagot, iyon ay dahil alam nyang kaya mong lutasin ang pagsubok na binigay nya..."
Ang galing! Pakiramdam ko lumakas ang loob ko dahil sa mga sinabi ng batang kaharap ko.
naisip ko kaagad gumawa ng blog entry tungkol sa misteryosong bata.
Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag saka sinabing, "Ano nga palang pangalan mo boy?"
"Ako po pala si Santino," sagot nya na abot tainga ang ngiti. "Huwag nyo po akong kakalimutan kapag kakanta na kayo ha."
"Whang tapos na ang lunch break, gising na!" anang isang pamilyar na boses sa likuran ko. Ginigising na ako ng ka-opisina ko!
nang matauhan ay napangiti akong di sinasadya.
Takte, napahaba ngang talaga ang pikit ko at naka-idlip na pala ako. At sa pag-idlip ko, naka-usap ko pa si Santino!