Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, ginulo ko, habagat, tadhana at kapalaran | Posted on Huwebes, Agosto 9, 2012
“Gumuhit ako ng araw, nagpakita ang araw. Totoo pala yung kalokohan namin
noong bata pa ako.”
Maulang umaga sa lahat
ng magugulo, nakikigulo at makikigulo pa.
Wala talaga akong balak
mag-blog ngayon. Wala. Hindi ko lang napigilang matuwa sa facebook status ng
kaopisina ko. Kung alam ko lang na ganun lang pala kadali palabasin si haring
araw baka noong isang linggo pa ako nagsimulang gumuhit ng maraming-maraming araw.
Yung tipong, sa sobrang dami, mapipilitan na siyang lumabas mula sa pagkakatago
sa likod ng madidilim na ulap sa kalangitan. Yay.
Sa halos tatlong
linggong buhos ng malakas na ulan, hindi na kataka-taka na maraming parte ng
Luzon ang lubog sa baha. Marami ang nawalan, naghirap, at umiyak. Marami ang
nagdasal. Marami ang natutong mag-sun dance (isang uri ng sayaw na pinauso ni
Sarah G.) Paminsan-minsan sumisilip ang araw, pero agad ding nagtatago kapag
napansin na ng marami (nakuha pang maging sensitive).
Nakakalungkot lang isipin na sa gitna ng matinding kalamidad, may mga tao pang nakakapagbigay ng mga hindi kaaya-ayang komento. Tulad nalang nitong nasa baba. Kinailangan ko pang takpan ang mukha ng anime character sa profile pic nya para mapangalagaan ang imahe nito... lels
Hmmp porke't hindi ka inabot ng baha te? At dahil dyan tinatanggalan na kita ng karapatang sumali sa Miss Earth!
Ano-anu b a ang ayaw ko sa komentong ito? Una, isa itong sampal sa buwan ng wika! Pangalawa, hindi na importante kung malaman man natin kung sino ang may kasalanan sa pagbaha. Hindi na rin importante kung ano ang naging dahilan ng pagbaha. Ang pinakamahalaga ngayon ay kung anu-ano ang gagawin natin pagkatapos ng lahat ng ito.
Pwede rin kasing magtulungan tayo Pilipino... ^_^
Photo by Pilipino Ako
Comments (0)
Mag-post ng isang Komento