Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, ginulo ko, insane thoughts, maikling kwento | Posted on Lunes, Setyembre 19, 2011
Pak! Pak! Blag! Pak!
Nagising ang diwa ko sa
malakas na kalansing ng pinggan sa di kalayuan. Inaantok pa ako. Gusto ko tuloy
mainis. Pero naiwaksi ko rin kaagad ang pagkainis sa aking isip nang maalala ko
ang huling sinabi ni Utoy sa akin kagabi. Ano nga ulit yun? Ni-raid ang lugar
na pinag-inuman namin dahil maraming menor de edad ang pinapayagang uminon
doon?
Mabilis akong napabangon
sa naalala. Umiikot parin ng bahagya ang paligid ko. Sinubukan kaagad kilalanin
ang paligid pero bago iyun sa akin. Hindi pa ako napunta roon ni minsan. Kung gaanong
bilis ng pagbangon ko kanina ganoon din kabilis ang kabog ng dibdib ko ngayon.
Shit men, nasa presento
na ba ako? Ganito ba ang feeling ng isang bilanggo?
Tatayo na sana ako at
handa nang magmakaawa sa kung sino mang pulis na makikita nang biglang narinig
ko ang boses ni Utoy. Ibig sabihin dalawa kaming nahuli?
“Hindi naman araw-araw. Kagabi
lang. Birthday kasi ng isang kong katropa,” paliwanag ni Utoy. Saka ko lang
naisip nab aka nasa bahay ako nina Utoy.
“Pagkagising ng nyang
kasama mo pauwiin mo na agad, baka hinahanap na yan sa kanila,” anang isang
boses babae. Ma-otoridad ang boses nito. Matapang. Yung tono ng pananalita nya
walang bahid ng hospitality. Pero mahinahon syang nagsasalita. Sya na yata si
Elektra na tinutukoy ni Utoy kagabi. Ang tiyahin niyang may kasungitan pero
mabait naman tuwing nasa paligid si Hellboy (yun daw manliligaw ni Elektra).
At iyun ang unang
pagkakataon na nakaharap at nakausap ko si tiya Elektra. Matangkad sya, morena,
medyo chinita, lampas balikat ang buhok, at kahit pilitin nyang paamuhin ang
mukha halata parin sa aura nya ang pagiging strikta at mahigpit. Hindi naman
nagtagal ang pag-uusap namin (buti na lang!) dahil sa tono nya gusto na nya
akong pauwiin talaga. Nahihiya lang sigurong sabihin sakin ng deretsahan. Naki-inom
nalang ako ng malamig na tubig saka nakigamit ng banyo bago ako umalis.
Habang nasa banyo naisip
ko si pareng Utoy. Mahirap sigurong maging pamangkin ng isang babaeng
perpeksyunista. Sa wari ko kasi singhal agad ang aabutin mo kay Elektra pag may
nagawa kang mali sa mata nya. Pero kita mo naman si Utoy, ang tataas ng grades,
walang bagsak. Mukang mas may alam pa kaysa sa propesor. Walang bisyo. Libre pa
sa matrikula dahil iskolar. Sikat sa mga girls kasi matalino. Maraming kaibigan
kasi madaling lapitan.
Para sa kagaya kong
lamang ang katamaran kaysa sa kasipagan, mahirap marating ang buhay na kagaya
ng kay Utoy. Kaya yung pangarap namin nina Efren at Ruel na maging kagaya nya,
itinae ko nalang gaya ng ginagawa ko ngayon.
Ala siyete sa orasan
nina Utoy noon nang umalis ako sa bahay nila. Ayoko ring napapalapit masyado sa
tiya Elektra niya. Mahirap na, baka pati katamaran at iba ko pang kashitan sa
katawan mapuna pa nya. Mapayapa akong naglakad papunta sa sinasabi ni Utoy na
sakayan ng tricycle sa may labasan ng subdibisyong tinitirhan nila. Naisip ko
ang saya siguro pag dito ka nakatira. Ang tahimik, wala kang madadaanang tambay
sa gilid-gilid ng dadaanan mo. Maraming puno kaya hindi mainit. At yung mga
bahay kanya-kanyang matataas na bakod… parang kanya-kanyang buhay lang…
“Special na boy?” tanong
nung tricycle driver nang makasakay ako.
“Magkano ho ba pag
special hanggang sakayan ng jeep?” kako.
“Bente kwatro lang boy…”
tugon nya.
Buti nalang naisipan ko
munang kapain ang pitaka ko bago lumarga. Anak ng… naiwan ko pa yata kila Utoy
yung wallet ko. O mas masaklap baka kagabi ko pa iyun naiwala habang bangenge
ako sa alak. Bumaba muna ako ng tricycle. Naglakad ulit pabalik kila Utoy at
Tiya Elektra. Kapag wala doon ang wallet ko kakapalan ko na ang mukha ko na
mangutang ng pamasahe pauwi. Pero hindi paman ako nakakatok sa pintuan nila
natigilan ako. Narinig ko kasi si Tiya Elektra na nagsalita…
“Bobo!” narinig kong
turan nya. “Nakakahiya ka! Ano nalang ang sasabihin sa atin ng mga tao dito kung
nagkataong nahuli ka ni Mang Dencio doon sa kung saan man kayo nag-inuman? Hindi
mo talaga niniisip ang kapakanan ko no? Ano nalang ang magiging tingin ng
pamilya ni Hellboy sakin pag nalaman nilang minsang nakulong ang magaling kong
pamangkin? Alam mo, sawa na rin akong bayaran ang mga propesor mo para lang
tumaas yang mga grades mo ha. Pag hindi ka pa tumino ibabalik talaga kita sa
pinanggalingan mo!”
Hindi ko narinig na
nagdahilan si Utoy. Ako naman nahiya nang kumatok. Tahimik na lang akong umalis
doon, maglalakad nalang siguro papuntang sakayan ng jeep tapos susubukang
mag-one-two-three hanggang makarating sa bahay. Maiintindihan naman siguro ako
ng langit sa pagkakataong ito.
Habang naglalakad
paulit-ulit na bumabalik sakin yung mga narinig k okay Tiya Elektra. Parang hindi
naman ako naniniwala doon. Ako mismo ay isang buhay na patunay sa talinong
taglay ni Utoy, bakit kailangan pa ni Elektra’ng magbayad sa propesor? Napapailing
na lang ako. Tama ang hinala ko. Mahirap maging pamangkin ng isang Tiya
Elektra!
Hindi nagtagal nasa
sakayan na kaagad ako ng jeep. Halos tatlumpong minuto rin akong naglakad. Tapos
sakay ng jeep. Sinubukan ko ulit yung bulsa ko. Para bagang hulog ng langit,
may nakapa pa akong limang piso. Ayus hindi na kailangan ang one-two-three! Doon
ako pumuwesto sa dulo para may sandalan habang natutulog. Sakto wala pang
tatlong minuto tulog ako.
Nagising na lamang ako
sa sunod-sunod na vibrate ng telepono ko. Si Ruel. Nakailang missed call na
siya tapos hindi ko pa nasagot yung huli. Bakit kaya? Tinext ko sya, “Brad
bakit?” habang naka-kunot noo.
Sa awa ng malakas na signal ng network
provider ko mabilis kong natanggap ang reply nya. “Tol, si Utoy… Dedo na!"
... WAKAS...
... WAKAS...
nice story....
ang haba naman..
lels... ewan ko nga ba bat anhaba ng finale ^^
salamat sa pagbisita written feelings...
waaaaahhhhtttttdddddaaaa?!!
dedbol!