Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, ginulo ko, insane thoughts, pag-ibig at pagmamahal, tadhana at kapalaran | Posted on Huwebes, Setyembre 22, 2011
Sana’y naging manghuhula ka nalang
nang madali mong matukoy
aking nararamdaman.
Sana’y naging lapis ka nalang
nang madaling mabura
mga iniwan mong alaala.
Sana’y naging lobo ka nalang
na madaling palitan
sa oras na mabitawan.
Sana’y naging politiko ka nalang
nang sa ganu’y mas madaling isipin
na ang sinasabi mo sa akin ay
pawang kasinungalingan.
Sana’y naging ulap ka nalang
na kahit malayo’y
nakikita ko parin naman.
Oo’t mas maganda
kung sana’y ganun nalang…
Subalit ikaw ay isang bituin.
Simbolo ng pangarap
na kay hirap abutin.
Picture by Princess of Shadows on DeviantArt
sana ako ang bituin na yun :) hahaha joke lamang...
pumopoem palagi ah.. ayos :)))
magandang araw po
oh kay gandang tula..relate much!
-thanks sa pagdaan sa blog koh! ;)
ang swerte naman ng bituin na yan. :D
sana ako nalang yung bituin na hindi mo na kailangang abutin...dahil kusa na akong mahuhulog para sayo...^^ Napadaan lang...
nice. pumi-pick up line ah. hehe...
paumanhin hindi ako bituin..
ako ang buwan sa madilim mong gabi.. ang ngiti sa badtrip mong araw..
ang tuwa sa malungkot mong diwa..
ang anino sa likod ng ilaw...
at kung malayo man ako sa iyong paningin..
pumikit ka lang at presensya ko'y iyong damhin..
may masabi lang..=)
ang ganda ng pagkakasulat mo....galing....sulat ka pa madami..
tagos na tagos. wagas! :D