Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, ginulo ko, maikling kwento, tadhana at kapalaran | Posted on Huwebes, Setyembre 1, 2011
Ako si Darius at alamkong magulo
ang mundo. Siguro kasi magugulo rin mag-isip ang mga taong nakatira rito... kagaya nalang
nitong si Elektra.
Hindi ko alam kung ilang taon
na kaming magkakilala... Siguro mga tatlo o apat na taon na. Mabait sya.
Matulungin. Matalino. Madiskarte. Wala na yata syang kapintasan bukod sa hindi
sya masyadong maka-bayan.
“Bakit mo naman
po-problemahin ang isang problemang mas matanda pa kaysa sayo?” natantandaan
kong dahilan niya. Hindi nalang ako
nagsalita. Mahirap kasi makipag-tagisan ng talino kay Elektra. Kahit yung lasing ay mahihirapang talunin sya sa
diskusyunan.
At narito narin lang tayo sa
usapang lasing, ibabahagi ko narin sa inyo ang kwento ng kaibigan kong si Utoy
na pamangkin ni Elektra. Siguro magsa-sampung taon ko na tong kaibigan si Utoy.
Matalino rin, mabait, tahimik na tao na parang bang hindi pa nakakagawa ng
kasalanan. Parang lalaking bersyon lang ni Elektra.
Hindi ko na matandaan kung
paano kami naging mabuting magkaibigan. Basta ang natatandaan ko, sya yung
pinakauna kong nakausap sa pinapasukan kong unibersidad. Bago palang ako sa Maynila
noon at naiilang pang mag-tagalog kaya nung narinig ko syang nagsalita sa
lengwaheng alam ko habang may kausap sa sya telepono, sinunggaban ko na ang
pagkakataon para magtanung sa kanya ng hindi nagtatagalog. At yun, instant, may
barkada na si Darius.
Sa tagal naming magkabarkada
nalaman kong hindi umiinom itong si Utoy. Kaya nga laking gulat ko nung
tinanggap nya ang basong may lamang vodka na ibinigay sa kanya ni Ruel. Birthday
iyun ng isa pa naming kabarkada kaya nagkayayaang mag-inuman. Sisig, nachos,
chese roll… dinamihan talaga ni Ruel ang order ng pulutan kasi alam nito na
yung iba sa amin mamumulutan lang.
“Uy teka, teka. Umiinom na si
Utoy!” sigaw ni Ruel sa gitna ng malakas na disco music na pumapailanlang.
“Kuu, baka may pinagdadaanan,”
hula ko sa tonong pabiro.
“Wala tol. Paminsan-minsan
kailangan kasi nating makisama,” sabi nya matapos lagukin ang natitirang alak
sa baso.
“Baka nakipag-break na sa
kanya yung girlfriend nya mga tol. Yung lagi nyang nakakausap sa telepono? Siguro
sinasadya talaga nitong si Utoy na mag-nihonggo pag kausap nya ang girlfriend
nya para di natin maintindihan,” kantyaw ni Efren, yung may birthday.
“Gago, tiyahin ko yun!” si
Utoy. Tawanan ang barkada. Umikot ulit ang baso. Si Ruel parin ang tanggero. Napunta
ulit sakin ang baso, pagkatapos kay Utoy naman. Lumalalim na ang gabi. Hindi namin
namamalayan dahil sa sarap ng kwentuhan at siguro dahil narin sa nakaka-indak
na tugtugan doon.
Alas-tres ng madaling araw,
ubos na ang panlibre ni Efren. At kahit may panlibre pa sya hindi narin pwede
dahil bagsak na si Ruel tanggero. Naghihilik na sa upuan nya si mokong.
Problema pa kung paano namin pauuwiin. Kakalipat lang daw kasi nito ng tirahan.
Wala sa amin ang nakakaalam kung saan ito nakalipat. Mabuti’t nag-presenta si
Efren. Sa kanila nalang daw muna si Ruel.
“Eh kayo, ayos pa ba kayo?
Pwede namang matulog sa bus station kung hindi nyo na kayang bumiyahe,”
pabirong turan ni Efren sa aming dalawa ni Utoy.
Nasusuka ako. Ayokong sumagot.
“Pasig lang naman kami. Kaya na
namin yun.” Sagot ni Utoy. “Darius tol, sabay nalang tayo pauwi. Parehas naman
way natin,” sabi nya. Tumango lang ako. Bahagya pa akong nagtaka kung bakit
tila konti lang ang tama ni Utoy gayong first time nitong uminom. Naalala ko
bigla yung ni-lecture ng sir namin sa physics noong highschool. May mga tao daw
talaga na malakas ang tolerance sa alak. Pero pakialam ko ba sa tolerance na yan?
Gusto ko lang makauwi!
Sumunod naramdaman ko ang
pag-ikot ng paningin ko sabay pag-ikot ng sikmura ko…
Hindi ko na kaya… Kailangan
nang umuwak…
“Tol bilisan mo! Alis na tayo
dito, niri-raid yung lugar!” bigla’y narinig kong sigaw ni Utoy.
ITUTULOY…
Comments (0)
Mag-post ng isang Komento