read the printed word! Proudly Pinoy!

Watashi No Yuujin Sayoonara

5

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Miyerkules, Hunyo 29, 2011



Mahirap kalimutan ang bawat araw na pinagsamahan natin...

Ang bawat laban na magkasama nating naipanalo at naipatalo...

ang bawat kwento na sabay nating tinandaan...

ang mga hindi mababayarang pagod at pawis...

ang mga walang katumbas na kaligayahan at minsan kalungkutan na magkasama nating pinagdaanan...

ang mga hindi natatapos na kwento ng pag-ibig na sabay nating ikinuwento sa iba...

ang mga gabing sinamahan mo ako sa aking pagpupuyat...
nanatili kang gising para sa akin habang tulog na ang lahat...

ang mga di mabilang na pagkakataon na sabay tayong nagtampisaw sa dagat ng mga alaala...

ang bawat pagsusulit na sabay nating sinagutan...

ang ilang liham ng pag-ibig na sabay nating ginawa...

ang mga maiiksing tula na sabay nating sinulat at ilang beses pa ngang binura at pinalitan ng linya...

ang iilang kalokohan na hindi ko maipapalaganap kung hindi dahil sa tulong mo...

sabi nila ikaw daw ang sunod-sunuran kong sundalo...
at ako naman ang makakalimutin mong amo...

pero para sa akin hindi ka lang isang mabuting kaibigan...

ikaw ay isang karamay...

kabahagi ng aking bawat karanasan

at sa mga oras na ito, ikaw ay isang inspirasyon...

mapa-galit, galak, tuwa, takot, saya, naroon ka kasama ko...

isa kang magaling na taga-kwento

naipaparating mo sa iba ang hindi nasasabi ng bibig ko...

Astig ka! Isa kang ekstensyon ng utak ko...

madalas napapabayaan kita...

kaya kung minsan pinagtataguan mo ako... tinatakasan... iniiwan...

at ngayon iiwan mo na naman ako...
hindi dahil napabayaan na naman kita kundi dahil kailangan mo nang mamaalam talaga...

alam ko, nararamdaman ko, nakikita ko...

ito na ang huling kwentong pagsasaluhan nating dalawa...

hanggang sa huli mong lakas hindi mo ako iniwan kaya malaki ang aking pasasalamat kaibigan...

naghihingalo ka na... Paubos na ang iyong tinta...

Paalam tapat kong bolpen...

Hanggang sa susunod na pagsusulat ng mga halos walang kwentang katha ^^


Mabuhay!!!








Comments (5)

  1. Hulyo 1, 2011 nang 2:32 AM

    salamat bolpen. nang dahil sayo natupad ang pangarap ko nyahahaha!

    nice post!

  2. Hulyo 1, 2011 nang 9:34 AM

    yay! nagalak ang bolpen sa pagbisita ni ka-swak! hahaha...
    salamat sa dalaw ^^

  3. Hulyo 1, 2011 nang 9:04 PM

    Move on ka na sa bagong boypren I mean bolpen.

  4. Hulyo 2, 2011 nang 5:15 AM

    sabi ko n nga ba, tama ako. hehehehe.. ^_^ ako nga ballpen ko disposable..hahhah. alam m b yun ha? ha? nyahahaha.

  5. Hulyo 2, 2011 nang 7:38 PM

    @glentot: nakabili na ako ng bago... same brand hehehe para naring hindi kami nagkahiwalay... echos ^^

    @kikilabotz: hindi ko alam yun... ngayon alam ko na! hahaha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...