Pasensya na Kung Tinugis at Pinaslang Kita!

9

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Linggo, Hunyo 5, 2011




Ilang minuto na lang at hating-gabi na...
Katawang pagod ay dahan-dahan nang inihiga...

Mga mata ko'y mariing ipinikit...
Ang buong akala'y ligtas na sa pag-iisip...

Subalit nariyan ka na naman. Ikaw at ang iyong alaala. 
Nariyan ka na naman para guluhin ang mapayapa kong gabi. Nariyan ka na naman para guluhin ang aking isipan...

Matagal na akong nangako...

Nangakong hindi na...

Hinding hindi na...

Hinding hindi na ako magpapaapekto sa presensya mo...

Sinikap kong bale-walain ang nararamdaman...
Sinikap kong makatulog...

Ngunit sadyang ikaw ay mapaglaro!

Kasabay ng tik-tak ng orasan na nakasabit sa dingding ay ang 
unti-unting paglakas ng iyong mga mumunting bulong sa sensitibo kong tainga...

Hindi kita maiwasan...
Hindi kita makalimutan...

Siguro nga'y isa ka nang bilanggo sa aking isipan...

Maya-maya pa'y nagsimulang dumampi ang manipis mong katawan sa aking braso...

Ngalingali akong bumangon. Bahagyang nayamot sa sarili...

Bakit ba kasi kita hinahayaang guluhin ang utak ko ng ganito?
Bakit ba hinahayaan kitang mamalagi ng ganito katagal sa mundo ko?

Matagal na kitang pinatay...
Bakit kailangan mo pang magbalik?

Binuksan ko ang ilaw at...

Ayun...

Nakita rin kita...

Wiset kang lamok ka...

Katapusan mo na!!!

PAAAAK!!!





Comments (9)

  1. Hunyo 5, 2011 nang 10:14 PM

    nice one. lamok lang pala :D

  2. Hunyo 5, 2011 nang 11:10 PM

    hahaha anak ng lamok ka...akala ko emong post to..lels lang..cool pang kalokohan din to ah..hehe..i like it

  3. Hunyo 6, 2011 nang 12:41 PM

    may teknik ako sa mga lamok na yan... tinotorture ko muna sila bago ko sila paslangin... naisip ko, isusulat ko ito sa aking blog pag nagkaoras pa ngayong araw hehehe... :D

  4. Hunyo 7, 2011 nang 6:44 PM

    pesteng lamok! :)

  5. Hunyo 8, 2011 nang 2:54 PM

    salamat sa pagbisita at pag-iwan ng komento mga kapatid^^

    @magtiblogz: excited na ko sa teknik na yan... aabangan ko na yung next post mo hahaha

  6. Hunyo 9, 2011 nang 11:36 AM

    potek yan, litaratura para sa lamok.. toroy!

  7. Hunyo 9, 2011 nang 3:34 PM

    hayzzzzzzzzzzzz akala ko kung sino na un pala lamok lang pala!

    wawa naman ung lamok hehehe

  8. Hunyo 12, 2011 nang 3:09 PM

    walastik ka. alam mo bang bawat salita ay inabsorb ko ng husto?? tapos may punchline pala sa dulo. gusto mo ng katol???? haha.

  9. Hulyo 1, 2011 nang 9:40 AM

    @pepe: litaratura talaga?!
    @ka-swak: aminin mo na nagawa mo rin yang ganyan hahaha
    @ka bute: salamat sa pag-absorb sa bawat salita ^^ hindi ko na kailangan ng katol... napaslang ko na sya haha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...