Posted by Whang | Posted in fathers day, teritoryo, whang | Posted on Lunes, Hunyo 20, 2011
hindi lang ako anak ng
nanay ko, anak din ako ng tatay ko...
alam ko na ang sasabihin ng
tatay ko pag nabasa nya to... "Whang late ka na naman!"... lels!
Kung bakit kasi ilang beses
hinarang ng "no internet connection" ang post na 'to...
Eh gusto ko lang naman
sabihin sa Papa ko na...
Pa, kahit pa madalas hindi
mo ako pinapayagang maligo ng dagat kasama ang mga ka-klase ko dati...
Kahit madalas naiinis kami
noon tuwing inuutusan mo kaming tumulong magtanim ng palay, ng kalabasa, ng
pakwan, ng monggo, ng mais at ng kung anu-ano pa sa bukid...
Kahit madalas tayong
magtalo noon, kasi gusto ko Power Rangers, pero nililipat mo ang channel sa
PBA. (Muntikan ko na ngang kamuhian sina Paras, Jawo, at Balingit nun!)...
Kahit pa palagi kang
nagre-request ng action movies pero kapag naka-play na tinutulugan mo naman...
Kahit pa madalas kang
nagyayayang manood ng UFC pero tinutulugan mo kami na niyayaya mo...
Kahit pa madalas mong
binabagsak ang pangalan ko tuwing sinusuway kita...
Nais ko paring magpasalamat
dahil naranasan ko ang hindi naranasan ng marami. (ang magtanim ng palay, ng
kalabasa, ng pakwan, ng monggo, ng mais at ng kung anu-ano pa sa bukid...) Nakaka-miss
rin kaya yun! Yung nagha-harvest kami ng pakwan habang bumabagyo, yung
nagpaparamihan kami ng kapatid ko ng rows na nataniman ng mais. Tapos mauuwi sa
payabangan ang paramihan, tapos sa asaran, hanggang sa batuhan ng kung anu-ano.
Ending, pareho kaming may sermon... ^.^
Nagpapasalamat ako, kahit
hindi ka natutong manood ng Power Rangers (natuto talaga?...lol) kasama naman
kita sa bawat nood ko noon ng "Lupin III"... Yatta!!!
Nagpapasalamat ako dahil
natuto akong manood ng basketball... lels (sabi sayo magcha-champion ang Dallas
ngayong season na to eh!!)
Nagpapasalamat ako sa bawat
patak ng pawis (choooos), sa bawat salita na nagsilbing gabay (oo, pati na yung
pabagsak na pagtawag ng buo kong pangalan!)...
Salamat sa pagsama sakin
umakyat ng bundok mapagbigyan lang ang trip ko... lels
At sorry dahil kahit
madalas mo ako hindi pinayagan, lagi parin akong nakakasama sa mga outing
kasama ang mga ka-klase ko ^.^
Thanks for being the
best.... Proud to be your daughter....
HAPPY FATHER'S DAY PAPA!!!
Mabuhay!!! ^^
(ang magtanim ng palay, ng kalabasa, ng pakwan, ng monggo, ng mais at ng kung anu-ano pa sa bukid...) <<<totoo ka? ang astig mo naman...IDOL na kita..mwah!!
apir tayo sa DALLAS dami kong napanalunan na manok...hhahaha...
Kahit late na, happy father's day sa tatay mo.
o totoo yan, na-miss ko na nga haist! hahaha mas idol kita Ikawna!^^
buti ka pa maraming napanalunan, ako kasi laging walang kapustahan... takte ang boring eh nu? ^^