Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, insane thoughts, tadhana at kapalaran, teritoryo | Posted on Sabado, Hunyo 4, 2011
Sa tiangge...
Whang: (pumasok sa isang
store at tumitingin ng magandang T-shirt)
Tindera: (bumubuntot)
T-shirt Ma'am? Pili na po. May ibang kulay pa po yan. Marami pa po nyan sa loob.
Whang: (may nagustuhang
kulay ng T-shirt. Kinuha ang T-shirt para basahin ang naka-print)
Tindera: Gusto nyo yan
Ma'am? Bibilhin nyo na po? Bilhin nyo na po, bagong labas lang yan. Tyaka
maganda po yan Ma'am, hindi mainit suotin.
Whang: (ibinalik ang
T-shirt sa pinagkuhanan. Hindi nya trip ang linyang naka-print, corny. Akmang
palabas na ng store.)
Tindera: (bumubuntot parin)
Kunin nyo na po yung T-shirt Ma'am, mabenta po yun. Baka sa susunod na balik
nyo wala na kaming ganun.
Whang: (pilit nagpakawala
ng matamis na ngiti) wag nalang po muna.
Tindera: (sumimangot ng
bahagya) Ano po bang gusto nyo Ma'am? Meron pa kaming ibang design dito. Shorts
po, baka gusto nyo. Meron din po kaming pantalon. Ano po bang hanap ninyo Ma'am?
Whang: kapayapaan at
pagkakaisa po!
Comments (0)
Mag-post ng isang Komento