Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, insane thoughts, tadhana at kapalaran, teritoryo | Posted on Linggo, Hunyo 5, 2011
Ilang minuto na lang at
hating-gabi na...
Katawang pagod ay dahan-dahan nang inihiga...
Katawang pagod ay dahan-dahan nang inihiga...
Mga mata ko'y mariing ipinikit...
Ang buong akala'y ligtas na
sa pag-iisip...
Subalit nariyan ka na naman.
Ikaw at ang iyong alaala.
Nariyan ka na naman para
guluhin ang mapayapa kong gabi. Nariyan ka na naman para guluhin ang aking
isipan...
Matagal na akong nangako...
Nangakong hindi na...
Hinding hindi na...
Hinding hindi na ako
magpapaapekto sa presensya mo...
Sinikap
kong bale-walain ang nararamdaman...
Sinikap kong makatulog...
Ngunit sadyang ikaw ay
mapaglaro!
Kasabay ng tik-tak ng orasan
na nakasabit sa dingding ay ang
unti-unting paglakas ng
iyong mga mumunting bulong sa sensitibo kong tainga...
Hindi
kita maiwasan...
Hindi kita makalimutan...
Siguro nga'y isa ka nang
bilanggo sa aking isipan...
Maya-maya pa'y nagsimulang
dumampi ang manipis mong katawan sa aking braso...
Ngalingali akong bumangon.
Bahagyang nayamot sa sarili...
Bakit
ba kasi kita hinahayaang guluhin ang utak ko ng ganito?
Bakit ba hinahayaan kitang
mamalagi ng ganito katagal sa mundo ko?
Matagal
na kitang pinatay...
Bakit kailangan mo pang
magbalik?
Binuksan ko ang ilaw at...
Ayun...
Nakita rin kita...
Wiset kang lamok ka...
Katapusan mo na!!!
PAAAAK!!!
nice one. lamok lang pala :D
hahaha anak ng lamok ka...akala ko emong post to..lels lang..cool pang kalokohan din to ah..hehe..i like it
may teknik ako sa mga lamok na yan... tinotorture ko muna sila bago ko sila paslangin... naisip ko, isusulat ko ito sa aking blog pag nagkaoras pa ngayong araw hehehe... :D
pesteng lamok! :)
salamat sa pagbisita at pag-iwan ng komento mga kapatid^^
@magtiblogz: excited na ko sa teknik na yan... aabangan ko na yung next post mo hahaha
potek yan, litaratura para sa lamok.. toroy!
hayzzzzzzzzzzzz akala ko kung sino na un pala lamok lang pala!
wawa naman ung lamok hehehe
walastik ka. alam mo bang bawat salita ay inabsorb ko ng husto?? tapos may punchline pala sa dulo. gusto mo ng katol???? haha.
@pepe: litaratura talaga?!
@ka-swak: aminin mo na nagawa mo rin yang ganyan hahaha
@ka bute: salamat sa pag-absorb sa bawat salita ^^ hindi ko na kailangan ng katol... napaslang ko na sya haha