read the printed word! Proudly Pinoy!

Si Whang at Si....

3

Posted by Whang | Posted in , , , , , , | Posted on Sabado, Abril 30, 2011




Biyernes iyon at wala yata ako sa sarili habang nakaharap sa computer. 

Iniisip ko kasi, "Shit, kakanta ako mamaya at mga big boss lang naman ang nandoon para manood." Saglit akong pumikit at humugot ng malalim na hininga para maisantabi ang kaba na kagabi ko pa kinaiinisan.

Wala namang nakatingin kaya tinagalan ko na ang pagkakapikit.

"Isa... Hinga... Dalawa... Hinga... Tatlo... Hinga......... Sampo....."

"Bakit po ba kayo kinakabahan ng ganyan? Eh kakanta lang naman kayo di ba?"

hindi ko alam kung anong naging reaksyon ko pero malamang kumunot ang noo ko nang makita ang isang batang lalaki na kampanteng naka-upo sa tabi ko.

payat sya, maputi at sa tantya ko nasa mga anim na taong gulang lang.

noong una akala ko hindi ako ang kausap nya. Pero wala naman kasing ibang tao doon. Isa pa, sa akin sya nakatingin.... Sa akin sya nakangiti...

napangiti narin ako.

"Kasi sentonado ako. Ayoko lang mapahiya," sabi ko.

"Eh sino po ba ang may sabi na sentonado kayo?"

Natigilan ako. Nag-isip.

Wala akong maisagot. Tiningnan ko na lang sa mata ang batang kausap.

Noon ko lang napansin na naka-puting T-shirt lang sya. Kupas na ang suot nyang asul na shorts. Manipis na rin ang suot nyang tsinelas.

Paano kaya sya nakapasok rito? naisip ko.

"Maniwala lang po kayo sa kakayahan ninyo. Ako nga, sa mura kong edad, binibigyan na ako ni Bro ng mabibigat na pagsubok. Pero nakakaya ko dahil iniisip ko na kaya ko."

Natawa ko. Para kasing ako pa ang bata sa aming dalawa.

Kakanta lang naman ako, hindi ako papatay ng tao! Bakit ko nga ba pino-problema yun?

"Bakit boy, narinig mo na ba akong kumanta?"

Nginitian nya ulit ako at diretsong nakatingin sa akin ang bilogan nyang mga mata. Nakaka-inggit talaga ang mga bata... napaka-inosente ng mga ngiti nila...

"Kaya mo yan, ate! Magtiwala ka lang sa sarili mo. At magtiwala ka kay Bro. Hindi ka mapapahiya kapag nagtiwala ka sa kanya. Tandaan nyo po na palagi syang nakikinig at palagi nyang binibigyan ng kasagutan ang mga hiling mo. Kung may mga pagkakataon man na hindi sya sumasagot, iyon ay dahil alam nyang kaya mong lutasin ang pagsubok na binigay nya..."

Ang galing! Pakiramdam ko lumakas ang loob ko dahil sa mga sinabi ng batang kaharap ko.

naisip ko kaagad gumawa ng blog entry tungkol sa misteryosong bata.

Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag saka sinabing, "Ano nga palang pangalan mo boy?"

"Ako po pala si Santino," sagot nya na abot tainga ang ngiti. "Huwag nyo po akong kakalimutan kapag kakanta na kayo ha."

"Whang tapos na ang lunch break, gising na!" anang isang pamilyar na boses sa likuran ko. Ginigising na ako ng ka-opisina ko!

nang matauhan ay napangiti akong di sinasadya.

Takte, napahaba ngang talaga ang pikit ko at naka-idlip na pala ako. At sa pag-idlip ko, naka-usap ko pa si Santino!


042911

0

Posted by Whang | Posted in , , ,


I'm weak
I'm tired
I'm afraid
not excited 
I smiled but with worries 
I laughed, just half happy
I brushed the thoughts out of my head 
Oh that moment I really dread

I wrote a poem
or could it be a song?
could be my sentiments
or a declaration of what's wrong

I'll sing just this once
to the stage with my men
and all eyes will cast a glance
to the "tensed" one amid the "calms"

Oh my dreaded day
so be it! Come what may!
for many nights and many days
let's come forward and battle disgrace! 




So

0

Posted by Whang | Posted in , , , , ,



So you're my angel,
with sparks of blue at the tip of your silver wings
And so you've watched over me
when you think no one else had seen

So you're my guardian
who never failed to offer a hand
And so you led the way
brushing the harm away from me

So you're the warrior
thinking there's so still so much you need to conquer
And so in silence, through time
you knew how defenseless I really am

So you're my writer
your thoughts and dreams written in your piece of paper
And so you wrote me a poem or two
and what I've got is a song for you

So you think I'm sweet
as we walked together on that crowded street
And so I let out a sigh and a gentle smile
waiting to hear more of your little rhymes

So you think you're weak and lame
you think you don't have much fame
And so I made a promise,
hope you'd take it to heaven with your wings
Still I'd hold you despite your shame



Larawan mula kay Google

Langit

0

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Martes, Abril 12, 2011


kasikatan ng araw
mainit na tanghali
nakatingala sa kalangitan
nagsusumamo sa mga ulap
tanggalin na yaring kalungkutan
at hayaang dalhin ng hangin sa kung saan

pawisan sa ilalim ng init ng araw
nanginginig ang mga kamay na makasalanan
nagtatanong kung bakit ganito ang buhay
mayroong suwerte pero madalas ang malas
sa lansangan, marami ang naghihirap
ngunit mayroong ang buhay ay kay sarap

kailan makikita ang langit?
nasaan ang dulo ng paglalakbay?
nasaan ang palasyo ng mga
walang problema?

tikum ang bibig habang lumuluha
walang nakikinig kaya hindi nagsasalita
hinahanap ay kaunting pag-asa
hinahanap ang kakampi sa gitna ng giyera

pikit-matang tumingala sa kalangitan
tahimik na nagtatanong, bakit nga ba ganyan?
kung kailan kailangan ng makakasama
saka nag-iisa!

kailan ba yayakapin ng katahimikan
yaring pagod na kaluluwa't isipan
kailan mararating ang kalangitan?
nang matigil na ang maraming katanungan
na kusang umuusbong mula sa kawalan
bunsod ng natatamasang kalungkutan.






Nang Magsalita Si Kamatayan

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Linggo, Abril 10, 2011


Oh creatures under the sun 
Today, for you I've come
to wash away the suffering 
and take the life of not just one
 

It's now time to leave my chosen ones
 
leave behind your golds
to Earth they belong 
to Earth they shall return
 

leave behind your richness and your wealth
it is now for others to keep
take off the priced robe now
it'll just be a waste that you'll no longer need 

forget about your fame
forget about your shame
for everybody who comes with me,
comes with me with nothing

now is your turn to forget about anything and everything
take off that crystal shoes 
turn your back from your sorrows and woes
 
death has picked you,
come and don't resist

don't mind the short wave of pain
it'll be the last of your sufferings

I am the inevitable,
 
I am imminent
 
I am not the one you must dread
 
don't fear me, just accept me instead!
 

I am a part of every living
 
want it or not 
I am their end!




Umaga na Kaibigan!

0

Posted by Whang | Posted in , , , ,



Umaga na kaibigan 
halina't salubungin ang bagong araw
halina't tahakin ang bagong daan
halina't baguhin ang maling pamamaraan 

araw ay sisikat
hayaang ikaw ay Kanyang makita 
pagkat dala Niya'y bagong umaga
at sa iyo'y bagong pag-asa

tumayo ka kaibigan!
ikaw ay magkusa
sa ganun ay masuklian mo
ang gandang hatid ng umaga

sumulong ka at kalimutan
pangbibintang nila at pang-aakusa
harapin mo ang hamon ng iba
kung saan ika'y mapapabuti
hindi mapapasama

kalimutan mo! O kalimutan mo na!
mga masasakit nilang salita
naisin mong sa isip ay mawaglit
dalamhati, paghihiganti mo at galit

kaibigan, para sayo
ang araway muling pinasikat Niya
nawa'y ang kabutihan Niya ay hindi maaksaya

ngayong umaga magtanim ng kabaitan sa kapwa
nang kabaitan rin ang syang maibubunga




And She Died in the Church

0

Posted by Whang | Posted in , ,



mundane desires, careless thoughts
hurting mind and suffering soul
three hundred and seventy two days and more
of sealing these with silence and remorse

but all hell just broke away
and revealed to heavens the moments of pain
in both cheeks were drops of tears
felt the wound that's not seen
felt the pain but don't know where
don't know how and when to heal

the days of fire still remain
she calls for heaven to hear her prayers
for a while she don't know what to do
so she knelled and raised her hands
as if the answers were on the pew

closing her eyes she's years away
her years of innocence
when she's greatly loved and free
chasing butterflies on every flowers
with exuberant laughs that could go for hours

then the heavens might have heard
for she didn't wake to say a word
but she went away with a smile on her face
for after a long time she was free
free from her torment and disgrace...




三月の雨

3

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Linggo, Marso 13, 2011


it's a Monday night, the rain is pouring

we know each other but we're not speaking

I closed my eyes

and wished you'd say my name

I saw you flash a smile,

what were you thinking?

I know that it's not me

but I hoped that I'm wrong

'coz the thought of you and me

is playing in my mind...


so let all the rain fall down tonight

blurring all the dancing city lights

I looked your way and meet your eyes...


to me it was magic when you held my hand

and my heart skipped a bit when we started to run...


so let all the magic sprinkle on us tonight

capture that moment when you're by my side

I wanna tell you to keep laughing

it warms my heart...


stand under the rain in the middle of the night

clear away my doubts...

wash away the pain...

whisper my name...



Lunes

0

Posted by Whang | Posted in , , , ,


Lunes...
nang tayo'y lumabas...
nagtawanan...
nagkwentuhan...
at nag-unahan sa pagtakbo sa ilalim ng ulan...

Lunes...
nung tayo'y naging magkakaibigan...
magka-kontsaba sa exams...
kumain sa labas...
at nagpakabasa sa ulan...

Lunes...
nung tayo'y parehong nakatayo sa labas ng pasyalan...
tahimik na pinatitila ang ulan...
napangiti ako ng dahan-dahan...
sana'y magtagal itong ating pagkakaibigan...

Lunes...
nang ikaw ay tinitigan...

Lunes...
nang ako'y nangarap...
na sana huwag nang tumila ang ulan!


HAPPY BIRTHDAY!!!
... sa isa ko pang bagong kaibigan!


Hindi Ito Love Story

3

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Linggo, Marso 6, 2011


Hindi ito love story...
malamang hindi ka rin maniniwala...
lalo na kapag sinabi ko na in-love ako ngayon!

Oo in-love ako...
sa isang dalagang taglay ang ganda ng isang dyosang bumaba sa lupa...
sa taong nagmamay-ari ng pinaka-matamis na ngiti na nakita ko...
sa babaeng nagtatago sa pangalang--- Elle

sabi ng Nanay ko, exaggerated lang daw ako...
hindi naman daw ganoon kaganda si Elle!

sabi pa nya, baka natuwa lang daw ako kay Elle dahil first time kong magkaroon ng Engliserang kaklase...

Hay, si Nanay talaga, minsan ang babaw...

transferee kasi sa school namin si Elle. Indonesian sya at kaunti pa lang ang alam nyang Tagalog kaya madalas nag-e-englis sya...

mahaba at tuwid ang buhok nyang hanggang beywang...
katamtaman lang ang tangos ng ilong, hindi singkit pero cute parin ang mata
hindi nagkakalayo ang kulay ng balat namin...

masayahin syang tao...
tuwing nakikita ko sya lagi syang nakangiti...

kaya hindi na ako nagtaka nang mabilis nyang nakapalagayan ng loob ang mga tao sa paligid nya...
hindi na ako nagtaka nang mahulog ang loob ko sa kanya...

nasabi ko na ba na mala-anghel din ang boses nya?
kaya nga sya kaagad ang nakuhang bokalista sa bagong banda ng school namin eh...

mapa-ballad o rock, kaya nyang kantahin--- nalaman ko nang minsang sumama sya sa amin mag-videoke...

tuwing naririnig ko ang boses nya para bang narerelax ako...
lalo na kapag tinatawag na nya ako sa pangalan ko...

"Noel!"

parang ngayon!

Takte nasa likuran ko pala si Elle! napaisip tuloy ako kung gaano na ako katagal na nakatunganga...

nakangiti na naman sya habang iniaabot sa akin ang test papers nya na kanina pa pala pinapapasa ni Maam Sungit sa harapan!

nilingon ko si Elle para kunin yung test papers pero hindi ko sya matingnan sa mata...

Nahihiya ako!

Syeeet! May hiya pala ko! dati kasi tuwing pinapagalitan ako ni Tatay sinasabi nya sa akin na walangya daw ako...

ngayon ko napatunayang mali si Tatay!

pagkapasa ng test papers, tumunog na ang bell para sa luchbreak... nagmadali akong tumayo.

nagtatrabaho kasi si Nanay sa school canteen at tuwing tanghali tinutulungan ko siya. Minsan tagahugas ako ng pinggan, minsan naman, ako ang nagliligpit ng pinagkainan ng ibang estudyante...

nakalabas na ako ng classroom nang tawagin ulit ako ni Elle! Ang swerte ko naman yata ngayong araw!

"Noel you can play guitar, right?" tanong nya habang nakangiti sa akin. Lumabas ang dimples nya sa magkabilang pisngi.

tumango lang ako... Mahirap na... Mahina kasi ako sa English... Baka pag nagsalita ako, lalo lang nya akong hindi maintindihan!

"Great! We need one more guitar player for the band. Gusto mo samahan kita kay Mr. Awit para mag-audition? " masaya nyang turan.

kahit minsan hindi pumasok sa isip ko na sumali sa kahit anong banda. Tama na sakin yung nakakapagtugtog ako ng gitara kung kailan ko lang gusto...

pero iba 'to ngayon... si Elle na ang nagsasabing sumali ako sa banda nila!

Hindi ko napigilang maging masaya. Hindi ko nga alam kung paano ko sya sinagot. Basta ang alam ko umoo ako sa paanyaya nya...

natapos ang araw na hindi nawala sa isip ko si Elle... Ganito pala pag in-love!

Buong gabi rin akong hindi nakatulog... minsan nararamdaman ko nalang na napapangiti na pala ako habang nakahiga sa kama ko...

napatingin ako sa gitara na nasa tabi ko... parang gusto ko yung halikan!

gagalingan ko bukas!--- para kay Elle...

At kapag natanggap na ako sa banda, palagi na akong tutugtog sa school... Tapos makikilala narin ako... Magkakaroon na ng saysay ang paggigitara ko... at... hmmm, baka titilian na rin ako nung mga babaeng nang-busted sa akin dati...

na-excite ako! Hindi ako nakatulog kaya naman ang aga kong dumating sa school kinabukasan.

si Elle kaagad ang nahanap ng mata ko. Nakita ko syang naka-upo sa bench malapit sa puno ng mangga--- ang paborito nyang tambayan...

nakangiti sya habang lumapit sakin...

haaaay, ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mong nakangiti sayo ang babaeng pinapangarap mo...

masaya na sana ang araw ko kung hindi lang dahil sa takteng music professor namin na si Awit...
sabihin ba naman sa akin na hindi daw ako pwede sa banda dahil kailangan daw nila ng may hitsura--- sa ibang salita, yung gwapo... yung pogi...

para narin nyang sinabing ang pangit ko... para narin nyang sinabing sinungaling ang Nanay ko (palagi kasing sinasabi ni Nanay na ang gwapo ko raw)

mabuti nalang at nakumbinsi ni Elle si Awit na magaling daw ako maggitara... Ang ending--- natanggap ako...

Hmm, mali!... Napilitan silang tanggapin ako... Takte!

Ayos lang.. ang importante lagi ko nang makakasama si Elle... yun lang naman dapat ang importante, di ba?

Yun lang dapat!

Pero bakit ganoon? bakit hindi ako masaya? bakit parang hindi na sapat na nandoon at kasama ko si Elle? sa halip na sumaya, bakit ako naging malungkot mula noong napasali ako sa banda nila?

ngayon, kilala na ako sa buong school, tinitilian ng ibang estudyante... pero hindi ako masaya!
kahit pa palagi ko nang kakwentuhan si Elle...
kahit pa nagagawa ko nang ligawan si Elle...
kahit pa nararamdaman ko nang mahal nadin ako ni Elle...

hindi ako masaya dahil hindi ako tanggap ng mga kabanda ko...
dahil hindi ko nararamdaman na kabilang ako sa grupo...
dahil palagi nalang ako ang taya...
dahil kapag mga kabanda ko nalang ang kasama ko, ako na ang utusang si Noel...

kagaya ngayon...
katatapos lang naming tumugtog sa isang school event
heto at ako na naman ang naisipan nilang pagtripan
sampal dito... sampal doon... tadyak... tadyak...

kung bakit pa kasi ako pumayag na sumama sa kanila na mag-inuman sa bahay ng isa naming kabanda...
oo nga pala... pinilit nila akong sumama--- dahil wala silang mapagkakatuwaan kong hindi ako kasama!
heto tuloy at kinakaawaan ko na naman ang sarili ko dahil sa kalupitan nila sa akin.

mabuti na lang at wala dito si Elle. Hindi nya makikita ang kaduwagan ko

nakakainis! bakit hindi ko magawang lumaban?

pero huli na to... hindi na nila ako mahahawakan pa... hindi na nila ako masasaktan pa... hindi na nila ako maipapahiya...

dahil tinapos ko na ang lahat!

napatingin ako sa langit habang pinupunasan ang namumuong pawis sa noo ko.

napapikit ako habang nakatingala sa buwan at mga bituin --- ang mga saksi ng ginawa ko ngayong gabi...

napabuntong-hininga ako matapos kong tingnan ang isang kabanda kong si Tisoy na duguang nakahandusay sa semento...

"Noel, pare, alam kong nasaktan ka namin pero patawarin mo na kami..." iyon ang mga huling kataga nya. Nagmamakaawa sya sa akin!

katabi ni Tisoy ang duguan ding sina Toy at si Boy Mura at si Tikboy...
Lahat sila duguan...
lahat sila wala nang malay...
lahat sila wala nang buhay!!!

Pinatay ko sila!

at ang tanging saksi ay ang mga tala sa langit!

at......

si Elle!
nagulat ako nang makita ko ang nahihintakutan at namumutlang si Elle!
nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin, pagkatapos ay sa mga duguang katawan ng mga kaibigan nya sa semento...

mabilis na namuo ang luha sa mga mata nya at automatikong tinakpan ng mga kamay nya ang kanyang bibig...

walang salitang nagmamadali syang tumakbo palayo sa akin...

hindi maaari!

ayokong kamuhian ng babaeng pinakamamahal ko... Ayoko!

mahal ko si Elle.... mahal ko sya...

pero ayoko ng testigo sa ginawa ko...

Ano ang gagawin ko?

saglit kong ipikit ang aking mga mata at nag-isip...

pagkatapos ay napatingin ako sa direksyon kung saan papunta si Elle...

DISCLAIMER:

ang lahat ng ito ay pawang bunga lamang ng malikot na isipan ng may-akda... ^^
sabi ko na hindi ito love story di ba?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...