read the printed word! Proudly Pinoy!

Sana

8

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Huwebes, Setyembre 22, 2011


Sana’y naging manghuhula ka nalang
nang madali mong matukoy
aking nararamdaman.

Sana’y naging lapis ka nalang
nang madaling mabura
mga iniwan mong alaala.

Sana’y naging lobo ka nalang
na madaling palitan
sa oras na mabitawan.

Sana’y naging politiko ka nalang
nang sa ganu’y mas madaling isipin
na ang sinasabi mo sa akin ay
pawang kasinungalingan.

Sana’y naging ulap ka nalang
na kahit malayo’y
nakikita ko parin naman.

Oo’t mas maganda
kung sana’y ganun nalang…

Subalit ikaw ay isang bituin.
Simbolo ng pangarap
na kay hirap abutin.


Comments (8)

  1. Setyembre 22, 2011 nang 4:47 PM

    sana ako ang bituin na yun :) hahaha joke lamang...

    pumopoem palagi ah.. ayos :)))

    magandang araw po

  2. Setyembre 22, 2011 nang 8:39 PM

    oh kay gandang tula..relate much!
    -thanks sa pagdaan sa blog koh! ;)

  3. Setyembre 23, 2011 nang 9:37 AM

    ang swerte naman ng bituin na yan. :D

  4. Setyembre 23, 2011 nang 10:00 AM

    sana ako nalang yung bituin na hindi mo na kailangang abutin...dahil kusa na akong mahuhulog para sayo...^^ Napadaan lang...

  5. Setyembre 24, 2011 nang 4:24 AM

    nice. pumi-pick up line ah. hehe...

  6. Setyembre 27, 2011 nang 6:07 PM

    paumanhin hindi ako bituin..

    ako ang buwan sa madilim mong gabi.. ang ngiti sa badtrip mong araw..
    ang tuwa sa malungkot mong diwa..
    ang anino sa likod ng ilaw...

    at kung malayo man ako sa iyong paningin..
    pumikit ka lang at presensya ko'y iyong damhin..

    may masabi lang..=)

  7. Setyembre 28, 2011 nang 10:29 PM

    ang ganda ng pagkakasulat mo....galing....sulat ka pa madami..

  8. Oktubre 22, 2011 nang 7:17 PM

    tagos na tagos. wagas! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...