read the printed word! Proudly Pinoy!

Binong Is Da Man

5

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Martes, Mayo 31, 2011



Iba talaga ang moment na hatid ng ulan. Habang bumubuhos kasi ang malakas na ulan, nanunumbalik ang samu't saring alaala na ilang taon na ring tahimik na nahimlay sa memorya ni Whang... (haist, emo talaga!... ^^)

Kusang nagbalik ang isipan nya sa pinapasukang unibersidad pitong taon ang nakaraan.

Mag-isa syang napangiti. Naalala nya kasi sina Binong, Beheng, Tao, at Mami --- mga ka-tropa nya noong college. Naalala nya yung mga panahong hindi pa sila mga enhinyero at hindi pa Whang si Whang.

Nagpaparamihan pa sila ng INC at 4.00 noon. Yung singko pilit at palagi nilang iniiwasan pero may mga pagkakataon talaga na hindi sila nakaka-ilag...

Si Binong lang ang laging pasado. Palibhasa ipinanganak nang may calculator at T-square sa magkabilang kamay... lol. Sya yung tipong kahit saan mo ilagay, nangunguna. Mapa-advanced math, engineering drawing, PLC programming, memorazation ng dates at events sa history, maging sa inuman!... lahat na!

Noong minsan hindi alam ni Whang kung bumilib sya o nainggit lang kay Binong. Yun kasing equation na buong gabi nyang sinubukang sagutan, na-solve kaagad nito ng wala pang tatlumpong minuto. Bangis!

Kaya hindi nya naiwasang mangarap na sana (kahit konti lang...) maging kasing-utak naman sya ni Binong para magkaroon naman ng saysay yung pagputol sa puno na ginawang papel na pinag-print-an ng grades nya! Whew!

Mabuti nalang hindi mayabang si Binong sa kabila ng katalinuhan. Higit sa lahat, mabuti nalang at hindi sya madamot. Nagpapa-kopya kasi sya. Pero hindi sya basta nagpapa-kopya dahil pinapaintindi nya sa kumukopya yung kino-kopya nila. Minsan nga mas natututo pa sina Whang sa kanya kaysa sa mismong guro... Peace! ^^

Napabuntong-hininga si Whang. Pansamantalang naputol ang pag-e-emote nya. Hindi sinasadyang napasilip sya sa bintana. Ambon na lang ang kanina'y malakas na ulan. Malalim narin pala ang gabi. Kaya pala nakakaramdam na sya ng antok. Sumunod ay natagpuan na lamang nya ang sarili na dinadala ng sariling paa papunta sa kwarto nya.

Oo nga pala, may isang linya si Binong noon na tuluyan nang nanirahan sa utak ni Whang hanggang sa naka-graduate sila...

"Wag kayong magmadali. Pag nagmadali kayo, mabilis nyo lang din makakalimutan yung natutunan nyo. Ang labas parang wala ka naring natutunan."

O di ba wagas? ^0^



P.S. Hindi po ito tribute para kay Binong. Buhay pa po si Binong at kasalukuyang umuunlad... lol






Comments (5)

  1. Mayo 31, 2011 nang 10:38 PM

    Sorry naman akala ko sa ending....masaklap ang inabot ni binong...hahahha..may mga tao talagang sadyang kulay violet ang utak..ganun din ang best friend ko...

  2. Hunyo 1, 2011 nang 1:29 AM

    na alala ko tuloy yung mga singko ko nung nag aaral pa ako. :)) EE ka po ba? :D

  3. Hunyo 1, 2011 nang 2:30 AM

    si binong ay isang diyos..

    hehe..

    mabuhay!!!

  4. Hunyo 1, 2011 nang 8:46 AM

    @akoni: lol... matagal ko na kasing hindi nakikita yung si Binong. Bigla ko lang talaga sya naalala.
    Sana violet narin utak ko.. lol

    @vin: Instrumentation and control engineer po ako.

    @mangpilo: wag naman... tama nang sya ang Da man... ^^

  5. Hunyo 1, 2011 nang 12:47 PM

    meron din ako kilala ganyan , ang kaibahan ang damot nung taong yun, college na at lahat nakatakip pa rin ang testpaper :D tama ka iba yang si Binong mo!! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...