Posted by Whang | Posted in hiking, Mt. Gulugod Baboy, teritoryo, trip | Posted on Miyerkules, Mayo 25, 2011
"SAAB"... yan ang
napagkasunduan naming ipangalan sa team namin bago umakyat ng Gulugod
Baboy. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang napili (brand name kasi yun
ng Radar)... lol... Siguro tinamad lang talaga kaming mag-isip kaya Saab nalang
--- madali nang tandaan, mukang maganda pang pakinggan.
Sabagay, wala naman yun sa
pangalan. Ang importante na-enjoy namin ang pag-akyat at narating namin ang
tatlong peak. Yeahba ^^
525 meters above sea level
ang Gulugod Baboy. Tamang-tama para sa mga baguhang tulad namin. Hindi naman
kasi talaga kami mountaineers! Sadyang magagala lang. Magagala na naghahanap ng
magandang galaan matapos ang ilang buwang pakikipagtitigan kay computer at
pakikipag-tuos kay DeltaV sa loob ng opisina.
Ilang araw at gabi rin akong
na-excite nun bago natuloy ang akyat. Matagal-tagal rin kasi naming pinlano yun
dahil iniiwasan namin ang ulan. Pero dahil napaka-unpredictable na ni Mother
Nature, hindi rin kami tuluyang nakaligtas sa ulan. Sabi nga ni kaibigang Vin dahil daw yun sa nauusong
Global Warming. ^^
Maganda naman ang panahon
nung simulan namin ang hike. Mainit, asul ang langit na halos walang ulap. Sa
kabila ng paghahabol ng hininga nagawa parin naman naming kumanta, magtawanan,
magbiruan, at maligaw! Wala daw kasi masyadong dumadaan doon sa trail na
sinusundan namin kaya medyo burado na sya.
Halos isang oras pa kaming naglakad at gumawa ng sariling daanan
sa gitna ng mga talahib. Isa -isa kong tiningnan at pinakiramdaman ang mga
kasama ko.
Si Dudung na kanina panay ang pagpapatawa, biglang nagseryoso at
nanguna sa lakaran. Napansin ko na bumibilis ang lakad ni tukmol. Halatang ayaw
maabutan ng dilim!
Si Gertz naman tahimik lang na nakasunod kay Dudung. Hindi sya
nagsasalita, parang ang lalim ng iniisip! Sinubukan kong hulaan ang iniisip nya
pero hindi ko nagawa... lol
Sa likuran ko naman ay ang reporter namin na si Panops.
Hinihingal narin sya at tagaktak na ang pawis sa mukha. Kanina bini-video nya
ang mahaba naming paglalakbay, pero nang lingunin ko sya hindi na nya hawak ang
camera. Malamang nangalay na si tukmol.
Kasunod naman ni Panops si Ka Ghogie. Mukhang nag-e-enjoy si
loko. Hindi nya alintana na naliligaw kami at mukhang nababasa ko ang sinisigaw
ng utak nya. "PASSION! ITO ANG PASSION KO!!!"... lol... Sabagay hindi
ko sya masisisi. Yung pagkaligaw kasi ay isa sa mga exciting na nangyari sa
grupo.
Kasunod ni Ka Ghogie si Master Von. Gaya ni Panops ito daw ang
unang beses na aakyat sya ng bundok. Hinihingal narin sya pero hindi
nagrereklamo. At sa aming lahat, itong si Master Von lang ang may kakayahang
magtext habang naglalakad paakyat ng bundok. Lufeet!
Higit dalawang oras na kaming naglalakad nun. Hindi ko alam kung
gaano pa kalayo ang lalakarin namin. Basta ang alam ko, kailangan na naming
magmadali bago pa kami tuluyang maabutan ng dilim.
Sa di malamang kadahilanan bigla kong naalala yung lolo na
pinagtanungan namin ng direksyon nang magsimula kaming umakyat.
"Lo, san po ba ang daan papuntang Gulugod Baboy?"
magalang na tanong ni Master Von sa matandang tahimik na nakaupo sa upuang
kawayan.
"Nak-ow kalayo! Anim na kilometro pa ang lalakarin ninyo
Utoy!"
Napangiti at napapa iling nalang ako sa naalala. Kasi naman....
malayo nga!
Tatlumpong minuto pa bago
namin narating ang base camp at nakapag set up ng tent. Kaunti na lang ang
nalalabing liwanag sa paligid.
Tatlumpong minuto ulit ang
nagdaan bago tuluyang bumuhos ang napakalas na ulan. Sinabayan pa nina kulog at
kidlat. Tila nagpapagalingan at nagpapalakasan pa ang tatlo kaya mabilis na
napasok ng tubig ang mga tent namin. Nasubok pa tuloy ang husay namin sa
paglilimas!... lol. Dahil narin dun kaya kumita sa amin ang katagang
"papiga".
Heto pa ang isang
hindi malilimutang experience--- yung moment na binalot ng ulap ang paligid.
Yay! Nagtalo-talo pa kami kung ulap nga yun o fog lang. Sa huli nagkasundo rin
kaming lahat na ulap nga yun.. lol
Heto naman ang
tumambad sa amin sa ikalawang araw ng aming pagliliwaliw ^^... Ito ay kuha mula
sa pangalawa at pinakamataas sa tatlong peak ng Gulugod Baboy. Priceless ang
view ng sunrise na mukhang sunset ^^
Ito naman ay kuha
mula sa pinakamababa sa tatlong peak. Dito nakipag-yakapan sa ulap si Dudung at
lima pa nyang kasama... lol...
Hindi naman namin
intensyon na gayahin ang logo ng "band of brothers". Gusto lang
naming kunan ang sarili namin katabi nung puno, at ito ang kinalabasan... ^^
Ang paglalakbay pabalik sa tent. Kuha ni Dudung ^^... Wala na kaming paki-alam sa piktyuran dito habang naglalakad. Pero dahil passion daw ni Dudung yung photography kaya kami nagkaroon ng ganitong pic. ^^
Natatandaan ko isang linggo bago kami umakyat sabi ko gusto kong
makita yung 3D version ng Naruto. Hindi ko inakala na sa Gulugod Baboy ko lang
pala matutunghayan ang labanan nina Naruto at Mojo Jojo... lol..
Ito ang naging
eksena nang ipinagtanggol ni AstroBoy si Mojo ^^... Hanep!
Bago umuwi
nakahirit pa ng piktyur. Nakakapanghinayang kasing umuwi nang wala man lang pic
ng summit ^^ . At last kompleto na kaming anim! Salamat sa tripod ni Ka Ghogie.
Nakakapagod, nakakatuwa,
nakaka-buhay, nakaka-excite. Masarap matulog sa bahay tuwing weekends. Pero
masaya din namang magpakapagod minsan sa labas. ^^
Experience lang.
Mabuhay!!!
huwaw!!! sana nagyaya ka! hehe.
Gusto ko rin diyan. (nainggit)
pangako ko sa sarili ko bago ako mamatay aakyat ako sa bundok... :)
@pepe: ako gusto ko yung minalungao mo... lol (nainggit din)
@magtiblogz: sama mo kami sa akyat mo ha... :)