read the printed word! Proudly Pinoy!

Welcome 2012

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Linggo, Enero 1, 2012


Bagong taon na!

Bagong taon bagong trip, yay! Pero bago ang lahat, pasasalamatan ko muna ang masaya, maingay, maswerte, minsan malungkot, madalas nakakatuwa na taon ng 2011...

Salamat sa mga bagong kaibigan, katsismisan, ka-hobby,  karamay, kaaway, kabati, hindi kabati, higit sa lahat sa mga bagong magugulo kong kateretoryo. 

Mabuhay!!!

Sa dami ng nangyari sa buhay ko noong nakaraang taon hindi ko na alam kung alin-alin ang uunahing ikwento at ibahagi kaya naman naisipan kong gamitin ulit ang ninja technique na natutunan ko lang late last year --- ang “Random Technique”… lels… Syempre pinapasalamatan ko ang lahat ng naging bahagi ng kwento ng buhay ko noong nakaraang taon pati noong mga taon bago ang nakaraang taon.


Pinagpapasalamat ko lahat ng magaganda, hindi magaganda, malulungkot at masasayang alaala noong nakaraang taon tulad ng mga ito:

January: Isang tawag mula sa HR. Pumasa daw ako sa unang interview. Binigyan ako ng schedule para sa susunod na interview (yung matindihan daw). Sa buwan din na ‘to  ako nagsimulang manirahan sa boarding houses. Syempre kailangan hindi ma-late.

February: Pumasa sa matindihang interview. Start na ng cadetship. Ito yung phase kung saan hindi ka pa regular at hindi rin probationary. Masaya. First job… yatta!

March: Unang sahod ,mula sa unang first job. Syempre Masaya ulit. Idagdag pa natin ang mga bagong friends sa FB… lels

April: Natupad ang pangarap ko noong college. Ang makaakyat ng astigin na bundok at mag-ala-mountaineer. Dati na akong umaakyat ng bundok sa probinsya pero mababang bundok lang kaya sobra ang excitement ko noong naakyat ko ang Mt. Pico de Loro kasama sina B1 at dalawa pang kasamahan. Bukod doon, naranasan kong manalo sa isang palaro (for the first time since birth… lels). Nanalo kami sa pa-pinoy-henyo noong anibersaryo ng kompanyang pinapasukan ko. Yung napanalunan, ipinanood namin ng sine (Thor).

May: Nagtuloy-tuloy ang excitement kaya umakyat ulit kami ni B1 ng bundok. Mt. Gulugod Baboy sa Mabini Batangas. Mga bagong kaibigan ang kasama. Kahit muntik na kaming abutin ng dilim habang naliligaw, masaya parin.

June: Promoted. Probationary position. Sabi ng free dictionary sa internet ang probationary stage dawis a process or period in which a person’s fitness, as for work or membership in a social group, is tested”… Hmmm.

July: Ito ang simula ng pag-ganti... sa kabutihan ng aking mga magulang.

August: Tuloy ang akyat sa Mt. Maculot. Bumabagyo pa nung time na yun. Rock ‘n Roll padin  dahil determinado gumala yung mga kasama ko. Tatlo lang kaming umakyat nun at wala pang ni isa sa amin ang may alam ng trail. Apat beses muntik maligaw. Isa noong paakyat ng campsite at yung iba pa noong pababa na mula sa summit (doon sa parteng matalahib). Dahil nga sa bagyo kaunti lang ang umakyat nung araw na yun, lima lang kaming nasa campsite. Nabali pa ang pole ng tent namin pero masaya padin.

September: Whang turned 24. Whew, salamat sa buhay. Salamat sa mga bumati at hindi bumati.

October: Heto na. Binigyan ako ng Panginoon ng boypren.

November: May promo ang Air Philippines. Mura lang ang pamasahe pauwi ng probinsya. Syempre bumili ako ng ticket para makauwi sa Pasko at Bagong Taon.

December: Regular Employee na ako. Yey! Pero sabi ng nakakataas hindi daw ako pwedeng umuwi ng probinsya kahit wala naman akong ginagawa na sa opisina kundi maglaro ng Ninja Saga. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pwedeng umuwi. Yun kasing “nakatataas” na nagbawal sa akin ay malaya namang lumipad pauwi sa probinsya nya. Hmmm… power trip? Nakakalungkot. Mabuti nalang may Binggo at perya gabi-gabi sa munisipyo ng Mandaluyong, kahit papano naibsan ng foodtrip ang lungkot. Para naman dun sa “nakakataas” sana masaya ka. Hinding-hindi kita makakalimutan, maraming salamat. Napalampas ko na po ang kababawan  ninyo...lol. Sa kabila ng lahat masaya parin ang Pasko, yay!

Salubungin natin ang bagong taon na may ngiti sa labi folks^^


MALIGAYANG BAGONG TAON SA LAHAT  NG DRAGON... AT SA MGA HINDI DRAGON ^^






Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...