Posted by Whang | Posted in bookstore, ginulo ko, sulat, trip, whang | Posted on Biyernes, Hulyo 8, 2011
Noong nakaraang bwan lang nagbago ang tingin ko sa National Bookstore. Dati kasi pag binanggit mo sakin ang katagang “National Bookstore” ang pumapasok sa isip ko ay libro na may price. Hindi ko inasahan na pwede rin pala itong magsilbing post office kapag trip mong magparating ng liham sa isang tao…
Paano gawin?
Ganito ang ginawa ng kaibigan kong henyo noong minsang wala syang magawa…
Step 1 : syempre gumawa ka muna ng liham
Step 2 : Pumasok sa bookstore at maghanap ng shelf na bihirang puntahan ng tao.
Step 3 : Pumili ng librong bihirang basahin ng tao. (Yung pinili ng kaibigan ko ay isang makapal na kulay pulang Law Book… lol)
Step 4 : kung isiniksik mo ang sulat mo sa libro, tandaan mo ang pahina. Tandaan mo narin ang branch ng bookstore na pinuntahan mo.
Step 5 : I-text agad yung taong pinadalhan mo nung sulat. Ibigay ang exact location kung saan nakatago yung sulat mo para makuha na nya bago pa sya maunahan ng iba.
Alam ko medyo popcorn pero na-enjoy ko kasi ang trip na to… lol. Tuwing nakakakita ako gn bookstore naaalala ko ‘to.
Tanong : nakuha ko ba ang sulat na pinadala sakin gamit ang trip na ‘to?
Hmm... Wink... Pabitin effect !^0^
maganda ngang pang surprised yun ^_^
naman! eh paano kung kasing laki ng bookstore kaya dito mahanap kaya nya yung sulat?! hahaha