Kathang (Malikot Na) Isip

4

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Lunes, Hulyo 4, 2011



kathang-isip lang ba?


kathang-isip nga lang yata...


iyung araw na nakita at nakilala ka

iyung mga oras na kausap at kakwentuhan ka

pati matatamis mong ngiti at malakas na tawa...

kathang-isip nga lang kaya?

kathang-isip lang ba?

ang bawat nguya habang kasabay kang kumain sa iisang mesa...

ang boses mong kay sarap sa pandinig...

ang bawat minutong sa akin ka lang nakatitig...

kathang-isip nga lang ba na tayo'y pinagtagpo ng tadhana...

ang bawat salita habang alay mo ay isang awitin...

eh iyung mga katagang "mahal kita?"

kathang-isip lang din ba?

ang mga oras na hawak mo ang aking kamay...

yung mga gabing naglakad tayo ng sabay...

yung pagmamahal an iyung ipinadama...

yung pagsagot ko sayo ng "oo" powtek ka!

kathang-isip lang din kaya?

Oo... Hindi... Sa pula... Sa puti...

naging kathang-isip ang lahat nang bigla kang nawala...

ang bawat patak ng luha...

ang bawat lungkot at pangungulila...

so, kathang-isip lang ba?

kathang-isip lang di ba?

kathang-isip nga lang yata...

kathang-isip lang pala!

mabuti nalang at kathang-isip ka lang ngang talaga!


(ume-emote lang Lunes kasi!) ^_^

Mabuhay!!!








Comments (4)

  1. Hulyo 4, 2011 nang 1:44 PM

    siguro may pinagnanasaan ka... joke :D

  2. Hulyo 4, 2011 nang 3:12 PM

    nyak hahaha umaakting lang naman! ^^

  3. Hulyo 5, 2011 nang 1:00 AM

    Hahah! Ang ganda ng effect ng repetition ng line na "Kathang isip lang ba?" Keep on writing. :D

  4. Hulyo 5, 2011 nang 4:24 PM

    sagutin ko muna tanong mo..

    sa tacloban ako! hehehe!

    mamaya read mode ako dito ok! opis pa!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...