"You may lose your faith in us, but never in yourselves."
--Optimus Prime--
Isang mabilis lang ito. Isa kasi ako sa mga tinamaan ng 'Transformers 3: Dark of the Moon' fever na tumama sa bansa noong Lunes. (sino bang hindi?)... Trending ito ngayon sa FB, sa Twitter, maging sa mga Blogs (as if naman hindi ninyo alam!)... lol
Ano bang meron sa TF3 at mukhang inaabangan siya ng marami?
Halos ganun parin naman. May naglalakihang robots (syempre!).... May naggagandahang kotse (aba syempre ulit!)... At pag may naggagandahang kotse syempre hindi mawawala ang isang maganda-matangkad-mala-supermodel na chick! (pre-requisite na yan!)...Wala nang Megan Fox pero ayos parin yung movie...
Dito may bago na namang pinag-aagawan ang mga Autobots at Decepticons (hindi yung hot chick ha at hindi rin ako...lol)... Basta bago. Hindi ko na ide-detalye kung ano-ano pang mga nangyari... basta sa huli, may labanan ^_^
Mahaba-haba din ang naging adventure ni Sam Witwicky sa TF3 dahil two-hours-and-forty-minutes din ang itinagal ng movie. Sulit na sulit ito mga brad... ^^
Hindi ko lang naiwasan na maalala ang Erpat ko habang nanonood. Naalala ko yung panakot nya sa amin noong bata pa kami. Kapag gabi na at nakikita pa nya kaming naglalaro sa labas ng bahay madalas nyang sinasabi...
"Pumasok na kayo rito. Nakikita nyo yang itim sa gitna ng bwan? Robot yan na nangunguha ng bata sa gabi!" (haist, tama na nga ang reminisce...)
Sa kabuuan, dahil sa magandang effects, astig na soundtrack (kasama dito ang paborito kong bandang Skillet), kontinng drama, konting twist, historical na labanan, at sa butt scene in 3D (para kay Gibo ito!...lol), bibigyan ko ang TF3 ng 9.5... Bakit hindi 10?... May problema ka sa 9.5?... Biro lang, saka na natin pag-usapan ang perfect 10 kapag kasama na sa cast si Whang... O nahahalata mo na na lokohan na ito!
Tama na kasi ang basa. Manood ka na... ^_^
Enjoy!!!
Nasaan ang .5? pagdating sa mga effect2x chuk chak chenes, paborito ko yan..:D
ano kaya pinag-aagawan ng deceptibots? ehehehe. magandang panoorin ang transformers. :D
i tenk u:D
hi..taga hilongos leyte ka..taga leyte liwat ako..ha robinson tacloban ka ba nagkita transformers o ha ormoc..email me naman arvin9595@yahoo.com
can we text..
hehe, kelangan ko ata mag-ipon ulit ng matinding inspirasyon para manuod nito.
read my Xmen article kung bakit. hehe
@akoni: there's always room for imrovement kasi hahaha
@khantotantra: first time kong gumawa ng movie review.. naenganyo ako sa mga pinaggagagawa mo sa blog mo eh ^^
@arvin: nai-link narin po kita ^^.. yep taga-hilongos ko pero dito ako ngayon sa manila... sa pinakamalapit na rob ko sya napanood ^^
@pepe: sometimes it's with the buddies na kasama mong manood... sayang napalampas ko kasi yung xmen hehehe