Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, friendship, maikling kwento, tadhana at kapalaran, teritoryo | Posted on Martes, Mayo 31, 2011
Iba talaga ang moment na hatid ng ulan. Habang bumubuhos kasi ang
malakas na ulan, nanunumbalik ang samu't saring alaala na ilang taon na ring
tahimik na nahimlay sa memorya ni Whang... (haist, emo talaga!... ^^)
Kusang nagbalik ang isipan nya sa pinapasukang unibersidad pitong
taon ang nakaraan.
Mag-isa syang napangiti. Naalala nya kasi sina Binong, Beheng, Tao,
at Mami --- mga ka-tropa nya noong college. Naalala nya yung mga panahong hindi
pa sila mga enhinyero at hindi pa Whang si Whang.
Nagpaparamihan pa sila ng INC at 4.00 noon. Yung singko pilit at
palagi nilang iniiwasan pero may mga pagkakataon talaga na hindi sila
nakaka-ilag...
Si Binong lang ang laging pasado. Palibhasa ipinanganak nang may
calculator at T-square sa magkabilang kamay... lol. Sya yung tipong kahit saan
mo ilagay, nangunguna. Mapa-advanced math, engineering drawing, PLC
programming, memorazation ng dates at events sa history, maging sa inuman!...
lahat na!
Noong minsan hindi alam ni Whang kung bumilib sya o nainggit lang
kay Binong. Yun kasing equation na buong gabi nyang sinubukang sagutan,
na-solve kaagad nito ng wala pang tatlumpong minuto. Bangis!
Kaya hindi nya naiwasang mangarap na sana (kahit konti lang...)
maging kasing-utak naman sya ni Binong para magkaroon naman ng saysay yung
pagputol sa puno na ginawang papel na pinag-print-an ng grades nya! Whew!
Mabuti nalang hindi mayabang si Binong sa kabila ng katalinuhan.
Higit sa lahat, mabuti nalang at hindi sya madamot. Nagpapa-kopya kasi sya.
Pero hindi sya basta nagpapa-kopya dahil pinapaintindi nya sa kumukopya yung
kino-kopya nila. Minsan nga mas natututo pa sina Whang sa kanya kaysa sa
mismong guro... Peace! ^^
Napabuntong-hininga si Whang. Pansamantalang naputol ang
pag-e-emote nya. Hindi sinasadyang napasilip sya sa bintana. Ambon na lang ang
kanina'y malakas na ulan. Malalim narin pala ang gabi. Kaya pala nakakaramdam
na sya ng antok. Sumunod ay natagpuan na lamang nya ang sarili na dinadala ng
sariling paa papunta sa kwarto nya.
Oo nga pala, may isang linya si Binong noon na tuluyan nang
nanirahan sa utak ni Whang hanggang sa naka-graduate sila...
"Wag kayong magmadali. Pag nagmadali kayo, mabilis nyo lang
din makakalimutan yung natutunan nyo. Ang labas parang wala ka naring natutunan."
O di ba wagas? ^0^