Palimos ng Syete Pesos

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , | Posted on Lunes, Marso 22, 2010

ako'y may kaibigan
hindi ko na papangalanan
ang hilig nyang magpa-rebond
ngayo'y limos ang kailangan!

"Palimos! Palimos!
para nyo nang awa
gusto ko nang umuwi
pabalik sa mahal kong asawa!"

ako'y shock sa kanyang mga sinabi
ito ba ay totoo?
ito ba ay tunay na nangyayari?
kaibigan kong maraming pangpa-rebond
ngayo'y nagsusumamo para mapagbigyan.

"Palimos! Palimos!
palimos ng syete pesos!
ipamamasahe ko sa tricycle
kung pagbibigyan mo'y ikaliligaya kong lubos."

nakakainis, nakakairita
hindi ko napigilang pagsabihan sya

"kaibigan huwag kang mag-alala
syete pesos na kulang ay pupunuan ko na
subalit sana sa susunod na ikaw ay may luho
isipin mo muna ang iyong bulsa.'

kilay nya'y tumaas!
sya ay nameywang at sumigaw " HOY WHANG!"

"kasalanan ko ba
kung sa wallet ko'y walang baryang nakakapa?
kung sa wallet ko'y pawang malulutong na isang libo lamang
ang iyong makikita?"








Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...