Kunwari

1

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Miyerkules, Marso 24, 2010

kunwari ga-graduate ka na
kunwari wala nang problema
kunwari hawak mo na diploma mo
kunwari isa ka nang ganap na inhenyero

kunwari di ka nahirapang maghanap ng trabaho
kunwari malaki na kinikita mo
kunwari napapag-aral mo na lahat ng kamag-anakan mo
kunwari hindi mo na problema ang pera!

kunwari sikat ka
kunwari in demand ka sa mga projects
kunwari mayaman ka na
kunwari boss kana

kunwari di ka na nagdi-dyip
kunwari may sarili kang sasakyan
kunwari hindi ka na nangungupahan
kunwari may sarili ka nang tahanan

kunwari!
kunwari lang naman
masaya na sana...
kunwari lang pala

balik tayo sa kasalukuyan...
tingnan mo ang orasan

kunwari maaga pa
kunwari mabilis ka kumilos
kumwari nakaligo ka na
kunwari hindi ka ma-le-late

kunwari lusot na
kaso kunwari lang pala

(para sa lahat ng mapag-kunwari... mabuhay!)







Comments (1)

  1. Hunyo 25, 2010 nang 6:38 PM

    nice one. kunwari hindi ko nagustuhan. kunyari lang naman.
    I like it!
    hahahaha.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...