read the printed word! Proudly Pinoy!

You've Got Mail

2

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Biyernes, Hulyo 8, 2011

Noong nakaraang bwan lang nagbago ang tingin ko sa National Bookstore. Dati kasi pag binanggit mo sakin ang katagang “National Bookstore” ang pumapasok sa isip ko ay libro na may price. Hindi ko inasahan na pwede rin pala itong magsilbing post office kapag trip mong magparating ng liham sa isang tao…

Paano gawin?

Ganito ang ginawa ng kaibigan kong henyo noong minsang wala syang magawa…

Step 1 : syempre gumawa ka muna ng liham

Step 2 : Pumasok sa bookstore at maghanap ng shelf na bihirang puntahan ng tao.

Step 3 : Pumili ng librong bihirang basahin ng tao. (Yung pinili ng kaibigan ko ay isang makapal na kulay pulang Law Book… lol)

Step 4 : kung isiniksik mo ang sulat mo sa libro, tandaan mo ang pahina. Tandaan mo narin ang branch ng bookstore na pinuntahan mo.

Step 5 : I-text agad yung taong pinadalhan mo nung sulat. Ibigay ang exact location kung saan nakatago yung sulat mo para makuha na nya bago pa sya maunahan ng iba.

Alam ko medyo popcorn pero na-enjoy ko kasi ang trip na to… lol. Tuwing nakakakita ako gn bookstore naaalala ko ‘to.

Tanong : nakuha ko ba ang sulat na pinadala sakin gamit ang trip na ‘to?

Hmm... Wink... Pabitin effect !^0^





Kathang (Malikot Na) Isip

4

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Lunes, Hulyo 4, 2011



kathang-isip lang ba?


kathang-isip nga lang yata...


iyung araw na nakita at nakilala ka

iyung mga oras na kausap at kakwentuhan ka

pati matatamis mong ngiti at malakas na tawa...

kathang-isip nga lang kaya?

kathang-isip lang ba?

ang bawat nguya habang kasabay kang kumain sa iisang mesa...

ang boses mong kay sarap sa pandinig...

ang bawat minutong sa akin ka lang nakatitig...

kathang-isip nga lang ba na tayo'y pinagtagpo ng tadhana...

ang bawat salita habang alay mo ay isang awitin...

eh iyung mga katagang "mahal kita?"

kathang-isip lang din ba?

ang mga oras na hawak mo ang aking kamay...

yung mga gabing naglakad tayo ng sabay...

yung pagmamahal an iyung ipinadama...

yung pagsagot ko sayo ng "oo" powtek ka!

kathang-isip lang din kaya?

Oo... Hindi... Sa pula... Sa puti...

naging kathang-isip ang lahat nang bigla kang nawala...

ang bawat patak ng luha...

ang bawat lungkot at pangungulila...

so, kathang-isip lang ba?

kathang-isip lang di ba?

kathang-isip nga lang yata...

kathang-isip lang pala!

mabuti nalang at kathang-isip ka lang ngang talaga!


(ume-emote lang Lunes kasi!) ^_^

Mabuhay!!!








"Ikwento Mo Kay Blogger" Mode

2

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Linggo, Hulyo 3, 2011


May kwento ako. Malungkot.
Hindi ko alam kung saan sisimulan ang pagkukwento kasi hindi ko alam kung saan nagsimulang maging malungkot yung kwento...

Uumpisahan ko nalang sa cellphone ko na napapadalas ang pagpalpak nitong mga nakaraang araw...

Biyernes pa nang ma-lowbat itong limang taon kong cellphone. Ayaw nyang mag-charge! Nagre-rebelde? Parang naririnig ko na nga ang sinisigaw nitong "Palitan mo na ako, parang awa mo na!"

Pero dahil wala pa akong pambili sa nakatakdang kapalit ko sa kanya, pinagtiyagaan ko muna siyang piliting mag-charge... (alam ko ok yung charger eh..)... Muntik na nga akong sumuko at muntik ko na syang patingnan sa isang eksperto nang mangyari ang hindi ko inasahang mangyari...

Nag-charge sya!

Yeabah nag-charge sya!

Atat na akong magbasa ng mensahe kaya agad ko syang binuhay. Labindalawang message ang tumambad sakin...

Isang nag-a-update ng pinapapasa nyang resume...

Isang nagyayayang umakyat ng Mt. Batulaw...

Isang mapang-asar na text mula sa mapang-asar kong kapatid...

Dalawang updates mula kay pareng Sun...

At pito mula sa isang kaibigan na anim na taon bago natutong mag-gitara, isang taon bago natutong kumanta, at kahit hindi natutong mag-bisikleta, nangangarap paring magka-ducati... ^^

Sunod-sunod ang ngiti ko sa mga naunang text. Pero nalungkot ako dun sa huli...

Tama na naman si Papa Jack! (oo nakikinig ako minsan kay Papa Jack!)

Hindi lahat ng tao na dadating sa buhay mo ay nariyan para mag-stay. Ang iba mapapadaan lang para turuan ka ng leksyon...

Saka ko nalang siguro ite-text ulit si kaibigang nangangarap magka-ducati... pag ayos na si pareng CP... sa ngayon lowbat na naman sya! Takte!!!

Kaya nananawagan po ako kay kaibigang nangangarap magka-ducati... may gitara ka pa sakin boy... yung apat lang yung string na galing pang Subic... yay!







"Tell Megatron Let's Tango!"

5

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Biyernes, Hulyo 1, 2011


"You may lose your faith in us, but never in yourselves."
--Optimus Prime--





Isang mabilis lang ito. Isa kasi ako sa mga tinamaan ng 'Transformers 3: Dark of the Moon' fever na tumama sa bansa noong Lunes. (sino bang hindi?)... Trending ito ngayon sa FB, sa Twitter, maging sa mga Blogs (as if naman hindi ninyo alam!)... lol


Ano bang meron sa TF3 at mukhang inaabangan siya ng marami?


Halos ganun parin naman. May naglalakihang robots (syempre!).... May naggagandahang kotse (aba syempre ulit!)... At pag may naggagandahang kotse syempre hindi mawawala ang isang maganda-matangkad-mala-supermodel na chick! (pre-requisite na yan!)...Wala nang Megan Fox pero ayos parin yung movie...


Dito may bago na namang pinag-aagawan ang mga Autobots at Decepticons (hindi yung hot chick ha at hindi rin ako...lol)... Basta bago. Hindi ko na ide-detalye kung ano-ano pang mga nangyari... basta sa huli, may labanan ^_^


Mahaba-haba din ang naging adventure ni Sam Witwicky sa TF3 dahil two-hours-and-forty-minutes din ang itinagal ng movie. Sulit na sulit ito mga brad... ^^


Hindi ko lang naiwasan na maalala ang Erpat ko habang nanonood. Naalala ko yung panakot nya sa amin noong bata pa kami. Kapag gabi na at nakikita pa nya kaming naglalaro sa labas ng bahay madalas nyang sinasabi...


"Pumasok na kayo rito. Nakikita nyo yang itim sa gitna ng bwan? Robot yan na nangunguha ng bata sa gabi!" (haist, tama na nga ang reminisce...)


Sa kabuuan, dahil sa magandang effects, astig na soundtrack (kasama dito ang paborito kong bandang Skillet), kontinng drama, konting twist, historical na labanan, at sa butt scene in 3D (para kay Gibo ito!...lol), bibigyan ko ang TF3 ng 9.5... Bakit hindi 10?... May problema ka sa 9.5?... Biro lang, saka na natin pag-usapan ang perfect 10 kapag kasama na sa cast si Whang... O nahahalata mo na na lokohan na ito!


Tama na kasi ang basa. Manood ka na... ^_^


Enjoy!!!





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...