Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, friendship, insane thoughts, maikling kwento, pag-ibig at pagmamahal, tadhana at kapalaran | Posted on Linggo, Marso 6, 2011
Hindi ito love story...
malamang hindi ka rin
maniniwala...
lalo na kapag sinabi ko na
in-love ako ngayon!
Oo in-love ako...
sa isang dalagang taglay
ang ganda ng isang dyosang bumaba sa lupa...
sa taong nagmamay-ari ng
pinaka-matamis na ngiti na nakita ko...
sa babaeng nagtatago sa
pangalang--- Elle
sabi ng Nanay ko,
exaggerated lang daw ako...
hindi naman daw ganoon
kaganda si Elle!
sabi pa nya, baka natuwa
lang daw ako kay Elle dahil first time kong magkaroon ng Engliserang kaklase...
Hay, si Nanay talaga,
minsan ang babaw...
transferee kasi sa school
namin si Elle. Indonesian sya at kaunti pa lang ang alam nyang Tagalog kaya
madalas nag-e-englis sya...
mahaba at tuwid ang buhok
nyang hanggang beywang...
katamtaman lang ang tangos
ng ilong, hindi singkit pero cute parin ang mata
hindi nagkakalayo ang kulay
ng balat namin...
masayahin syang tao...
tuwing nakikita ko sya lagi
syang nakangiti...
kaya hindi na ako nagtaka
nang mabilis nyang nakapalagayan ng loob ang mga tao sa paligid nya...
hindi na ako nagtaka nang
mahulog ang loob ko sa kanya...
nasabi ko na ba na
mala-anghel din ang boses nya?
kaya nga sya kaagad ang
nakuhang bokalista sa bagong banda ng school namin eh...
mapa-ballad o rock, kaya
nyang kantahin--- nalaman ko nang minsang sumama sya sa amin mag-videoke...
tuwing naririnig ko ang
boses nya para bang narerelax ako...
lalo na kapag tinatawag na
nya ako sa pangalan ko...
"Noel!"
parang ngayon!
Takte nasa likuran ko pala
si Elle! napaisip tuloy ako kung gaano na ako katagal na nakatunganga...
nakangiti na naman sya
habang iniaabot sa akin ang test papers nya na kanina pa pala pinapapasa ni
Maam Sungit sa harapan!
nilingon ko si Elle para
kunin yung test papers pero hindi ko sya matingnan sa mata...
Nahihiya ako!
Syeeet! May hiya pala ko!
dati kasi tuwing pinapagalitan ako ni Tatay sinasabi nya sa akin na walangya
daw ako...
ngayon ko napatunayang mali
si Tatay!
pagkapasa ng test papers,
tumunog na ang bell para sa luchbreak... nagmadali akong tumayo.
nagtatrabaho kasi si Nanay
sa school canteen at tuwing tanghali tinutulungan ko siya. Minsan tagahugas ako
ng pinggan, minsan naman, ako ang nagliligpit ng pinagkainan ng ibang
estudyante...
nakalabas na ako ng
classroom nang tawagin ulit ako ni Elle! Ang swerte ko naman yata ngayong araw!
"Noel you can play
guitar, right?" tanong nya habang nakangiti sa akin. Lumabas ang dimples
nya sa magkabilang pisngi.
tumango lang ako... Mahirap
na... Mahina kasi ako sa English... Baka pag nagsalita ako, lalo lang nya akong
hindi maintindihan!
"Great! We need one
more guitar player for the band. Gusto mo samahan kita kay Mr. Awit para
mag-audition? " masaya nyang turan.
kahit minsan hindi pumasok
sa isip ko na sumali sa kahit anong banda. Tama na sakin yung nakakapagtugtog
ako ng gitara kung kailan ko lang gusto...
pero iba 'to ngayon... si
Elle na ang nagsasabing sumali ako sa banda nila!
Hindi ko napigilang maging
masaya. Hindi ko nga alam kung paano ko sya sinagot. Basta ang alam ko umoo ako
sa paanyaya nya...
natapos ang araw na hindi
nawala sa isip ko si Elle... Ganito pala pag in-love!
Buong gabi rin akong hindi
nakatulog... minsan nararamdaman ko nalang na napapangiti na pala ako habang
nakahiga sa kama ko...
napatingin ako sa gitara na
nasa tabi ko... parang gusto ko yung halikan!
gagalingan ko bukas!---
para kay Elle...
At kapag natanggap na ako
sa banda, palagi na akong tutugtog sa school... Tapos makikilala narin ako...
Magkakaroon na ng saysay ang paggigitara ko... at... hmmm, baka titilian na rin
ako nung mga babaeng nang-busted sa akin dati...
na-excite ako! Hindi ako
nakatulog kaya naman ang aga kong dumating sa school kinabukasan.
si Elle kaagad ang nahanap
ng mata ko. Nakita ko syang naka-upo sa bench malapit sa puno ng mangga--- ang
paborito nyang tambayan...
nakangiti sya habang
lumapit sakin...
haaaay, ang sarap sa
pakiramdam kapag nakikita mong nakangiti sayo ang babaeng pinapangarap mo...
masaya na sana ang araw ko
kung hindi lang dahil sa takteng music professor namin na si Awit...
sabihin ba naman sa akin na
hindi daw ako pwede sa banda dahil kailangan daw nila ng may hitsura--- sa
ibang salita, yung gwapo... yung pogi...
para narin nyang sinabing
ang pangit ko... para narin nyang sinabing sinungaling ang Nanay ko (palagi
kasing sinasabi ni Nanay na ang gwapo ko raw)
mabuti nalang at nakumbinsi
ni Elle si Awit na magaling daw ako maggitara... Ang ending--- natanggap ako...
Hmm, mali!... Napilitan
silang tanggapin ako... Takte!
Ayos lang.. ang importante
lagi ko nang makakasama si Elle... yun lang naman dapat ang importante, di ba?
Yun lang dapat!
Pero bakit ganoon? bakit
hindi ako masaya? bakit parang hindi na sapat na nandoon at kasama ko si Elle?
sa halip na sumaya, bakit ako naging malungkot mula noong napasali ako sa banda
nila?
ngayon, kilala na ako sa
buong school, tinitilian ng ibang estudyante... pero hindi ako masaya!
kahit pa palagi ko nang
kakwentuhan si Elle...
kahit pa nagagawa ko nang
ligawan si Elle...
kahit pa nararamdaman ko
nang mahal nadin ako ni Elle...
hindi ako masaya dahil
hindi ako tanggap ng mga kabanda ko...
dahil hindi ko nararamdaman
na kabilang ako sa grupo...
dahil palagi nalang ako ang
taya...
dahil kapag mga kabanda ko
nalang ang kasama ko, ako na ang utusang si Noel...
kagaya ngayon...
katatapos lang naming
tumugtog sa isang school event
heto at ako na naman ang
naisipan nilang pagtripan
sampal dito... sampal
doon... tadyak... tadyak...
kung bakit pa kasi ako
pumayag na sumama sa kanila na mag-inuman sa bahay ng isa naming kabanda...
oo nga pala... pinilit nila
akong sumama--- dahil wala silang mapagkakatuwaan kong hindi ako kasama!
heto tuloy at kinakaawaan
ko na naman ang sarili ko dahil sa kalupitan nila sa akin.
mabuti na lang at wala dito
si Elle. Hindi nya makikita ang kaduwagan ko
nakakainis! bakit hindi ko
magawang lumaban?
pero huli na to... hindi na
nila ako mahahawakan pa... hindi na nila ako masasaktan pa... hindi na nila ako
maipapahiya...
dahil tinapos ko na ang
lahat!
napatingin ako sa langit
habang pinupunasan ang namumuong pawis sa noo ko.
napapikit ako habang
nakatingala sa buwan at mga bituin --- ang mga saksi ng ginawa ko ngayong
gabi...
napabuntong-hininga ako
matapos kong tingnan ang isang kabanda kong si Tisoy na duguang nakahandusay sa
semento...
"Noel, pare, alam kong
nasaktan ka namin pero patawarin mo na kami..." iyon ang mga huling kataga
nya. Nagmamakaawa sya sa akin!
katabi ni Tisoy ang duguan
ding sina Toy at si Boy Mura at si Tikboy...
Lahat sila duguan...
lahat sila wala nang
malay...
lahat sila wala nang
buhay!!!
Pinatay ko sila!
at ang tanging saksi ay ang
mga tala sa langit!
at......
si Elle!
nagulat ako nang makita ko
ang nahihintakutan at namumutlang si Elle!
nanlalaki ang mga mata
nyang nakatingin sa akin, pagkatapos ay sa mga duguang katawan ng mga kaibigan
nya sa semento...
mabilis na namuo ang luha
sa mga mata nya at automatikong tinakpan ng mga kamay nya ang kanyang bibig...
walang salitang nagmamadali
syang tumakbo palayo sa akin...
hindi maaari!
ayokong kamuhian ng babaeng
pinakamamahal ko... Ayoko!
mahal ko si Elle.... mahal
ko sya...
pero ayoko ng testigo sa
ginawa ko...
Ano ang gagawin ko?
saglit kong ipikit ang
aking mga mata at nag-isip...
pagkatapos ay napatingin
ako sa direksyon kung saan papunta si Elle...
DISCLAIMER:
ang lahat ng ito ay pawang
bunga lamang ng malikot na isipan ng may-akda... ^^
sabi ko na hindi ito love
story di ba?
Wow!..astig sa twist!?....hahahahaha...ipagpatuloy mo lng yang kalikutan ng isip mo...=D
grabee ang galing ! eto ang hinahanap ko, at yess sawakas natagpuan ko na :))
kaibigang 13tswiftlover, maraming salamat sa pagbisita at pag-iiwan ng puna...
ganoon din kay kaibigang "hindi nagpakilala" ^.^
sana kinapulutan ninyo ng aral ang kwentong ito ^.^
maraming salamat... mabuhay!!!