Ang kwentong pag-ibig daw ng isang tao ay umiikot sa tatlong bahagi...
Una, ang pagtanggap sa isang tao bilang parte ng buhay mo.
Pangalawa, ang pagbuo ng mga alaala kasama ang taong yun.
At pangatlo, ang pamamaalam kung kailangan nang magpaalam.
Ako si Jana...
hindi ko alam kung bakit ang lungkot ng intro ko...
Takte!!!
hindi pa kasi ako nagka-boyfriend...
dahil kay Vince.
highschool pa lang kami, mahal ko na sya.
pareho kasi kami ng hobby---ang magpinta. Pero mas magaling sya.
Kaya siguro hindi nya ako napapansin.
laking tuwa ko na nga noong minsang nginitian nya ako. Ako kasi ang nakakita at nagsauli ng nawala nyang sketchpad.
inilibre pa nya ako ng tanghalian.
"Salamat ha," sabi nya na nakangiti pa sakin.
bumilis ang tibok ng puso ko. Para kasi kaming nagdi-date.
"Pwede ko bang tingnan yung mga sketch mo?" sabi ko sabay pa-cute. inabot nya sakin ang sketchpad.
Ang ganda ng mga sketch nya! Lalo ko syang hinangaan.
Ang ganda...
Ang ganda ng babaeng iginuhit nya... Hanggang sa huling pahina ng sketchpad ni Vince, iisang mukha lang ng babae ang iginuhit nito.
"Yan si Lea, girlfriend ko," sabi nya.
Gusto kong sabihing 'paano ako? mahal din kita!matagal na!' Pero inunahan na ako ng hiya.
bakit ganun?
yung lalaking mahal ko, may mahal namang iba...
kung sino pa yung hindi ko pansin, yun pa ang humahanga sakin...
ganoon ba talaga dapat?
"Hindi," sagot ni Robert---kaibigan ko. "Paano ka naman liligawan ni Vince, tingnan mo nga yang sarili mo pre... may tinga ka pa sa ngipin oh!"
Ha? Weh? Talaga? Di nga? nakakahiyaaaa!!!
di bale, babawi nalang ako next chapter...
APAT NA TAON ANG LUMIPAS...
college na ako. Ganun din si Vince. Pareha kami ng pinapasukang unibersidad. Yehey!
apat na taon narin akong nagwi-wish s falling star gabi-gabi. Plagi kong wini-wish na sana, kami ni Vince ang magkatuluyan.
may mga gabing walang bituin, pero ayos lang. Nagwi-wish padin ako...
"Naku Jana, hindi kaya nagsawa ma sa kakapakinig sa mga wish mo ang langit?" biro ni Robert.
Hay...
kung nagsawa man ang langit, di sana dati pa! Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan wala nang girlfriend si Vince!
KINABUKASAN...
Lunes...
excited ako. Birthday kasi ni Vince. Sosorpresahin ko sana sya, pero ako ang nasorpresa.
Si Vince... sinagot na pala ng nililigawan nya!
Parang biglang gumuho ang mundo ko. Ang tagal ko syang hinintay, tapos ang bilis nawala ng chance na maging kami.
Maghihintay na naman ba ako? Eh, ano pa nga ba? Mahal ko sya eh!
TATLONG TAON ANG LUMIPAS...
walang nagyari... tama nga yata si Robert... nagsawa na ang langit sa kakapakinig sa mga wish ko. Kung hindi, eh di sana kami na ni Vince ngayon!
Dalawang taon pa ang lumipas...
Graduation day ko ngayon. Sabay kong ga-graduate sina Vince at Robert. Plano ko nang lapitan si Vince para batiin pero sya ang naunang lumapit sakin.
"Happy graduatio day Jana," sabi nya.
May iniabot syang regalo sakin.
Ang saya-saya ko! Isipin mo, binigyan ako ng regalo ng mahal ko!
"Salamat," sabi ko na abot tainga ang ngiti. Kahit nakabalot pa, alam ko na ang regalo ni Vince sakin---Sketchpad!
"Highschool pa lang tayo, paborito na kitang iguhit Jana, kaya naisip kong i-regalo sayo lahat ng naiguhit ko."
Sasabog na yata ang puso ko sa tuwa! Napapansin din pala ako ni Vince noon pa!
Ito na...
Ito na yun...
Magsisimula na ang love story namin! Yehey!!!
Magpapakipot pa ba ako o hindi na? Basta! Bahala na!
"Ayoko pa sanag ibigay sayo ngayon yan Jana. Pero baka kasi hindi na ako makahanap ng pagkakataon. Aalis na kasi kami pa-America bukas. Doon na kami maninirahan."
Mali pala ako. Hindi na nga yata magsisimula ang love story namin ni Vince.
Kung alam ko lang na iyon pala ang sasabihin nya, sana hindi ko nalang sya pinagsalita...
sana nag- 'THE END' nalang kanina ang storya...
nawala na naman ang chance namin ni Vince...
maghihintay na naman ba ako? Parang nakakasawa na...
pero ano bang magagawa ko? Ayaw ng mga reader ng sad ending eh...^^
TATLONG TAON ULIT ANG LUMIPAS...
heto at ikakasal na ako. Syempre engrande!
Si Vince agad ang nakita ko sa bungad ng simbahan.
"Napakaganda mo parin Jana, gusto na naman kitang i-sketch," sabi nya habang inalalayan ako.
"At ikaw, hindi ka parin nagbabago," sabi ko.
ilang sandali pa, nagsimula na ang seremonya ng kasal. Si Vince ang naghatid sakin sa paanan ng altar....
kung saan naroon at naghihintay ang aking pinakamamahal....
ang lalaking aking pakakasalan...
si Robert.
ang pusong nagmamahal ay kayang maghintay... pero may hangganan ang paghihintay dahil napapagod din ang puso.
mabuti na lang at wala pa sa hangganan ang paghihintay ni Robert sakin.
salamat sa sketchpad na regalo ni Vince sakin dati...
kung saan nakaguhit ang mga di ko malilimutang alaala ng highschool at college...
yung JSProm na kasayaw ko si Robert...
yung umiiyak ako habang pinapatahan ni Robert...
yung nas library at sabay kaming nag-aaral ni Robert...
yung sa school canteen na kasabay kong kumakain si Robert...
hanggang sa graduation ball na kasama ko parin si Robert.
slamat kay Vince... nakita ko ang taong matagal nang naghihintay sa akin--- si Robert!
Excited na ako para sa susunod na sketch na gagawin ni Vince...
ang kasal namin ni Robert.