Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, insane thoughts, puna, tadhana't kapalaran, teritoryo, tiratira kaya natin 'yan, trip | Posted on Linggo, Disyembre 7, 2008
Boy_01: Sabi ng maraming Pilipino, nagiging tahimik daw ang buong bansa sa tuwing may laban ang pambansang kamao. Maayos ang daloy ng trapiko dahil karamihan ay nasa bahay lang (kung wala sa sinehan) nanonod ng laban ni Pacman sa kani-kanilang telebisyon.
Boy_02: Sabi rin nila nababawasan din daw ang bilang ng krimen tuwing may laban si Pacman. Pati daw kasi isnatser ay nagpapahinga (malamang ay nanonood din ng laban). Day-off kumbaga!
Boy_03: Hmmmm, ibig bang sabihin kung araw-araw magpapabugbog (o mangbubugbog) si Pacman sa boxing ring, araw-araw ding tahimik at mapayapa ang Pilpinas?
hehehe good idea hehehe