Posted by Whang | Posted in puna | Posted on Linggo, Nobyembre 9, 2008
Minsan ka na bang tinanong at sumagot ng "wala lang"?
Minsan ka na bang nagtanong at sinagot ng "wala lang"?
Minsan ka na bang nagtanong at sinagot ng "wala lang"?
Hindi na bago sa dila ng mga bagong pinoy ang salitang wala lang. Kadalasan ay ginagamit itong pang-sagot sa isang tanong.
HALIMBAWA:
Tanong: Ano ang ginagawa mo?
Sagot: Wala lang.
Sagot: Wala lang.
Ito pang isa...
Tanong: Sinong iniisip mo?
Sagot: Wala lang.
Sa unang halimbawa, ang pagsagot ng wala lang ay maaaring nangangahulugang "huwag mo akong istorbohin!"
Sa pangalawang halimbawa, maaaring ito ay nangangahulugang "hindi mo kilala kaya huwag ka nang magtanong!"
Maraming ipinahihiwatig ang pagsagot gamit ang salitang wala lang. Ilan na rito ay ang mga sumusunod:
- katamaran mag-isip
- kawalan ng ideya kung ano ang isasagot
- kawalan ng kasiguraduhan sa naisip na sagot
- ayaw mong malaman nila ang sagot
Comments (0)
Mag-post ng isang Komento