Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, huelgistang ipis, ilusyon, insane thoughts, puna, tadhana't kapalaran, teritoryo, tiratira kaya natin 'yan, trip | Posted on Huwebes, Setyembre 18, 2008
Lunes.
Umulan.Matrapik.
Payong ay di dala.
Pati sapatos ay basang - basa.
Martes.
Muling umulan.
Muling nagkatrapik.
Wala na nga ang payong,
inabot pa ng baha.
Miyerkules.
Mas matindi ang ulan
Mas matindi ang trapik
Mas matindi ang baha
Payong na naiwan
ngayo'y hanap - hanap sa gitna ng ulan
Huwebes.
Pilit nilabanan ang katamaran
Payong ay hindi na muling kinalimutan
Subalit hindi naman umulan
Wiset ang tanging nabanggit ng labing makulit.
Biyernes.
Matindi ang init
Payong ay iniwan
Pamaypay ang bitbit
Subalit kasabay ng paglubog ni haring araw,
ay ang pamumuo ng maitim na ulap
na siyang sumakop sa kalangitan.
Huli na nang naisip
Nasa gitna na ng ulang malupit
Comments (0)
Mag-post ng isang Komento