Posted by Whang | Posted in buhay pinoy, friendship, huelgistang ipis, ilusyon, insane thoughts, letter, pasasalamat, puna, tadhana't kapalaran, teritoryo, tiratira kaya natin 'yan, trip | Posted on Sabado, Setyembre 20, 2008
Masaya akong nakikipag-kwentuhan sa kanila nang mapansin kita sa bandang dulo ng silid na kinaroroonan. Magdadalawang buwan na rin pala tayong hindi nakakapag-usap kaibigan. Magdadalawang buwan. Eksaktong limampu't anim na araw. Hindi ko napansin, matagal na pala. Marahil dahil pinilit kong huwag pansinin ang oras. Marahil dahil pareho tayong abala sa skwela. Marahil dahil pareho naman tayong naging masaya kahit wala ang isa't isa. O maari ring sa simpleng kadahilanan na pareho tayong walang pinagsisisihan.
Gayun pa man, sa ating pagkakalayo'y may ilang bagay akong natutunan (na sana'y natutunan mo rin!)
Una, huwag mong pagsisihan ang mga bagay na ginawa o nagawa mo dahil sa isang banda iyan ay ginusto mo din.
Pangalawa, malaki ang pagkaka-iba ng tao sa tao (kahit pa pareho silang tao).