read the printed word! Proudly Pinoy!

My Landlord's Proposals

0

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Biyernes, Agosto 2, 2013

Gusto kong maging writer. Hindi ko alam kung bakit. Bakit? Bakit hindi? Malikot naman ang imahinasyon ko. Marami akong gustong i-kwento. Higit sa lahat, alam ko kung paano gumawa ng kwento. Ha!

Nagsimula ang lahat noong highschool. Ito yung mga panahong nagpapalitan ng romantic pocketbooks ang mga kadalagahan. Kung babae ka at wala kang pocketbook sa bag mo, isa lang ang posibleng dahilan --- nerd ka. 


At dahil nga umabot na sa puntong nabasa ko na lahat ng mga pinagpapasa-pasahang nobela na umiikot at nagdaan na sa kamay ng bawat romantikong nilalang sa klase, naisipan kong gumawa ng sariling bersyon ng sweet-and-sour-na-chilli-hot-salted na kwentong pag-ibig. Hand written sa pinagdikit-dikit na piraso ng bond paper na ka-size ng totoong pocketbook. Isipin mo kung gaano ako kasipag noong araw! Siyeeet.

At dahil hitsura palang alam nang home made ang pocketbook ko kumuha ito ng maraming atensyon. Instant celebrity! Nangabilang section pa! Mabuti nalang ginandahan ko ng sulat. Nakakatuwang isipin na pagkabasa palang nila ng unang chapter nagtatanong na agad sila,

"Kanino 'to? Pahiram naman."

At kapag nalaman nilang ako ang may-ari.

"Sya nagsulat nito???"  kasunod ang napakaraming question marks na halos visible na sa ekspresyon ng mukha nila. 

Dahil maraming natuwa noon, naisipan kong seryosohin ang pag-gawa ng kwento. Bakit hindi? At ito na nga ang naging bunga. Ayeeee.


"Gumulo ang buhay ni Alyanna nang dumating ang anak ng kanyang landlady at nagbigay ng proposal. Hindi na siya nito sisingilin sa dalawang buwang utang niya sa renta at may libre pa siyang one month kung papayag siyang pansamantala silang magsama sa ilalim ng iisang bubong. Kung practicality ang paiiralin, hindi na masama ang offer nito. Wala rin siyang choice dahil wala siyang sapat na pera para pambayad ng house rent. Tinanggap na lamang niya ang alok nito
Pero sadya yatang business-minded si Drake, nasundan pa ang proposal nitong iyon. Mula sa pagiging tagaluto ng almusal ng binata, naging date siya nito sa dinaluhan nitong pagtitipon. laking gulat niya nang ipakilala siya nitong nobya sa pamilya nito.
Hindi iyon kasama sa proposal na tinanggap niya!" 

Mabibili po sa leading bookstores nationwide. ^_^





  
                                                                    

The Spirit Of Kindness

2

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Huwebes, Agosto 9, 2012


"When you share your last crust of bread with a beggar, you must not behave as if you were throwing a bone to a dog. You must give humbly, and thank him for allowing you to have a part in his hunger."
--Giovanni Guareschi

Isang maulan na gabi iyon. Hunyo? Hulyo? Hindi ko na matandaan kung anong bwan. Isa ako sa maraming taong naglalakad ng walang payong papuntang Robinson's Pioneer. Hindi ko na rin matandaan kung ano ang pakay ko doon. Pero isang kwento ang tumatak sa akin noong gabing iyon na hindi ko malilimutan...

"Ayaw mo pa talagang umuwi?" mahinang tanong ni Yellowman habang naglalakad palabas ng MRT station.

Tahimik akong umiling bilang tugon. Sa isip-isip ko, masyado pang maaga para magkulong sa kwarto  at matulog. Ambon nalang din naman ang natira sa kanina'y malakas na ulan. Patuloy ako sa paglalakad nang pigilin ako ni Yellowman sabay turo sa bulag na tumutugtog sa gitna ng malawak na daanan.

"Josa, saglit lang. Idol ko kasi tong si Manong eh. Tingnan mo, mahihirap yung chords nung tinutugtog nya pero nagagawa nya ng tama. Partida bulag pa sya nyan!" nakangisi nyang sabi. 

Hindi ko na rin matandaan kung anong kanta yung tinutugtog ni Manong pero alam ko yung kanta. Mga tatlong minuto din kaming tumambay ni Yellowman sa gilid ng daanan para pakinggan ang performance ni Manong. Bago umalis naghulog pa ng barya si Yellowman sa isang maliit na donation box sa tabi ni Manong.

"Naks, bait mo pre!" wika ko. Ang alam ko kasi wala na syang pera.

"Ayos lang yan paminsan-minsan. Hindi naman pera ang binibigay mo sa kanila kundi pag-asa."

Nagtuloy kami sa paglalakad pababa ng estasyon ng MRT. Isa na namang bulag ang tumutugtog sa daanan sa gitna ng ambon. Kagaya ni Manong may donation box ding nakalagay malapit sa kanya. Pero ang kumuha talaga ng atensyon ko ay ang isang matandang lalaki na naka-upo sa may di kalayuan. Nakatingin sa kawalan habang naka-angat ang isang kamay para sa mga dumadaan.

Matagal din akong nakatitig kay Tatang habang naglalakad. Bakas ng kawalang pag-asa ang mukha, naka-angat ang kamay pero batid niyang walang mag-aabot. Gusto kong gayahin si Yellowman. gusto kong mamigay ng pag-asa. Pero hindi ko ginawa. 

Hanggang sa makarating kami sa tapat ni Tatang. Isang lalaking gusgusin din at gula-gulanit ang suot ang lumapit sa kanya. May dinukot ito sa bulsa saka nag-abot ng piso sa palad ng matanda saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi nagsalita si Tatang pero napangiti sya sa natanggap na barya.

Wala sa sarili na nakapa ko ang sariling bulsa saka inilabas lahat ng barya. Para kay Tatang.

Tinangka namin ni Yellowman na hanapin yung isa pang lalaking gusgusin na nag-abot ng piso kay Tatang pero hindi na namin sya nakita.

"Naks, bait ni Josa! 'Di ba wala ka nang pera?" biro ni Yellowman.

"Kasalanan mo 'to eh. Binanatan mo 'ko nung "hindi naman pera ang binibigay ko kundi pag-asa" na linya mo!" balik biro ko.

"Bilisan mo, lalakas na naman ang ulan!"

----WAKAS----


ATTENTION: Yellowman, naalala mo pa ba kung anong ipinunta natin nun sa Robinson's? Tyaka ano nga ulit yung tinugtog na kanta nung idol mo?... lels







  
                                                                    

Gumuhit Ako Ng Araw

0

Posted by Whang | Posted in , , ,



“Gumuhit ako ng araw, nagpakita ang araw. Totoo pala yung kalokohan namin noong bata pa ako.”

Maulang umaga sa lahat ng magugulo, nakikigulo at makikigulo pa.

Wala talaga akong balak mag-blog ngayon. Wala. Hindi ko lang napigilang matuwa sa facebook status ng kaopisina ko. Kung alam ko lang na ganun lang pala kadali palabasin si haring araw baka noong isang linggo pa ako nagsimulang gumuhit ng maraming-maraming araw. Yung tipong, sa sobrang dami, mapipilitan na siyang lumabas mula sa pagkakatago sa likod ng madidilim na ulap sa kalangitan. Yay.

Sa halos tatlong linggong buhos ng malakas na ulan, hindi na kataka-taka na maraming parte ng Luzon ang lubog sa baha. Marami ang nawalan, naghirap, at umiyak. Marami ang nagdasal. Marami ang natutong mag-sun dance (isang uri ng sayaw na pinauso ni Sarah G.) Paminsan-minsan sumisilip ang araw, pero agad ding nagtatago kapag napansin na ng marami (nakuha pang maging sensitive).

Nakakalungkot lang isipin na sa gitna ng matinding kalamidad, may mga tao pang nakakapagbigay ng mga hindi kaaya-ayang komento. Tulad nalang nitong nasa baba. Kinailangan ko pang takpan ang mukha ng anime character sa profile pic nya para mapangalagaan ang imahe nito... lels


Hmmp porke't hindi ka inabot ng baha te? At dahil dyan tinatanggalan na kita ng karapatang sumali sa Miss Earth!

Ano-anu b a ang ayaw ko sa komentong ito? Una, isa itong sampal sa buwan ng wika! Pangalawa, hindi na importante kung malaman man natin kung sino ang may kasalanan sa pagbaha. Hindi na rin importante kung ano ang naging dahilan ng pagbaha. Ang pinakamahalaga ngayon ay kung anu-ano ang gagawin natin pagkatapos ng lahat ng ito.

Pwede rin kasing magtulungan tayo Pilipino... ^_^


Photo by Pilipino Ako


  
                                                                    

Forever Starts Today

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Miyerkules, Agosto 8, 2012

He is my freedom, my prison
He is my strength, my tears
He is my happiness, my torture
He is my wound, my medicine

He is my thoughts, my oblivion
He is my mirth, my melancholy
He is my past, my future
He is my friend, my lover

He is my venom, my Romeo
He is my voice, my melody
He is my life, my death
He is my anger, my calmness

He is my protector, my fear
He is my courage, my knight
He is my black and my white
He is mine for I am his

He will be my Mister and I his Miss
Forever we’ll have each other
Forever we’ll stay this way
Forever starts today





  
                                                                    

Thank You Mister

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Martes, Agosto 7, 2012

Thank you for the love my sweet Mister
Thank you for the time we spent together
Thank you for the words that made me feel better
Thank you for the embrace that made me feel safer

Thank you for the gifts that always came in surprise
Thank you for not telling lies
Thank you for the flowers that made me smile
Thank you for the cards last Valentines

Thank you for the trips you took for me
Thank you for the tears you shared with me
Thank you for the smiles that made my day
Thank you for the memories, both serious and insane

Thank you for the shoulders to lean on
Thank you for the inspiration
Thank you for the fights you bravely endured
Thank you for being my cure

Thank you for not giving up on me when the world was cold
Thank you for the hand I can always hold
Thank you for the adventures we took
Thank you for the poems and songs you wrote

Thank you for the mountains we climbed
Thank you for being this kind
Thank you for the good memories to remember everyday
Thank you for loving me






  
                                                                    

Ang Tanging Hiling

0

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Lunes, Agosto 6, 2012


Matulog sa gabi
Gumising sa umaga
Pumasok sa trabaho
Sumahod ng tama
Makinig ng musika
Magsulat ng nobela
Magbasa ng libro
Matutong mag-gitara
Tumakbo
Mamundok
Tumulong sa kapwa
Magpakabasa sa ulan
Makipagkaibigan
Humiga sa damuhan
Titigan ang bwan
Managinip
Mangarap
Ngumiti at tumawa
Maglakbay
Magmahal
Magsaya

Ito ang buhay na gusto ko bago kita makilala
Ngayon ang tanging hiling ko lamang ay magpatulog ka TAENA!




  
                                                                    

The Soulmates

0

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Linggo, Agosto 5, 2012

The great ball of fire will finally set

And so marked the end of my yesterday’s morrow
But my day starts when the sun falls asleep
Right after I saw you waiting from across the street

It is when we’re holding hands that I feel life
All sorrows and woes forgotten and left behind
Who cares about your silly actions and stupid lines?
What matters is the world we have tonight

Great is the force that brought us together
He lets the sun rise in you through your laughter
He brought us two at our best
With precious memories I will forever hold in my chest

Soon the stars will light up the heavens
I’ll watch them glimmer in your eyes
In silence we will send our wish to the satellite
With an ounce of hope, we’ll say good-bye to the night

Let us say good-bye to the hollow heart
I’ll still be filled with bliss after we depart
And we will meet tomorrow and watch the sun as it sets
Filling our emptied cups with joy and happiness





  
                                                                    

The Dream Of A Dreamer

0

Posted by Whang | Posted in , | Posted on Miyerkules, Hunyo 13, 2012

Last night I dreamed with a dream that seemed so real
With the flock of birds flying and dancing and singing in the air
 With all those fairies of all colors imaginable
Singing in chorus, forming circles

Every face were filled with joy
Even the ravens and the crows 
were on their wings to spread the news

It was the day the books of the sages has foretold
The rise of the kingdom of Gandor
where the flowers shall bloom with beauty 
and the trees shall stand tall 

Its people prospered, cleared with all their vices
all without the look of sadness in their faces
its children played restlessly by its rivers of flowing crystals
its men worked with their hands and reaped what they plant


We were a part of a kingdom that does not starve
with all of the bravest and loyal guards
Our walls were built to stand the strongest of the winds
above us were the thickest shield of faith
not even one of the dragons can burn


We have horses with fine riders
thousands of hounds and golden bats!
We walked in barefoot in our land
for we have the greenest and the softest grass


We live in a kingdom where there's a home for everyone
Though our gates are left open without guards
the men that could enter
are only those with pure hearts


Last night I dreamed with a dream that seemed so real
as I saw myself walk with the fairies whispering songs in my ears
then everyone bowed as I stand before the iron throne
all knights, guards, fairies, horses and hounds


"My name is Whang, Queen and protector of Gandor"




Walang personalan, nanaginip lang... ^^



  
                                                                    

I Will

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Martes, Enero 3, 2012


I love you
Like the stars love the universe
I need you
Like the trees need its flowers

I will care for you
Like the painter cared for his canvas
I will hold on to you
Like the strongest roots holds on to the ground

I will listen to you
Like the sailor listens to the wind
I will fight for you
The way a man fights for his life

I will hold your hand
Like a loving wife to her husband
I will share all your sorrows and woes
The way the moon shared the howling of the wolves

I will be right beside you
Just like the best of friends do
I will wipe your tears away
Even after my hair turns gray



                                                                       
                                                                    

A Yellow Letter For Yellowman

0

Posted by Whang | Posted in , , , , | Posted on Lunes, Enero 2, 2012



Today I cried
You were there to stop the tears from falling
Then we both smiled
And stopped all the angels from crying

Today I thank you
You put an end to my sorrow
This day will soon come to an end
Tomorrow I’ll be eager to see you again

Every day I could only thank God
Because it was I that you chose to love
You are the sweetest memory I have
And you will always be until my time has gone

Today it was the curve of your lips I memorized
The beating of your heart while you close your eyes
Then I thanked God
Because it was you that I chose to love

Today we walked hand in hand
With each step we took I loved you more and more
With each teardrop you wiped
I came to trust you with my life

There was a reason why God sent you to my path
Because the world is mean and my strength is not enough
I am the luckiest woman in the world
Because it was you who knocked in my door




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...