read the printed word! Proudly Pinoy!

My Landlord's Proposals

0

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Biyernes, Agosto 2, 2013

Gusto kong maging writer. Hindi ko alam kung bakit. Bakit? Bakit hindi? Malikot naman ang imahinasyon ko. Marami akong gustong i-kwento. Higit sa lahat, alam ko kung paano gumawa ng kwento. Ha!

Nagsimula ang lahat noong highschool. Ito yung mga panahong nagpapalitan ng romantic pocketbooks ang mga kadalagahan. Kung babae ka at wala kang pocketbook sa bag mo, isa lang ang posibleng dahilan --- nerd ka. 


At dahil nga umabot na sa puntong nabasa ko na lahat ng mga pinagpapasa-pasahang nobela na umiikot at nagdaan na sa kamay ng bawat romantikong nilalang sa klase, naisipan kong gumawa ng sariling bersyon ng sweet-and-sour-na-chilli-hot-salted na kwentong pag-ibig. Hand written sa pinagdikit-dikit na piraso ng bond paper na ka-size ng totoong pocketbook. Isipin mo kung gaano ako kasipag noong araw! Siyeeet.

At dahil hitsura palang alam nang home made ang pocketbook ko kumuha ito ng maraming atensyon. Instant celebrity! Nangabilang section pa! Mabuti nalang ginandahan ko ng sulat. Nakakatuwang isipin na pagkabasa palang nila ng unang chapter nagtatanong na agad sila,

"Kanino 'to? Pahiram naman."

At kapag nalaman nilang ako ang may-ari.

"Sya nagsulat nito???"  kasunod ang napakaraming question marks na halos visible na sa ekspresyon ng mukha nila. 

Dahil maraming natuwa noon, naisipan kong seryosohin ang pag-gawa ng kwento. Bakit hindi? At ito na nga ang naging bunga. Ayeeee.


"Gumulo ang buhay ni Alyanna nang dumating ang anak ng kanyang landlady at nagbigay ng proposal. Hindi na siya nito sisingilin sa dalawang buwang utang niya sa renta at may libre pa siyang one month kung papayag siyang pansamantala silang magsama sa ilalim ng iisang bubong. Kung practicality ang paiiralin, hindi na masama ang offer nito. Wala rin siyang choice dahil wala siyang sapat na pera para pambayad ng house rent. Tinanggap na lamang niya ang alok nito
Pero sadya yatang business-minded si Drake, nasundan pa ang proposal nitong iyon. Mula sa pagiging tagaluto ng almusal ng binata, naging date siya nito sa dinaluhan nitong pagtitipon. laking gulat niya nang ipakilala siya nitong nobya sa pamilya nito.
Hindi iyon kasama sa proposal na tinanggap niya!" 

Mabibili po sa leading bookstores nationwide. ^_^





  
                                                                    

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...