Will You Dance With Me On Thursday?

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , | Posted on Lunes, Pebrero 28, 2011

Harken! Harken!

As the laughter comes with the breeze

Come with us, laugh with us,

jump with us, and dance with us they say

forget all your sorrows and woes

put on your dancing shoes!

We will dance the night away

Mirthfully, wonderfully, magically!

Silver dusts will glow as they float in the air

The fairies will put them there

The little dwarfs in their colorful hats will dance as well

First in pairs, then in circles and in squares.

The lions, the wolves and tigers will be tamed

As the mice play a melody that will fill the earth

And our hearts will be filled with joy

And the universe will dance to rejoice.

Our weirdest wishes will happen

Our hate forgotten

the dreaded things will all be gone

and what will be left is the time to have fun…

So, honey

will you dance with me on Thursday?

Picture: Passion for Dance by artmyass on DeviantArt


White Monday

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , ,

Nandito ako… sa kulay puting penthouse

Nakaharap sa kulay puting pisara…

Nakaupo sa kulay puting silya…

Nagsusulat sa notebook ko na nakapatong sa kulay puting mesa…

Walang aircon... ayos lang… mahangin naman…

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko,

8:05, maaga pa!

Napangiti ako. Mula noong nagsimula ang training namin, hindi pa ako na-late kahit minsan.

Ayos!

Tumayo ako at nagtimpla ng kape sa kulay puting plastic cup

Habang naghihintay sa trainer namin, naisipan kong mag-soundtrip

Mabuti nalang at dala ko si Philips GoGear at fully charged sya!

Isinuot ko sa magkabilang tainga ang kulay puti kong headset na nakakabit sa kulay pula kong MP3 na nakasilid naman sa kulay brown kong bag na nakapatong sa kulay puting mesa na nasa loob ng kulay puting penthouse.

Nagsimula na namang mag-ingay si Taylor Swift.

Ewan ko ba! Lahat na yata ng kanta nya nasa MP3 ko na…

Mukhang nahawa na yata ako sa pagiging TSwift die hard ng pinsan ko.

Hindi ko rin alam kung paano at kailan ko nagustuhan si TSwift… (rakista kaya ako dati!)

Balik tayo sa penthouse…

Di ko namalayan, 10:17 na pala! Kaya naman pala nababagot na ako! Dapat kasi 8:30 ang simula ng training.

Nag-kape ulit ako---pantanggal antok…

Sa kawalan ng magawa, naisipan kong pagmasdan na lang ang nagtataasang building sa paligid namin.

Gusto ko silang bilangin lahat… pero tinamad ako!

Pinagmasdan ko naman ang langit. Puro clouds!... Kulay puti!

Nagpasya na lang akong gumawa ng tula…

Naka-dalawang tula ako!--- Astiiig!

Pero wala parin yung trainer--- yun ang hindi astig!

LUNCHBREAK!

Busog na ako at kasalukuyang inaantok dahil sa hangin na ibinubuga ng kulay puting electric fan na may pink na elesi.

Nakatulog ako… at nagising…

Wala parin ang hinihintay naming trainer kaya pinag-tripan ko namang bilangin ang mga switch at saksakan sa penthouse.

May isang switch sa tabi ng elevator. Tatlo sa may hagdanan. Isa sa CR. Dalawa sa gilid ng bintana. Isa sa likuran ko.

Walong switch!Walo rin ang saksakan.

End of trip.

Dahil nababagot ulit ako, hindi ko namamalayang yung eroplano naman pala ang napagdidiskitahan ko.

Simula kanina pagkakain, nakapagbilang na ako ng dalawampu’t isang eroplano sa langit…

Hanggang sa nagsawa rin ako sa kakabilang…

End of trip.

Pinagmasdan ko nalang ang mga kapwa ko trainee.

May mga nagkukwentuhan, pero di ko naririnig ang pinagkukwentuhan nila dahil nag-iingay parin si Taylor Swift sa tainga ko.

Tahimik lang akong nagmamasid hanggang sa napangiti ako dahil kay kuya na nagkasya na lang sa paggawa ng paper planes at paper duck dahil sa kabagutan!

Mas astig pala yung trip nya.

Yumuko nalang ako para itago ang ngiti ko… baka kasi mahalata ni kuya…

Soundtrip ulit. Ngayon nanaig na ang pagiging rakista ko… Motorhead na ang tumutugtog--- rock n’ roll!

Ipinikit ko na ang mga mata ko at sabay nag-isip

Na sana wala nalang ma-eliminate sa amin pagkatapos ng training!

Mabuhay! ^_^

Picture: Colors Dreaming by Mayoofka on Deviantart


Halina't Magsaya! Horaa...

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , ,

Halina’t magsaya mga ka-Teritoryo

Halina’t magsaya katapusan na ng Pebrero


Horaa! Horaa!


Samahan ninyo akong magsaya!


Kunin mo ang gitara, patunugin ang trumpeta


Buksan ang pinto’t bintana at sumigaw…


Horaa! Horaa!


Ang unang sahod ay nasa akin na!



50 Questions and Answers with Whang

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang mga sumusunod na katanungan ay hindi naman talaga itinanong kay Whang... Nagkataong ito lang ang essay topics ng pinsan nyang nagkataon ding nagpatulong sa kanya...

At iyong iba pang tanong, nabuo nalang din sa isipan nya nang hindi sinasadya! ^^

#1. Tell me something about yourself.
Hmmm sexy, sophisticated and has a beautiful voice!(Laugh)
#2. If you wake up one morning and discovered that you have turned into a male, what would you do?
Go to the hospital. Obviously there must be something wrong!
#3. Where do you see yourself in five years?
JEJU ISLAND! (na naka-capital letters na, naka-bold at Italics pa!)
#4. What if cows gave root beer instead of milk?
...palagi ko nang asahan na may lasing na bata!
#5. If a genie can make one wish come true today, what would you wish for?
...na sana magkatotoo yung iba ko pang wish! ^^

#6. If you can have anything in the world, what would it be?
I wanna have Doraemon so I can ask him to lend me his bamboo copter and the door of wonders... (Laugh)
#7. If you could break the Guinness Book of World Records, it would be for what?
Hmmm... "ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa" title! (Laugh)
#8. What would you do if you can fly like a bird?
Eh di, fly like a bird! ^^
#9. What would you do if you found a magic wand?
Look for Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry! ^^
#10. What would you do when you're on top of the world?
...close my eyes and feel the fresh air (^_^)
#11. Would you like to be a princess instead of yourself?
No... I'm already a princess
#12. If you can go anywhere you want, where will you go?
To the moon. I want to see how the Earth looks like from there.
#13. If you are an inventor what would you invent?
A "Mistake Indicating Controller" that comes with an alarm (para maiwasan ko nang magkamali sa exams...)
#14. First album you bought?
Korn Greatest Hits
#15. Best movie you've watched?
Three Idiots (simply the best!)
#16. If one day you wake up and found out that you've gone back to the middle ages, what would you do?
Hmm, sit back and relax! (Laugh)
#17. What would you do in a place where there is no television?
Stargazing! Titigan ko si Orion at unti-unti ko siyang susungkitin. ^.^
#18. If you were an animal, what kind of animal are you?
Uod... (marami kasing nagsasabing bookworm daw ako!)
#19. What is your favorite time of the day?
Mignight/Dawn... (mas tahimik kasi, mas nakakapag-isip ako ng maisusulat)
#20. Most precious possession?
Phillips GoGear, you are the best thing that's ever been mine!
#21. What would you do if you posses one Death Note?
Throw it! I don't want to see or buy apples for death gods.
#22. If you are a doctor, what kind of doctor will you be?
Dentist! na nagpo-protect ng teeth... ^^
#23. Favorite holiday season?
Christmas and New Year (kasi maraming chibugan!)
#24. Something that really bugs you?
Bugs! ^.^
#25. What is your motto?
If you like me raise your hand. If you don't, raise your standards!
#26. Favorite food?
kebab (yung third grade! Astiiig!) ^^
#27. Would you like to reach 100 years old?
Yup. Pero pag lumampas pa ako sa 100 baka patayin ko nalang ang sarili ko (Laugh)
#28. What would you do if you grow smaller and smaller?
bumili ng smaller dress ^.^
#29. If you are a car, what would you be?
Chevrolet Camaro... yung yellow! (Bumblebee?)
#30. If you could have been someone in history, who would you have been?
Jang Geum (kasi gusto ko gumaling magluto!)^.^
#31. If you could only take three people with you on a trip, who would you take and why?
Una, si Mr. Google para hindi ako maligaw. Pangalawa, si Doraemon para naroon na lahat ng kailangan ko. Pangatlo, si Tomo-chan para romantic! ^.^
#32. If you could live anywhere in the world, where would it be?
Verona, Italy... so I can be the modern Juliet... (Laugh)
#33. What would you do when you found gold bars in your backyard?
Eh di, tumalon sa tuwa!
#34. If you could do whatever you wanted to right now, what would you do?
Go to Taylor Swift's concert at Araneta... It's about to start! Kyaaa
#35. If you were lost in the woods and it got dark, what would you do?
...papakiusapan si Edward Cullen o kaya si Jacob Black na ihatid ako sa bahay! ^.^
#36. What would you do if it would really rain cats and dogs?
Hmm, I'd go crazy coz' it would be a crazy world! (Laugh)
#37. What if everyone wore the same clothes?
I'll master home economics... para ako lang ang naiiba ^.^
#38. What if you could walk up walls and across ceilings?
...enjoy walking on walls and ceilings while I can.
#39. If there's one person you would want to meet, who would it be?
yung crush ko... si Yamapi! ^.^
#40. What would happen if children ruled the world?
Then our world will become a childish world (Laugh)
#41. What would you do if you woke up in another country and no one understands you?
Hmmm, mapapa-cute nalang!
#42. What do you think the world needs now?
money! (Laugh)
#43. What would you do if you saw a ghost?
Run of course ^.^
#44. What would you like to have in your birthday party?
Hmm, yes, it's decided! I would want Pi---wrapped up as a present! (Laugh)
#45. If you could be a superhero, what powers would you like to have?
Son Goku's instant transmission... so I can be in Hawaii at day and Paris at night(na hindi inaalala ang pamasahe... ^^)
#46. What kind of TV commercial would you like to make?
basta yung may snow ^.^
#47. Favorite anime?
ONE PIECE!!!
#48. Favorite alcoholic drink?
biiru!!!
#49. Favorite writer?
Paolo Coelho
#50. Favorite book?
The Alchemist

Sa Tuwing Ikaw ay Napapapikit

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , , , , , , , | Posted on Huwebes, Pebrero 3, 2011

sa mga oras


na ika'y napapapikit,

ikaw ba ay

nag-iisip?

nagmumuni-muni?

nagpapahinga?

nagpaplano?

nagdedesisyon?

nagbibilang ng problema?

naghahanap ng solusyon?

nakikinig?

nakikiramdam?

nagsusuri ng sarili?

nagdadasal?

nagpapasalamat?

nagsisisi?

umiidlip?

o natutulog?


ano man ang iyong kasagutan,
sana ay panatag na ang iyong loob
sa pagmulat ng iyong mga mata.


Mabuhay! ^_^




Tonight, Tonight, Tonight

0

Posted by Whang | Posted in , , , , , , ,

ngayong gabi habang ako'y nakapikit

ako'y malayang naglalakbay sa loob ng aking isip

kung saan dalandan ang kulay ng langit

kung saan walang maganda at walang pangit

walang mabait at walang masungit

ngayong gabi habang ako ay nagtitiis sa sikip

teritoryo ko naman ay walang hanggan sa loob ng aking isipan

palasyo ang aking tahanan

soccer field ang aking bakuran

hardin ko lang ang buong ka-Maynilaan

ngayong gabi habang sa buwan ay nakatingala

sa isipan ako'y lumilipad sakay ng aking saranggola

pataas ng pataas ng pataas...

hanggang sa ang buwan ay narating ko

at doon pinagmasdan ang banayad na pag-ikot ng mundo

ngayong gabi habang ako ay nangangarap

habang ako ay nakapikit...

habang ako ay nagtitiis sa sikip...

ako'y nagdarasal...

sana'y makatulog na! sana'y makatulog na!




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...