read the printed word! Proudly Pinoy!

三月の雨

3

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Linggo, Marso 13, 2011


it's a Monday night, the rain is pouring

we know each other but we're not speaking

I closed my eyes

and wished you'd say my name

I saw you flash a smile,

what were you thinking?

I know that it's not me

but I hoped that I'm wrong

'coz the thought of you and me

is playing in my mind...


so let all the rain fall down tonight

blurring all the dancing city lights

I looked your way and meet your eyes...


to me it was magic when you held my hand

and my heart skipped a bit when we started to run...


so let all the magic sprinkle on us tonight

capture that moment when you're by my side

I wanna tell you to keep laughing

it warms my heart...


stand under the rain in the middle of the night

clear away my doubts...

wash away the pain...

whisper my name...



Lunes

0

Posted by Whang | Posted in , , , ,


Lunes...
nang tayo'y lumabas...
nagtawanan...
nagkwentuhan...
at nag-unahan sa pagtakbo sa ilalim ng ulan...

Lunes...
nung tayo'y naging magkakaibigan...
magka-kontsaba sa exams...
kumain sa labas...
at nagpakabasa sa ulan...

Lunes...
nung tayo'y parehong nakatayo sa labas ng pasyalan...
tahimik na pinatitila ang ulan...
napangiti ako ng dahan-dahan...
sana'y magtagal itong ating pagkakaibigan...

Lunes...
nang ikaw ay tinitigan...

Lunes...
nang ako'y nangarap...
na sana huwag nang tumila ang ulan!


HAPPY BIRTHDAY!!!
... sa isa ko pang bagong kaibigan!


Hindi Ito Love Story

3

Posted by Whang | Posted in , , , , , | Posted on Linggo, Marso 6, 2011


Hindi ito love story...
malamang hindi ka rin maniniwala...
lalo na kapag sinabi ko na in-love ako ngayon!

Oo in-love ako...
sa isang dalagang taglay ang ganda ng isang dyosang bumaba sa lupa...
sa taong nagmamay-ari ng pinaka-matamis na ngiti na nakita ko...
sa babaeng nagtatago sa pangalang--- Elle

sabi ng Nanay ko, exaggerated lang daw ako...
hindi naman daw ganoon kaganda si Elle!

sabi pa nya, baka natuwa lang daw ako kay Elle dahil first time kong magkaroon ng Engliserang kaklase...

Hay, si Nanay talaga, minsan ang babaw...

transferee kasi sa school namin si Elle. Indonesian sya at kaunti pa lang ang alam nyang Tagalog kaya madalas nag-e-englis sya...

mahaba at tuwid ang buhok nyang hanggang beywang...
katamtaman lang ang tangos ng ilong, hindi singkit pero cute parin ang mata
hindi nagkakalayo ang kulay ng balat namin...

masayahin syang tao...
tuwing nakikita ko sya lagi syang nakangiti...

kaya hindi na ako nagtaka nang mabilis nyang nakapalagayan ng loob ang mga tao sa paligid nya...
hindi na ako nagtaka nang mahulog ang loob ko sa kanya...

nasabi ko na ba na mala-anghel din ang boses nya?
kaya nga sya kaagad ang nakuhang bokalista sa bagong banda ng school namin eh...

mapa-ballad o rock, kaya nyang kantahin--- nalaman ko nang minsang sumama sya sa amin mag-videoke...

tuwing naririnig ko ang boses nya para bang narerelax ako...
lalo na kapag tinatawag na nya ako sa pangalan ko...

"Noel!"

parang ngayon!

Takte nasa likuran ko pala si Elle! napaisip tuloy ako kung gaano na ako katagal na nakatunganga...

nakangiti na naman sya habang iniaabot sa akin ang test papers nya na kanina pa pala pinapapasa ni Maam Sungit sa harapan!

nilingon ko si Elle para kunin yung test papers pero hindi ko sya matingnan sa mata...

Nahihiya ako!

Syeeet! May hiya pala ko! dati kasi tuwing pinapagalitan ako ni Tatay sinasabi nya sa akin na walangya daw ako...

ngayon ko napatunayang mali si Tatay!

pagkapasa ng test papers, tumunog na ang bell para sa luchbreak... nagmadali akong tumayo.

nagtatrabaho kasi si Nanay sa school canteen at tuwing tanghali tinutulungan ko siya. Minsan tagahugas ako ng pinggan, minsan naman, ako ang nagliligpit ng pinagkainan ng ibang estudyante...

nakalabas na ako ng classroom nang tawagin ulit ako ni Elle! Ang swerte ko naman yata ngayong araw!

"Noel you can play guitar, right?" tanong nya habang nakangiti sa akin. Lumabas ang dimples nya sa magkabilang pisngi.

tumango lang ako... Mahirap na... Mahina kasi ako sa English... Baka pag nagsalita ako, lalo lang nya akong hindi maintindihan!

"Great! We need one more guitar player for the band. Gusto mo samahan kita kay Mr. Awit para mag-audition? " masaya nyang turan.

kahit minsan hindi pumasok sa isip ko na sumali sa kahit anong banda. Tama na sakin yung nakakapagtugtog ako ng gitara kung kailan ko lang gusto...

pero iba 'to ngayon... si Elle na ang nagsasabing sumali ako sa banda nila!

Hindi ko napigilang maging masaya. Hindi ko nga alam kung paano ko sya sinagot. Basta ang alam ko umoo ako sa paanyaya nya...

natapos ang araw na hindi nawala sa isip ko si Elle... Ganito pala pag in-love!

Buong gabi rin akong hindi nakatulog... minsan nararamdaman ko nalang na napapangiti na pala ako habang nakahiga sa kama ko...

napatingin ako sa gitara na nasa tabi ko... parang gusto ko yung halikan!

gagalingan ko bukas!--- para kay Elle...

At kapag natanggap na ako sa banda, palagi na akong tutugtog sa school... Tapos makikilala narin ako... Magkakaroon na ng saysay ang paggigitara ko... at... hmmm, baka titilian na rin ako nung mga babaeng nang-busted sa akin dati...

na-excite ako! Hindi ako nakatulog kaya naman ang aga kong dumating sa school kinabukasan.

si Elle kaagad ang nahanap ng mata ko. Nakita ko syang naka-upo sa bench malapit sa puno ng mangga--- ang paborito nyang tambayan...

nakangiti sya habang lumapit sakin...

haaaay, ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mong nakangiti sayo ang babaeng pinapangarap mo...

masaya na sana ang araw ko kung hindi lang dahil sa takteng music professor namin na si Awit...
sabihin ba naman sa akin na hindi daw ako pwede sa banda dahil kailangan daw nila ng may hitsura--- sa ibang salita, yung gwapo... yung pogi...

para narin nyang sinabing ang pangit ko... para narin nyang sinabing sinungaling ang Nanay ko (palagi kasing sinasabi ni Nanay na ang gwapo ko raw)

mabuti nalang at nakumbinsi ni Elle si Awit na magaling daw ako maggitara... Ang ending--- natanggap ako...

Hmm, mali!... Napilitan silang tanggapin ako... Takte!

Ayos lang.. ang importante lagi ko nang makakasama si Elle... yun lang naman dapat ang importante, di ba?

Yun lang dapat!

Pero bakit ganoon? bakit hindi ako masaya? bakit parang hindi na sapat na nandoon at kasama ko si Elle? sa halip na sumaya, bakit ako naging malungkot mula noong napasali ako sa banda nila?

ngayon, kilala na ako sa buong school, tinitilian ng ibang estudyante... pero hindi ako masaya!
kahit pa palagi ko nang kakwentuhan si Elle...
kahit pa nagagawa ko nang ligawan si Elle...
kahit pa nararamdaman ko nang mahal nadin ako ni Elle...

hindi ako masaya dahil hindi ako tanggap ng mga kabanda ko...
dahil hindi ko nararamdaman na kabilang ako sa grupo...
dahil palagi nalang ako ang taya...
dahil kapag mga kabanda ko nalang ang kasama ko, ako na ang utusang si Noel...

kagaya ngayon...
katatapos lang naming tumugtog sa isang school event
heto at ako na naman ang naisipan nilang pagtripan
sampal dito... sampal doon... tadyak... tadyak...

kung bakit pa kasi ako pumayag na sumama sa kanila na mag-inuman sa bahay ng isa naming kabanda...
oo nga pala... pinilit nila akong sumama--- dahil wala silang mapagkakatuwaan kong hindi ako kasama!
heto tuloy at kinakaawaan ko na naman ang sarili ko dahil sa kalupitan nila sa akin.

mabuti na lang at wala dito si Elle. Hindi nya makikita ang kaduwagan ko

nakakainis! bakit hindi ko magawang lumaban?

pero huli na to... hindi na nila ako mahahawakan pa... hindi na nila ako masasaktan pa... hindi na nila ako maipapahiya...

dahil tinapos ko na ang lahat!

napatingin ako sa langit habang pinupunasan ang namumuong pawis sa noo ko.

napapikit ako habang nakatingala sa buwan at mga bituin --- ang mga saksi ng ginawa ko ngayong gabi...

napabuntong-hininga ako matapos kong tingnan ang isang kabanda kong si Tisoy na duguang nakahandusay sa semento...

"Noel, pare, alam kong nasaktan ka namin pero patawarin mo na kami..." iyon ang mga huling kataga nya. Nagmamakaawa sya sa akin!

katabi ni Tisoy ang duguan ding sina Toy at si Boy Mura at si Tikboy...
Lahat sila duguan...
lahat sila wala nang malay...
lahat sila wala nang buhay!!!

Pinatay ko sila!

at ang tanging saksi ay ang mga tala sa langit!

at......

si Elle!
nagulat ako nang makita ko ang nahihintakutan at namumutlang si Elle!
nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin, pagkatapos ay sa mga duguang katawan ng mga kaibigan nya sa semento...

mabilis na namuo ang luha sa mga mata nya at automatikong tinakpan ng mga kamay nya ang kanyang bibig...

walang salitang nagmamadali syang tumakbo palayo sa akin...

hindi maaari!

ayokong kamuhian ng babaeng pinakamamahal ko... Ayoko!

mahal ko si Elle.... mahal ko sya...

pero ayoko ng testigo sa ginawa ko...

Ano ang gagawin ko?

saglit kong ipikit ang aking mga mata at nag-isip...

pagkatapos ay napatingin ako sa direksyon kung saan papunta si Elle...

DISCLAIMER:

ang lahat ng ito ay pawang bunga lamang ng malikot na isipan ng may-akda... ^^
sabi ko na hindi ito love story di ba?

See You In September

2

Posted by Whang | Posted in , , , , , , | Posted on Sabado, Marso 5, 2011


people with mirthful faces

pouring wine over their glasses
drunk or sober
the Earth will be filled with laughter

we will sing songs
that will echo in the hearts of thousands
our voices will reach
even the smallest islands

new stories will be told
of one's experiences while on board
none would care if it is false
liars always pay the bill through remorse

with smiles not fading
we'll be building memories worth keeping
and these shall find home in our hearts
a taste of happiness
that won't be forgotten even after we part

we'll then, my love...

will you join us in September?
"In the end it is not the years in your life that counts. It is the life in
your years."
--- Abrahan Lincoln






Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...