Posted by Whang | Posted in insane thoughts, love poetica, pag-ibig at pagmamahal, teritoryo | Posted on Biyernes, Oktubre 29, 2010
PUTIK sinta!
ano yaring ginagawa?
oras na ng pagtulog
subalit ang utak ay gumagawa parin ng tula?
Sadya ngang mapaglaro ang tadhana
sapagkat kung kailan limot na kita
ay saka ko pa nakita at nabasa
pangalan mong nakapaskil, nakasulat sa malalaking letra
kaibigan, ganap na enhinyero ka na pala!
nais kong batiin at kumustahin ka
subalit itong puso ay wala nang ginawa kung di mahiya
nais ko paring magpadala
ng kahit isang mensahe man lang sana
at sa puntong ito ay biglang naalala
na numero mo ay matagal na palang binura
ngayon, sa gitna ng dilim, puso ay nangungulila
mga alaalang nilimot ay muling nanariwa
ngayon ay hinahanap nang muli ang iyong pag-aalaga
marahil nga kaibigan,
sa iyo ay malakas parin ang aking tama
patawad kung hindi natupad
ang pangakong di ka na gagambalain pa
patawad kung ngayong gabi ay binabalikan kita
stupidong paskil na nagpapaalala
stupidong mga alaalang ayaw mawala
stupidong isipang ayaw mahimlay
nakakapagod,
nakakalungkot,
nakakaantok,
sana ay sa paggising mamayang umaga
ay tapos na ulit tayong dalawa...
Whew!
Mabuhay!
Picture by Sondos on DeviantArt