Ang Limampung Tumatak

3

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Miyerkules, Agosto 24, 2011

Bago ang earphones ko...

Bago ang 'Beats By Dre' na earphones ko...(nagyayabang lang)

kaya ang sarap mag-soundtrip...

kaya naisip kong gumawa ng listahan ng limampung linya ng kanta na tumatak sa aking balintataw...

*  If I could have one wish tonight, I'd wish upon a satellite to bring me back to you --- (The Night the Lights Went Out in NYC)

*  I'm not like the girls that you've known but I believe I'm worth coming home to --- (Sleeps With Butterflies)

*  No, you'll never be alone. When darkness comes I'll light the night with stars --- (Whispers in the Dark)

*  Oh there is beauty and surely there is pain, but we must endure it to live again --- (Out of the Shadows)

*  You are everything I want, 'coz you are everything I'm not --- (Make Damn Sure)

*  You asked me to love you when  I did. Traded my emotions for a contract to commit. and when I got away I only got so far --- (Dead Memories)

* This world may have failed you, it doesn't give you reason why. But you could have chosen a different path in life --- (Angels)

*  Tell me what's wrong with  society, when everywhere I look I see rich guys driving big SUVs while kids are starving in the streets --- (Crazy)

*  This is the world we live in and these are the hands we're given. Use them and let's start trying to make it a place worth living in --- (Land of Confusion)

*  How can I be lost if I've got nowhere to go? Search for seas of gold, how come it's got so cold? How can I be lost from the memories I relive? How can I blame you when it's me I can't forgive? 
---(Unforgiven III)

*  Don't tear me down for all I need. Make my heart a better place. Give me something I can believe --- (All I Need)

*  I don't wanna sleep. I don't wanna dream, 'coz my dreams don't comfort me the way you make me feel --- (Comatose)


*  It's not ours to break the shape of things to come --- (Shape of Things to Come)


*  I am not your blowing wind, I am the lightning. I am not your autumn moon, I am the night ---(I Am the Highway)


*  Where will you be when they're villifying? How will they see when the truth is blinding? Where will you be my darling? --- (Death of Love)


*  I don't know if it felt like I wanted you here the way that I wanted you last time ---(Someday)


*  Even in madness I know you still belive. Paint me in canvas so I become what you could never be --- (I Dare You)


*  It just ain't living and I just hope you know that if you say good-bye today I'd ask you to be true.  Cause the hardest part of this is leaving you --- (Cancer)


*  When I find my piece of mind, I'm gonna give you some of my good time --- (Soul to Squeeze)


*  It's like trying to turn aroud on a one way street, I can't  give you what you want and it's killing me. And I'm starting to see, maybe we're not meant to be --- (Theory of a Dead Man)


*  Yesterday was hell but today I'm fine without you --- (Straightjacket Feeling)


*  And you're my obsession, I love you the bones. And Ana wrecks your life, like an anorexia life --- (Open Fire) 


*  I came along. I wrote a song for you and all the things you do. And it was called yellow --- (Yellow)


*  I could be fake, I could be stupid, you knoe I could be just like you --- (Just Like You)


*  Take away your broken misery. I can't always erase your memory --- (End of Me)




Kung bibilangin mo hindi talaga limampo ang nakalista. Dalawampo't lima lang lahat yan... Naloko kita! ^_^

     



Hurry Up 5:30

3

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Martes, Agosto 23, 2011


Define Monday…

Sabi nga ng isang kaibigan ko “Monday is the first day of slavery.”… madalas tama, minsan hindi.

Pero walang kinalaman ang post na ito sa slavery. Mahilig lang talaga ako umepal sa unahan ng posts. Ang nangyari kasi, wala na akong ginagawa. Sa medaling sabi, hinihintay ko nalang ang 5:30 para maka-uwi.

At dahil nakaka-inip maghintay ng uwian at nauso narin lamang ang pa-epalan sa post na ito, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang ginagawa ko tuwing wala na akong ginagawa.

4:54 Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ko ang trip na ito. Madalas ko itong gawin noon tuwing naghihintay ako ng oras.

4:55 Sinusulat ko sa Japanese hiragana ang trip na ito dati. Mayroon kasi akong isang makulit na ka-opisina na basta nalang binabasa ang mga notes ko.

4:56 Matapos kong isulat sa Hiragana ang notes ko, minsan ako rin ang nahihirapang magbasa nito. Para akong grade  one tuwing tina-translate ko na yung sinulat ko kaya tinigilan ko narin ang pagsusulat sa Hiragana.

4:57 Kulay green ang interior ng opisinang pinapasukan ko.

4:58 Kulaygreen din ang patong-patong na folders sa table ko.

4:59 Ngayon ko lang napagtanto na madalas pala akong bumi-blend sa kulay ng opisina kasi karamihan ng damit ko ay kulay green. Takte yan!

5:00 Kung bakit green ang kulay ng loob ng opisina? Hindi ko alam. Ewan ko ba sa may pasimuno nito, masyadong green minded!... lels

5:01 Walang nakalagay na kahit anong matamis sa ibabaw man o sa ilalim ng table ko. Kaya nagtataka ako kung bakit  ang daming lumalabas na langgam mula sa kung saan. Takte!

5:02  July 22, 2011 sinabihan ako ng boss ko ng “good job”. Masarap pala talaga syang pakinggan lalo na pag di mo inaasahan.

5:03 Mahalaga sa akin ang paghihintay. Madalas kasi mas naa-appreciate ko ang isang bagay na matagal kong hinintay. (Yung mga matagal ko nang hinihintay magbigay ng birthday gift, Christmas gift at kung anu-anong gift… hindi pa po huli ang lahat… lels)

5:04 Hindi po ako naniniwala sa love at first sight. Dahil kung totoo yun eh di sana matagal nang na-inlove sakin si John Lloyd!

5:05 Nakakita na po ako ng totoong comet. Yung parang malaking star na akala mo may walis sa dulo (ganun po ang pagkaka-describe ko sa comet noong bata ako)

5:06 Noong bata ako gusto ko maging scientist. Akala ko kasi scientist ang tawag dun sa pumupunta sa outer space.

5:07 Grade 4 yata ako nun nang malaman ko na Astronaut ang tawag sa mga pumupuntang outer space.

5:08 Grade 6 naman ako nang malaman kong ang pinagtatrabahuan ng mga pumupuntang outer space ay madalas sa NASA.

5:09 Highschool na ako nang mapagtanto ko na hindi ako pwedeng magtrabaho sa NASA kasi may height requirement! Takte naman kasi.

5:10 Maniwala ka at sa hindi, marunong ako mag-sketch pero anime lang ang kaya kong i-drawing…

5:11 Isa ako nun sa mga naging panatiko ng Meteor Garden. Bago yun panatiko muna ako ng Dragon Ball at sampo pang kasanib ni Son Goku.

5:12 Madalas late akong pumasok ng school mula pa noong elementary kaya sanay akong dumaan sa bakod noon. Noon yun.

5:13 Wala akong bisyo. Kung may bagay man akong kina-adikan, iyun ay ang pagbabasa.

5:14 Yung librong Frankenstein ni Mary Shelley ang pinaka-hindi ko makakalimutan sa lahat ng binasa kong libro. Iyun lang kasi ang binasa ko ng tuloy-tuloy hanggang sa natapos (mula 6PM hanggang 7AM). Walang tulugan!

5:15 Noong bata ako, ewan ko ba, sinabi ko sa sarili ko na ayokong magkaroon ng boypren na politiko.

5:16 Ngayong malaki na ako ayoko ko paring magkaroon ng boypren na politiko. Ayoko din ng pulis, sundalo, marine o navy.

5:17 Mayroon akong gitara. Kulay pula. Noong nakaraang bwan ko lang sya nabili. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano ko sya gagamitin ng maayos.

5:18 Hindi ako mahilig sa emo na banda kaya nga hindi ko rin maipaliwanag kung bakit gustong-gusto ko ang kantang ‘Discovering the Waterfront’ ng Silverstein.

5:19 Tama na nga ang kashitan na ito. Malapit na ang uwian. Yay!

5:20 Sana basahin nyo parin ang mga susunod kung post pagkatapos nito. ^_^

5:21 P.S Baka maitanong ninyo kung anong koneksyon ng trip na ito sa larawan sa baba. Ang sagot po ay wala. Umepal lang din ang mga piglets na yan! ^^






Dear Charo

1

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Biyernes, Agosto 19, 2011


Dear Charo,

Hindi na ako magpapaliguy-liguy pa Charo. Sisimulan ko na ang pagkukwento…

Bagamat hindi ito gaya ng mga kadalasang paksa na ipinapalabas ninyo sa inyong programa, nagbabakasakali parin ako na mapaglalaanan ninyo ng panahong basahin itong kwento ko. Wala po kasi dito ang mala “you-and-me-against-the-world” na eksena na pang-araw ng mga puso. Lalong hindi rin ito kwentong kababalaghan na pwede ninyong ipalabas tuwing Halloween.

Bakit nga ba ako sumulat sa inyo? Hindi ko rin alam. Ewan ko ba. Gusto ko lang magkwento. Nagpi-feeling kwentista na naman po kasi ako.

Ganito po kasi yun…

Balikan natin ang taong 2008… Nag-aaral pa lang ako nun… Mainit… Sobrang init!... Natandaan ko pa nga na saglit kong sinumpa ang katagang Global Warming  noong araw na iyon. Pawisan na ako nang mahanap ko ang silid kung saan kami magkaklase. Wala pang tao doon bukod sa akin. Kasalanan ko, kung bakit kasi ang aga kong pumasok?

Dahil  organisado akong tao at masipag akong estudyante (blog ko ‘to!) Charo, buong puso kong inayos ang noo’y gulo-gulong posisyon ng mga upuan, binura ko narin ang mga kung anu-anong kashitan ng ibang estudyante na nakasulat sa chalkboard. Naisip ko kasi, maganda na iyung pagdating ni prof tuloy-tuloy na ang sulat nya sa board. Siguro mga labinlimang minuteoko ring ginawa ang mga iyun Charo.

Pagkatapos nun, agad akong pumili ng pwesto para maupo. Pinili ko iyung malapit sa pinto para kahit mahangin kahit papaano. Kumuha ako ng kapirasong scratch paper sa bag ko para ipunas sa upuang halatang balot pa ng alikabok. Nang masigurong pwede na syang upuan binuksan ko ang ang isa sa apat ng ceiling fan na naroon. Syempre yung binuksan ko lang ay yung sa may tapat ko kasi matipid ako sa kuryente (blog ko nga kasi to). Hindi pa nakaka-isang minuto may dumaang guard Charo. Nagkatinginan kami. Nginitian ko pa nga sya. Pero iba pala ang ibig sabihin ng pagngiti nya sakin nun.

“May klase kayo dito? ” tanong nung guard sa tonong pang-guard.

“Meron po,” sabi ko. Nakangiti parin ako. Sa isip ko wala naman akong nilabag eh.

“Anong oras?” tanong nya ulit.

“Maya-maya po. One-thirty,” kaswal na ang sagot ko. Ayoko nang ngumiti.

Tumingin sa akin yung guard. Tapos tumingin sa relo nya sabay sabing “Wala pang one-thirty. Patayin mo muna yang electric fan.”

Sa pagkakatanda ko mabilis na kumulo ang dugo ko noong panahon na iyun Charo pero hindi ako nagsalita. Tumayo nalang ako para patayin… yung electric fan po, hindi yung guard. Pero binuhay ko din po sya pagkatalikod nung guard. Sa halip na mainis inilipat ko nalang ang atensyon ko sa mga tao sa labas. Ayokong isipin ang kashitan ni manong guard kaya inaliw ko ang sarili sa panonood ng mga estudyanteng maya-maya tumatawid gitna ng init sa quadrangle… sa mga nagpa-praktis ng sayaw sa stage… sa mga nagkukwentuhan sa lilim ng puno ng mangga… sa lalaking mag-isang naka-upo habang sarap na sarap sa kinakaing burger…

Huwag nyo pong isipin na may hinanakit parin po ako sa guard na iyun matapos ang halos tatlong taon. Ang totoo wala po akong hinanakit sa kahit kanino na nakilala ko sa mismong araw na iyun. Nagkataon lang na naalala ko ang eksenang iyun nang makita ko sa friend suggestions ko sa FB ang isang taong naging kaklase ko para sa pasukang iyon--- si kuya na nakita kong sarap na sarap sa kinakaing burger.

Nagtaka lang po kasi ako Charo kung bakit nasa friend suggestions ko si kuyang kumain noon ng burger gayung wala naman kaming common friend…

At dito po nagtatapos ang kwentong shits ko Charo… nawa’y pamagatan ninyo itong “Electric Fan”, “Burger”, o dili man ay “FB”.



Lubos na Gumagalang,


REKLAMADOR






Twinkle, Twinkle Little Star

6

Posted by Whang | Posted in , , | Posted on Lunes, Agosto 15, 2011


Twinkle, Twinkle, Little Star
Summon fairies from afar
Tiny faces, sparkling wings
Let them guide me to my prince

Twinkle, Twinkle, Little Star
Let your light be magical
Wake a genie from his sleep
Just one wish will do for me




Daredevil Dairyel

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Biyernes, Agosto 12, 2011



Noong isang araw ko pa gustong magsulat pero wala akong masabi hanggang sa naka-kwentuhan ko kanina ang isang bagung kaibigan. Tawagin natin sya sa pangalang Daredevil Dairyel. Sa ganoong pangalan daw kasi nya ipinakilala ang sarili nya sa buong klase nung sinabi ng Accounting Prof nila na magpakilala gamit ang isang adjective. (Risk-taker daw kasi sya!)

Hindi ko rin alam kung paano kami naging magkaibigan o kung kailan nagsimula ang pagkakaibigan namin. Basta isang araw bigla nalang syang pumasok sa tambayan ko ng walang Sali-salita, sabay higa sa sulok ng higaan ko, saka mabilis na isinubsob ang mukha sa unan ko na hindi ko pa napapalitan ang cover.

“Oi girl, wag yan. Hindi ko pa nalalabhan yan!” sabi ko. Syempre nahiya naman ako.

Noon ko lang napansin na umiiyak na pala sya. Break na daw kasi sila ng boypren nya. Naiiyak sya dahil sa galit, hindi sa lungkot. Tahimik lang akong nakikinig sa kwento nya. Inosente naman kasi ako pagdating sa mga ganoong paksa. 

Mula noon napadalas na ang tambay niya sa tambayan ko kasama ang dalawa pa naming ka-boardmates. Noong una hindi ko inakalang magkakasya kami sa maliit na espasyo sa loob ng lungga ko. Nagkasya kami dun, masikip nga lang kaya nagpasya kaming dalhin ang kwentuhan sa labas. (Ano ba naman kasing ginawa ng Padis Point?) doon ko nadiskubre na marunong naman pala akong sumayaw! (iisang step nga lang)

Talon. Talon. Talon…

Nasundan pa ng ilang gimik at jammings ang tagpong iyun… hanggang kanina…

Nagyaya na naman silang tatlo na gumimik, pero umiral na naman ang katamaran ko. Isa kasi akong malaking panatiko ng katahimikan (kahit hindi halata sa mga metal na tugtugin na naka-save sa playlist ko) kaya mabilis akong nagsawa sa ingay sa gimikan.biglang na-miss kong maglakbay sa pamamagitan ng pagbabasa at dumaldal gamit ang pagsusulat..

Hindi nila ako napilit na sumama pero nakapag-kwentuhan muna kami ni Daredevil Dairyel bago nya ako iniwan sa munti kong lungga. Naipabasa pa nya sa akin ang journal nya na limang taon na ang tanda. Gusto ko din sanang i-share sa kanya ang dati kong journal pero inunahan ako ng hiya. Ano naman kasi ang makukuha nya pag nabasa nya doon kung paano ko namura sina Hellboy at Elektra?
 
Balik tayo sa journal nya… 

Heto ang iilang pirasong napulot ko mula sa pagbabasa dun:

“Madalas gusto ng tao na maging espesyal--- isang antas ng pagiging espesyal na isang espesyal na tao lang ang makapagbibigay.”

“Everyone is a Daredevil, (risk taker)…  others just don’t know it yet.”

Hindi ko tuloy napigilang maalala ang isang status ng kaibigan ko nun sa FB…

“Take the risk and say at least I tried. Or do nothing and spend your whole life wondering what could have been the outcome if you took the risk…”

Isang Pahina Para Kay Miss Corazon

0

Posted by Whang | Posted in , , , | Posted on Miyerkules, Agosto 3, 2011

Si Miss Corazon?
Hindi ko sya nakasama ng ganoon katagal.

Kilala ko lang sya sa pangalan noong bata ako. Madalas ko kasing marinig ang pangalan nya lalo na tuwing may dumadating na package sa bahay galing Amerika.

High school na ako nung una ko syang makita ng personal. Halos kasing-height ko lang pala ang taong taong tinitingala ng marami naming kamag-anak at kakilala doon. Kapatid pala sya ng lola ko na higit siyam na taon nang nanirahan sa ibang bansa. Bago iyun ilang taon din muna syang nanirahan at nagtrabaho sa Maynila. Kaya pala noon ko lang sya nakita.

Librarian si miss Corazon bago sya nag-abroad. Ni hindi ko nga alam na siya pala ang may-ari nung sangkatutak na libro sa bahay ng lola ko na kinatutuwaan ko namang basahinmula noong elementary. Hanggang ngayon nandoon parin sa iisang aparador ang mga libro niya--- naghihintay basahin ng kung sino.

Nasa dugo ni Miss Corazon ang pagiging guro kaya kahit retirado na, madalas nyang tipunin sa bahay ang mga pinsan ko para turuan ng kung anu-anong kantang pambata. Minsan pa nga pinilit pa nya akong sumali sa kantahan nila kaya mula nun nagpapanggap na akong busy tuwing may kausap na syang bata.

Baa Baa Black Sheep
Have you any wool?
Yes sir, Yes sir, three bags full…

Isa yan sa mga paborito nyang ituro sa bunso kung kapatid… with matching actions pa yan!

“Don’t do for tomorrow what you can do for today.”

Yan naman ang paborito nyang sabihin sa akin--- tipong four times a week. Ewan ko ba. Likas yata kasi ang takteng katamaran sa katawan ko. 

Ilang buwan ko ring nakasama sa iisang bahay si Miss Corazon. Sa ilang buwan na yun, marami akong narinig na kwento tungkol sa samu’t saring karanasan nya sa buhay. Marami rin akong nakuhang sermon at pangangaral. (Syempre, pwede ba namang wala?) Pagkatapos nun, matagal kaming hindi nagkita pero tanda ko pa na pilit pa nya akong tinutulungan nung mga unang taon ko sa kolehiyo.

Kahit may edad na, malakas at mahilig paring bumiyahe si Miss Corazon. Kaya nga laking gulat ko nung makita ko sya noong isang taon. Kagagaling lang nya sa sakit nung dinalaw ko sya. Nakakagulat ang biglaang pagbagsak ng katawan niya… pati alaala nya bagsak din. Hindi na kasi nya kami nakikilalang bigla pagkatapos nyang ma-stroke. Bakas sa mukha nya ang panghihina pero hindi parin nawala yung ngiti sa labi nya na madalas kung makita noon tuwing nagtuturo sya.
Nilapitan ko sya, kinamayan, sabay tanong kung kilala pa nya ako. Ngumiti lang sya, pinisil ang kamay ko, ngumiti ulit, hindi nya maalala kung sino ako kaya hinalikan na lang nya ako sa pisngi sabay tanong ng “Kumusta sa inyo?”

Ngayong araw lang natanggap ko ang balita na tuluyan nang namaalam si Miss Corazon--- isa sa mga taong pinagkautangan ko ng loob at humubog narin sa katauhan ko. Maiksi man ang pinagsamahan namin, hindi na mabubura ang mga bakas ng alaala na iniwan nya…

Maraming salamat…

Isang espesyal na pahina at maraming patak ng luha para kay Tiya Coring… 



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...